Pogz POV
Akala ko noon isang araw lang susumpingin si Scarlett.
Ang isang araw ay naging isang linggo, at ang isang linggo ay naging isang buwan...
Isang buwan na ang lumipas at hindi na talaga bumalik sa akin ang mahal ko.
Nawala na ang Scarlett na kilala ko. Ang babaeng minahal ko, ang taong ginawa kong mundo.
Tuloyan na siyang kumiwalas sa mga palad ko. Ang mga matatamis niyang ngiti ay hindi kona nakikita. Ang mga tawa niya na kahit nakakairita ay hindi kona naririnig.
Hanggang ngayon, para akong tanga na hindi parin malaman kung anong naging dahilan kung bakit siya lumayo sa akin. Para akong tanga na pilit iniintindi ang lahat. Na baka darating ang araw na muli siyang bumalik at makikita ko ulit dating sigla sa kaniyang mga mata kapag ako ang kaharap niya.
Tandang-tanda ko pa ang mga gabing iyon. Ang gabing nabigo ako sa aking hinanda para sa kaniya. Sabi nga nila, wag masiyadong mag kompiyansa. P*ta lakas ng tama sa'kin ng kasabihang iyon. Umasa talaga ako noong gabing 'yon na kahit sana 'yon nalang ang ibinigy niya, masaya na ako.
Noong gabing 'yon, doon ko napag tanto, na kahit anong gawin ko...talo parin ako!! Isa parin akong talunan! Na hindi pwede ang katulad ko sa mga kagaya nila.
Sabi nga ulit nila, ang mga mayayaman ay para lang sa mga mayayaman, at ang mga mahihirap ay mananatiling para sa mga mahihirap.
Hindi mo pwedeng baguhin ang kapalaran mo dahil lang sa letseng pag-ibig na'yan! Dahil kahit baliktarin moman ang mundo, langit parin sila at sa lupa lang tayo.
Pero, kahit gaano ko pa ka tanggi, kahit pilit ko pang iniiwasan, hindi ko parin mawala ang tunay kong nararamdaman kay Scarlett. Sa nag iisang Kryptonite ng buhay ko. Mahal ko parin siya.
Pero...mamahalin ko nalang siya ng patago. Kahit ganito, ang importante ay nababantayan ko siya.
Kaya ito ako ngayon, kung saan ako nag simula.
Kung paano niya ako nakilala...
Bumalik ako sa dati...
Ang maging bodyguard NILA.
"Pogz, pinapatawag ka ni mam Elizabeth."
Bigla akong natauhan noong tawagin ako ni Butler Lim. Naka upo ako sa aking kama habang pinagmamasdan ang mga pictures namin ni Scarlett sa aking cellphone.
"Bakit daw?" tanong ko habang naka talikod.
"Mag papasama yata sa'yo." sagot niya kaya na pa lingon ako.
"Mag papasama? Bakit si Shaqy nasaan??"
"Hindi ko alam. Bilis na! Alam mo naman 'yon. Ayaw na pinapahintay." (Butler Lim)
Agad akong nag ayos. At habang nag bibihis ay napapaisip ako bakit ako pa talaga ang gusto niyang sumama sa kaniya?
Noong palabas na ako ng bahay ay nasisilayan kona si mam Elizabeth na nag hihintay sa labas ng pintu-an. Nag madali ako dahil parang masama na ang tingin niya sa akin. Pero, bakit hindi naman siya naka bihis??
"Good morning po, mam!" bati ko sa kaniya noong matapat ako sa harap niya.
"Good, your here!" taas kilay niyang sagot habang nag papay-pay ng kaniyang abaniko. Lumingon siya sa loob ng mansion at may tinawag. "Sweetie! Nandito na ang driver mo!" dagdag niya na siyang ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
My Personal Bodyguard (Completed)
HumorPaano kung bigla ka nalang magkaroon ng personal bodyguard na ubod nang yabang, suplado,badboy pero higit sa lahat...Ubod naman nang gwapo? Makakaya mo kaya 'yon sa araw-araw mong buhay? Sunod ng sunod sayo kung saan ka pupunta, hahatakin ka nalang...