Chapter 6

1.7K 49 14
                                    

                       

   Sunday

Pogzz POV


"Bilisan mo mongs!! Bagal-bagal eh!"



Ito na siguro ang pinaka masaklap na pangyayare sa buhay ko. Ang sumama mag window shopping!! Lahat na yata ng boutique na pangbabae ay napasok na namin. Nandito lang naman kami sa Glorietta Ayala, kung saan lahat ng mga mamahaling bagay na pwedeng bilhin ng pera ay matatagpu-an. Well, hindi naman lahat pero mostly mga mamahalin.



Siguro mga na sa sampong paper bag na ang hawak ko, Halo-halo na lahat. Damit, gadgets, make-up, basta! Lahat ng pangbabae! Tss! At tatlong oras na kaming pa ikot-ikot dito. Wala akong magagawa dahil ito yung deal ko sa kaniya. Pinayagan niya ako kahapon, so sasamahan ko siya ngayon sa ayaw at sa gusto ko.



Hindi ko ma intindihan kayong mga babae. Bakit ang tagal niyong pumili nang mga damit?!! Pareho lang naman lahat 'yon eh! Si baliw tatlong pares muna ang titingnan tapos yung iba naman ang bibilhin! Hindi ba nakakawasak ng utak 'yan?! Kahit panty at bra ang tagal! Bakit? Kailangan ba talaga kasiya yung—


"Hoy Polgencio! Hali ka nga dito! Tingnan mo nga kung bagay sa'kin 'to!" rinig kong sigaw niya kaya nabalik ako sa realidad.


Na sa loob siya ng fitting room kaya lumapit ako ng konte sa pinto habang buhat-buhat 'tong mga pinamili niya. Nakakainis dahil pinag titinginan nako ng mga tao. Tss!


"Sir sorry, pangbabae po na fitting room dito. Doon po yung—"


"No it's okay! He's my bodyguard." singit naman ni Scarlett sa babae habang na sa loob ng fitting room.


"Ay okay po Ms. Scarlett." sagot naman ng babae, halatang kilala na siya dito.


Naka simangot akong nag hihintay sa labas. Bakit niya pa kasi gustong malaman kung bagay 'e di sana binili niya nalang! Sigurado akong matatagalan nanaman kami dito. Gutom na gutom na ako!


"Hoy! Nandito na ako! Bilisan mo nga dahil nagugutom na ako! Kanina pa tay—"


Hindi ko natuloy ang aking sinasabi dahil biglang bumukas ang pinto. Muntikan nang malaglag lahat ng mga dala ko dahil sa gulat nang makita si Scarlett na naka two piece sa harap ko. T*nginang 'yan!


"So? What do you think?" Tanong niya habang naka tingin siya sa salamin tapos nag popose-pose pa.


"Uhm—ahhh—pangit!" biglang kong sagot sabay sarado ng pinto.


"Hoy!!!" (Scarlett)


Tumalikod ako sa pinto at huminga ng malalim habang pa iling-iling. Pinikit ko ang aking mata at pilit iniisip na sana hindi ko nalang siya nakita. Hindi pwede 'to! Hindi pwede!


Ilang sandali pa ay muling bumukas ang pinto at padabog pa.


"Hoy! Tinatanong kita! Dahil bibilhin kona 'to kung maganda!" inis niyang saad. Muli akong humarap sa kaniya pero t*ngina naka two piece parin siya! Humakbang pa siya palabas ng pinto dahilan para mag tinginan sa kaniya ang ibang mga tao kaya ang ginawa ko, bigla ko siyang tinulak pa balik sa loob.


"What the hell—aray!!" (Scarlett)


"Oo! Pwede na 'yan! Sige na! Mag bihis kana! Bwisit ang daming tao eh!" pasigaw kong saad tapos tumayo akong naka talikod sa pinto. "Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit kong saad sa ibang mga tao. Kakainis na talaga! Uuggrrh!!


My Personal Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon