Present day....
Pogzz POV
So ayun, bigla akong naging bodyguard nang wala sa oras. Ayaw korin sanang tanggapin dahil hindi ko naman alam ang pagiging bodyguard na'yan kaso maganda ang deal ng daddy ni baliw. Maliban sa mataas na ang pa-sweldo niya sa'kin 'e siya na rin daw ang mag babayad ng pag-aaral ko. Saan ka pa diba?
Kung hindi ako tinanong ng daddy ni Baliw kung anong buo kong pangalan, hindi niya na laman na anak pala ako ng dating driver nila. Isipin mo nga naman, small world talaga. Matagal siyang naging driver nila kaso nag kasakit si tatay kaya na pilitan siyang huminto. Kaya ngayon, na lipat sa akin ang responsibilidad ng aking pamilya.
Dalawa kaming magkapatid kaya ako rin ang nag papaaral sa kapatid kong babae, habang si nanay naman ang nag aalaga kay tatay. Noong nag paalam ako kay tatay na mag tatrabaho sa dating amo niya ay hindi siya nag dalawang isip na pumayag. Ma babait daw ang amo niya. Maliban nalang sa anak nilang pamangkin yata ni Hitler. Ang talino talaga ng tatay ko, kahit hanggang grade five lang ang tinapos niya ay alam niya ang pinagka-iba ng baliw sa bruha.
Mahirap maging mahirap, hindi mo alam kung saan ka kukuha ng pang gastos. Yung kahit anong raket gagawin mo basta't magka pera kalang? May parti ng buhay ko na ayaw konang balikan, mga pinagsisisihan kong mga bagay na sana hindi ko nalang pinasok. Kaya eto ako ngayon, pinipilit mag bagong buhay. Mabuti nalang 'tong maging bodyguard ako ng baliw na'to kaysa balikan ang mga nakaraan kong trabaho.
Anyway, May sarili akong kwarto sa bahay na naka hiwalay dito sa gilid ng mansion nila. May aircon at tv pa. Kasama ko dito ang mukhang robot na si butler lim pero sa kabilang kwarto naman siya. Tinanong ko pa sila noong unang pasok ko dito kung ito ba talaga ang titirhan ko dahil akala ko talaga bagong bahay siya. Sabi ni yaya linda, guest house daw ito dati na ngayo'y ginawa nalang tirahan ng mga tauhan nila. Malaki siya para sa aming dalawa ni butler lim. May sala, my kusina at may sariling mga Cr sa bawat Kwarto. Sa gilid nang bahay namin, doon naman ang maids quaters kung saan sina yaya linda at iba pang mga katulong natutulog.
Mababait silang lahat dito at ako lang yata ang pinaka bata. Ay hindi pala, si jose pa pala. Anak ni mang lito na driver nila. All around siya dito. Taga dilig, taga linis, taga hugas ng kotse, basta lahat ng "Taga" ginagawa niya. Sa isang buwan kong naninirahan dito ay nakilala ko silang lahat. Ang sabi nila, mabuti nga raw tumagal pa ako ng isang buwan. Nag tataka daw sila bakit na tiis ko ang ugali ng among nilang maldita na, baliw pa.
Baliw lang talaga ang tawag ko kay Scarlett. Ang ganda ng pangalan niya noh? Inaamin ko, ang ganda talaga ni Scarlett. Mga mukhang pang artistahin, mga katawan niyang pati mga model hindi uubra pag kumembot siya. Yung pag kaharap mo siya ay mistulang maninigas ka nalang dahil sa kagandahan niya? Pero yun nga lang, hindi mo naman makain ang ugali niya. Hindi ko alam ba't siya gan'on. Kung anong ganda ng mukha niya ay ganun naman ka panget ng ugali niya. Yung pasigaw pag nag salita? Yung parang araw-araw siyang may regla dahil sa mood swings at pag siya ay tinupak nako, kulang nalang tawagin niya lahat ng demonyo. Kahit nga mga magulang niya sinasagot niya eh. Mga mayayaman talaga, palibhasa nag iisang anak kaya lumaking naka higa sa pera.
Simple lang naman ang trabaho ko, sasamahan lang siya sa lahat ng mga lakad niya. Kung kinakailangan mang bugbug ako ay kasama na sa trabaho ko 'yon. Ang kabilin-bilinan ng daddy niya ay huwag siyang pabayaang mag isa, lalo na pag umaalis kung gabi dahil mahilig itong baliw na'to tumakas at mag party.
Pero sa kabila ng lahat, na isip kolang na siguro hindi naman talaga ganito ang ugali ni Scarlett. Alam kong may tinatago siyang sama ng loob sa magulang niya. Alam ko dahil ganun din ako dati. Halata naman kasi, pero pakialam ko sa kanila! Ang importante ngayon sa'kin na magampanan ko ng maayos ang trabaho ko at kapag gumaling na si tatay ay makaka alis na ako sa empyernong lugar na'to.
BINABASA MO ANG
My Personal Bodyguard (Completed)
HumorPaano kung bigla ka nalang magkaroon ng personal bodyguard na ubod nang yabang, suplado,badboy pero higit sa lahat...Ubod naman nang gwapo? Makakaya mo kaya 'yon sa araw-araw mong buhay? Sunod ng sunod sayo kung saan ka pupunta, hahatakin ka nalang...