Scarlett's POV
It's been a week since the incident happened...
At sa isang linggo na 'yon, sariwa parin sa aking mga ala-ala ang lahat na nangyare. Kung paano pinahiya at sinaktan nanaman nila mommy si Pol. I hated her that! Lalo na si Raeden. Hindi ko inexpect na siya pala ang may kagagawan ng mga iyon.
Nalaman ko rin na siya ang kumuha ng mga pictures. Sinabi sa'kin ni daddy dahil siya ang una niyang nilapitan. Ngunit, walang ginawa si daddy. Hindi ko nga rin ma intindihan bakit hindi siya nagalit pero iyon ang rason kung bakit kay mommy si Raeden lumapit.
Doon nag simula ang gulo......
At dahil d'on, nangyare ang hindi ko inaasahan.
Hindi na si Pol ang bodyguard ko. Pinalitan na siya si Shaqy, ang kapatid ni Mike.
Siya na ngayon ang nag hahatid at sundo sa akin sa school. Pero kahit gan'on, nagkikita pa naman kami ni Pol sa campus. Mas mabuti nalang yung gan'on kaysa tanggalin talaga siya sa trabaho, which is ayaw ko talaga! Hindi nalang ako umangal at pumayag nalang sa gusto nila.
Pero.......
Kahit gan'on na ang nangyare ay masaya at naka ngiti ako palagi sa tuwing pupunta ng School. Palagi akong nag mamadali at hindi mapakali sa hindi ko alam na dahilan. Siguro gusto kolang maka punta agad ng school dahil may nag hihintay sa'kin doon.
Ang manliligaw ko! Shet.....
Paano nangyare??? Ito kasi 'yon.....
*Flashback*
"Scar, siguro aalis nalang ako." singit niya bigla. "Nagkagulo na kayo dahil sa'kin. Mas mabuti pa na wala—" (Pol)
"NO!!! AYOKO!!! Hindi ako papayag! Wag na wag mo akong iiwan dito!!! Kung aalis ka, Isama mo nalang ako!"
I wasn't sure bakit ko nasabi 'yon pero sure ako na hindi talaga ako papayag na aalis siya! Na iiwan niya ako dito! Mas lalo ko nalang hinigpitan ang pag yakap ko sa kaniya para maramdaman niya na seryoso ako.
"Hoy! Ano ka ba?! Pamilya mo ang pinag-uusapan na'tin dito? Bakit mo—" (Pol)
"Basta ayoko!! Bahala ka!!" singit ko kaya natahimik siya. "Wag kang umalis, please!! Please naman oh?!" giit ko pa sa kaniya.
Ramdam kong napa hugot siya ng buntong hininga at parang bumilis pa ang pag kabog ng dibdib niya.
"Alam mo, kaya kong umalis nang hindi mag paalam sa'yo eh. Pero—"
"SUBUKAN MO!! SASABUNUTAN KITA!" inis kong sigaw sa kaniya kaya mabilis niyang tinakpan ang bibig ko.
"Shhhh! Ano ka ba?!! Baka marinig tayo! Gusto mo bang mahuli nanaman ako dito?!" bulong niyang sigaw.
"Eh ikaw kasi!!!"
"Tsk!! Sige nga, bigyan mo'ko ng rason bakit hindi ako aalis?" biglang tanong niya kaya napa tingin ako sa kaniya. "Ako yung nahihirapan eh, ginugulo ko ang buhay niyo at dahil sa'kin nag away na kayo—"
"Dahil kapag nandiyan ka nakokompleto ako!" biglang singit ko kaya nanlaki ang mga mata niya. "Ikaw lang ang nakakaintindi sa'kin Pol. Ikaw lang! So please! Wag mo'kong iwan dito!" dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
My Personal Bodyguard (Completed)
HumorPaano kung bigla ka nalang magkaroon ng personal bodyguard na ubod nang yabang, suplado,badboy pero higit sa lahat...Ubod naman nang gwapo? Makakaya mo kaya 'yon sa araw-araw mong buhay? Sunod ng sunod sayo kung saan ka pupunta, hahatakin ka nalang...