SCARLETT POV
"Hmmmm." Dahan dahan kong minulat ang mata ko, bigla akong napabalikwas ng bangon, pinag-masdan ang paligid kung nasaan ako. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makitang nasa sarili ko akong kwarto.
"Awww." Napahawak ako sa ulo ko, d*mn hangover na naman. Naparami ang nainom ko kagabi, masyado akong nag-enjoy sa bar na pinuntahan namin ni sab.. Wait...kumunot noo ako. Paano kami nakauwi? Imposible namang nasundo kami ni monggoloid? eh, hindi naman siya pwedeng pumasok sa loob ng bar, at ang layo ng mansion sa makati wala pa siyang dalang sasakyan.
Hindi rin naman pwedeng si sab dahil hindi marunong mag-drive ang babaeng 'yon. Tsaka anong nang-yare kagabi? Ang natatandaan kolang may lalaking naki-feeling close samin. Inenjoy na maki table samin at umorder ng drinks. Argh, bakit wala akong maalala? Sana naman wala akong ginawang kalokohan kagabi! Iba pa naman ang tama ng alak sakin pag sobrang dami konang naiinom. Tsk, mamaya kona nga lang aalamin ang lahat. Gusto ko munang matulog ulit. Sobrang sakit ng ulo ko.
Hihiga na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Niluwal nito si Sab na may dala dalang tray.
"Buti naman gising kana carlett. Here dinalan kita ng lunch." Umayos naman ako ng pagkakaupo. Sinilip ang wall clock ko, lunch na pala, kakain muna ako kahit konti, buti nalang walang pasok ngayon kaya pwedeng pwede ako matulog mag-hapon. Sumandal ako sa headboard ng kama. Pinagmamasdan ang ina-ayos na pag-kain ni Sab.
"Sab?" Tawag ko.
"Hmm?"
"How did we get home?" Wala sa sarili kong tanong. Kanina kopa talaga iniisip paano kami naka-uwi. Bumaling ako kay sab ng tumigil ito sa ginagawa.
Napakunot noo din ako dahil ang tagal niyang sumagot. "What happened last night? Did i make a scene?" Muli kong tanong, Sh*t, mukhang may ginawa nga ako dahil hindi agad umimik si sab. Ano naman kaya ang ginawa ko kagabi? Ano na namang kalokohan?
Nakatingin lang ako kay sab, hinihintay na mag-salita siya. Bumuntong hininga muna ito bago umupo sa tabi ko. Seryoso niya akong tinignan. Mukhang malala nga ata ang ginawa ko kagabi. Seryosong seryoso si sab e.
Nakalipas ang ilang minuto na naka-titig pa rin sakin si sab. Hindi kona naiwasang mag-taas ng kilay dahil naiirita na ako sa titig niya sakin!
"Are you gonna tell me what happened last night or not?" Naiiritang saad ko. Para kaseng ewan! Nakatitig lang sakin. Lalo tuloy akong kinakabahan. Feeling ko ang lala ng ginawa ko e! Muli na naman siyang bumuntong hininga.
"Saan ba ako mag-sisimula?" Mahinang sabi ni sab, parang wala sa sarili. Ano bang nangyayare sa babaeng 'to?
"Tsk, magsimula ka kung anong nangyare kagabi." Masungit na sabi ko. Lalong sumasakit ulo ko dahil sa babaeng 'to.
"You were too drunk last night."
"Then?"
"Sa sobrang kalasingan mo, nag sayaw ka. Tuwang-tuwa 'yung zig na'yon dahil lasing——" pinutol ko ang sinasabi ni sab, sino naman ang zig na sinasabi niya?
"Wait! Who's Zig?" Kunot noo kong tanong.
"Yung lalaking umupo sa table natin. Yung umorder ng maraming alak at pina-inom ng pina-inom sayo." Napasinghap ako sa sinabi ni sab, So nilasing talaga ako ng lalaking 'yon? At ako naman si t*nga hinayaan? Sabagay nung naki-upo yon sa table namin may tama na rin ako. Siguro sa kalasingan kaya pumayag ako.
BINABASA MO ANG
My Personal Bodyguard (Completed)
HumorPaano kung bigla ka nalang magkaroon ng personal bodyguard na ubod nang yabang, suplado,badboy pero higit sa lahat...Ubod naman nang gwapo? Makakaya mo kaya 'yon sa araw-araw mong buhay? Sunod ng sunod sayo kung saan ka pupunta, hahatakin ka nalang...