Chapter 32

1.6K 64 42
                                    

Pogz POV

"My daughter is gone, Pogz!! She's gone!!"

Hindi ko alam kung anong dapat damdamin sa mga oras na'to. Pakiramdam ko biglang huminto ang pag takbo ng oras at ang tanging naririnig kolang ay ang napakalakas na kabog ng aking dibdib.

Ni pag lunok ay hindi ko magawa, parang mawawalan ako ng balanse dahil sa biglang pag manhid ng aking katawan.

Ito na ang pinaka nakakatakot na pangyayare sa buhay ko. Ang marinig na wala na si Scarlett.

Parang ayaw kong maniwala, parang hindi ko matatanggap ang sinabi ng mommy niya. Hindi talaga pwede!! Hindi ko kaya!! Hindi ko kakayanin 'to!

"P—Pogz..." (mam Eli)

Kumiwalas ako sa kaniya at na pa atras. Na sagi ko pa ang mga vase ni nanay kaya bigla akong na taranta.

"Bro, easy...alam kong hin—"

Hindi natuloy ni Alex ang sinasabi niya dahil bigla akong sumenyas.


Hindi ko rin alam kung anong sasabihin, kubg anong isasagot ko sa mommy niya na ngayo'y umiiyak sa harap ko. Pero, inipon ko lahat ng lakas ko para lang makapag salita.


"S—Saan siya? N—Nakita na ba siya?" na uutal kong tanong. Lumapit si ser Tony at siya yung sumagot.


"Hindi pa...we can't find her body, Pogz. Siguro na s—"


"Buhay pa siya!!!" biglang singit ko dahilan para lahat sila na pa tingin sa akin. "Alam kong buhay pa siya! Hindi ako naniniwala na patay na si Scarlett!! Buhay siya!!" dagdag ko sabay hilamos ng sarili kong mga kamay.


"P—Pogz, we've searched everywhere and everything on the site. Hindi siya—"

"Dalhin niyo ako sa lugar!!!" biglang singit ko ulit kay ser Tony. "Maniniwala ako kapag ako mismo ang makakita!"


"Pogz.." (ser Tony)


"Ser, pasensiya ka na... Hindi ko kayang paniwalaan 'to! Alam kong buhay siya! Alam ko talaga!!" muli kong saad.


Kung sila susuka na, ako hindi! Hindi ako susuko hangga't hindi ko nakikita si Scarlett, hangga't hindi ko makikita ng sarili kong mga mata!


"Inikot na namin ang buong lugar." biglang singit ng pulis na kasama ni ser Tony. Ngayon sa kaniya naman na baling ang atensiyon. "wala rin kaming nakita sa kotse niya kundi sunog na ilang mga gamit at halos ang buong kotse niya ay sunog na. Kung sino man ang may gawa nito ay marunong talaga sila." dagdag niya.


"Dalhin niyo kami d'on! Gusto kong makita ang lu—"


"Bata!" biglang singit niya sa'kin. "May gusto ka bang patunayan dito? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ginawa na namin lahat! Lahat-lahat, pero wala na kaming naki—"

"HOY TANDA!!" singit ko din sa kaniya dahilan para kumunot ang noo niya. "Wala akong pakialam kung ginawa niyo na ang lahat dahil trabaho niyo 'yan. Pulis kayo diba? Pag ginawa niyo na ang lahat ta's wala na kayong ibang ipakita, tapos na! Ganiyan lang naman 'yan eh!"


"Tarantado ka ah?! Sino—sino 'to?!" galit niyang tanong kay ser Tony. "Sino 'tong g*gong 'to para pag sabihan ako ng ganiyan ha?! Haha!"

"Randy, relax! I know him. He's Scarlett's—"

"Hoy ikaw!" singit niya kay ser Tony sabay dinuduro ako. "Dahan-dahan ka sa pananalita mo ha? Kilala mo ba ako??"

My Personal Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon