Chapter 34

1.5K 53 47
                                    


Pogz POV


*Flashback*



"Bakit dito mo pa nilibing ang mga gamit ko?!" (Mastig)




"Eh wala na akong ma isip na lugar eh! Bakit ba?!"




"P*cha nakakatakot eh!!" (Mastig)




"Tumigil ka nga!!"




Tanghaling tapat ay nag huhukay ako dito sa sementeryo kung saan ko nilibing ang mga gamit namin ni Mastig noon. Mostly baril lang naman namin at mga borloloy ni Mastig.



Dito ko nilibing ang mga nakaraan namin, dito ko tinapos ang buhay na matagal ko nang kinalimutan pero hindi ko akalain na huhukayin ko na naman ito ngayon!



Hindi nag tagal ay nakita ko na ang bag na itim. Agad ko itong hinugot at hinagis kay Mastig na siya niya namang nasalo.





"Tara!" sambit ko at agad kaming umalis sa sementeryo gamit ang motor niya. Hindi ko alam kung saan niya nanaman 'to kinuha pero mas okay na 'to kaysa sumakay kami ng jeep.





Ngayon, dederecho naman kami sa hideout ng Problem Child. Sa totoo lang, ang tagal ko nang hindi naka punta doon. Kahit noong pina hanap ko ang nag ambush sa'min nila ser Tony ay sa cellphone lang ako nakipag transaksiyon. Pero ngayon, makikita ko nanaman ito pati na ang mga dati kong kasamahan.





"Tol, uulitin ko ha? Hindi mo kailangan sumama dito. Pwede naman na ako nalang eh! Mas okay na ako nalang kaysa—"



"Ano ka ba?! Ikaw nga sana ang sasabihan ko niyan eh! Hindi mo laban 'to!" singit ko sa kaniya. "Na sali kalang dahil sa'kin kaya Tigs ibalato muna—"




"G*go para kay George 'to!" (Mastig)





"Yun lang...."




Na pa iling ako at na pa ngisi dahil sa sagot niya. Lakas ng tama kay George eh! Iba talaga pag babae ang pinag-uusapan! Hahaha! Kahit anong taas ng bundok aakyatin talaga! Mas okay nalang yung ganito, at least may rason ang pinaglalaban niya.





Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na kami sa hideout. Isang abandunadong building na matagal na sanang pinapagiba ng gobyerno pero hanggang ngayon ay nandito parin.





Pag pasok namin sa loob ay na pa hinto ako at na pa tingin sa padir kung saan may mga naka sulat doon. Pangalan namin ni Mastig na matagal nang naka ukit sa gitna ng semento. Kahit matagal na ay hindi parin nila tinatabunan at kinalimutan.




"Hoy! Ginagawa mo diyan?! Nandito na sila!" tawag ni Mastig kaya agad na akong sumunod sa kaniya.




Pag pasok ko sa sirang pinto ay agad bumungad sa akin ang mga pamilyar na mukha. Ang mga kasamahan ko noon!!! Agad silang natuwa noong makita ako!



"P*cha si Pogz!!!"



"Pogz!!!"



"Tol!!"




"Pre musta!!!"



"Pogz!!"



Mga bati ng karamihan sabay lapit at kinamayan nila ako. Natutuwa din ako na makita sila muli. Ang iba dito ay matagal ko nang kasama pero ang iba ay ngayon kolang nakita. Siguro mga na sa 18 lahat ang nakikita ko sa loob.




My Personal Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon