Chapter 8

1.5K 51 19
                                    

Scarlett's POV



Nakakapanibago.....



Sobrang nakakapanibagong umalis ng bahay na hindi si Pol ang kasama ko.



Sa dalawang buwan na nandito siya sa amin ay halos araw-araw kaming magkasama pero ngayon....ngayon mag-isa nanaman ako. Back to basic nanaman ang buhay ko.



Hindi na siya nag paramdam simula noong huli kaming nag usap. Isang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita dito sa school. Gusto ko siyang kamustahin, or e text or tawagan pero pinangungunahan ako ng kaba at takot na baka ayaw niya akong makausap.




Pakiramdam ko sobrang tagal na siyang nawala. Sa isang linggo na lumipas ay walang araw na hindi ko iniisip ang lahat na nangyare sa amin. Preska pa sa ala-ala ko ang mga sinabi ko sa kaniya at ang ginawa niya para sa'kin. Binabagabag parin ako ng aking konsensiya hanggang ngayon kaya siguro hindi parin ako mapakali.




Hindi ko alam kung ito nga ba ang dahilan 'o baka meron pang iba? May mga araw na iniisip kong sana hindi ko nalang hinalungkat ang mga nakaraan niya, sana hindi pa nangyare ito. Siguro sana ngayon nandito pa siya at inaasar ako, kinukulit at binubwisit ang araw ko. Minsan na papangiti ako kapag na aalala ko ang mga kakulitan niya, ang mga bloopers niya na nag papatawa sa akin. Kung pwede kolang sana maibalik ang lahat.




In short......




Na mimiss kona ang monggoloid....




"Mam, nandito na po tayo."



Na himasmasan nalang ako noong tawagin ako ni mang Lito. Hindi ko namalayan na dumating na pala kami sa school.




"Ay—hehe sorry po. Sige salamat." naka ngiti kong saad sa kaniya tapos lumabas na ako ng kotse. "Mang Lito, ingat po. Kita nalang tayo mamaya." dagdag ko pa pero nag taka ako bakit parang tulala siya habang sinasara ko ang pinto? Wala naman sigurong mali sa sinabi ko?




Habang nag lalakad ako sa hallway ay parang nakakapanibago dahil ang iba ang binabati ako.



"Hi Scar!"

"Hi!"

"Morning, Scar!"



So para hindi nila sabihing rude ako, i also greeted a few and smiled back at them. Na kakapanibago pero parang na kakagaan din pala sa pakiramdam ang ganito.



"Hey, Scar."


Bigla akong na pa lingon noong may tumawag sa akin na pamilyar ang boses.



"Bishop!" sambit ko ng pangalan niya noong tumabi siya sa paglalakad.



"How's your morning?" (Bishop)



"Different.." sambit kolang habang naka ngiti.




"Good!! Ayus 'yan. So? See you at lunch?" (Bishop)



"Yeah, see you there!" sagot ko naman tsaka siya kumaliwa sa building nila.


Well, just a small recap a day after what happened last week was....hmm sabihin nalang natin na tinupad nga ni Pol ang pinangako niya tungkol sa mga ka brad niya sa fraternity, Ang bantayan ako araw-araw.



Una, pakiramdam ko noon noong pag pasok sa school ay celebrity ako. Sa gate palang ay may dalawa na nag hihintay sa akin at sinamahan talaga nila ako hanggang maka rating sa classroom. Syempre marami nanaman ang nag titinginan at nag bubulong-bulongan. Lalo na sa banta ni Pol sa Canteen. Kumalat talaga sa buong campus kaya ngayon, na iilang silang lahat na lumapit sa'kin. Si Sab lang talaga ang makakalapit at wala nang iba.




My Personal Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon