Chapter 17

1.4K 65 55
                                    



Scarlett's POV





"Ano?!! Gusto mo pa?!" (Pol)




Ang daming mga supot ng plastic at mga paper plates na ang naka palibot sa akin. Puro mga kakanin at inumin. Hindi ko alam pero bakit sarap na sarap ako sa mga street food dito.




Nandito parin kami sa park. Enjoying our first ever date ni Pol. Sobrang saya ko as in! Pol is so sweet! Lahat ng tinuturo kong gustong kainin ay bininili niya, hinahayaan niya lang ako. Ngayon, pa rami na ng pa rami ang mga tao. This is really a breather for me.




"Pol!!! Bilhan mo pa ako nang—"




"Eh! Tama na!" singit niya sa'kin. "Baka ma impacho ka, kasalanan ko pa!" dagdag niya sabay dampot ng mga pinagkainan ko.





"Pol kasii!! Last nalang!" giit ko pa.





Lumapit siya sa akin at pinitik ang noo ko! Bwisit!




"Aray!"




"Next time naman! Alam mo ba kung anong oras na?" saad niya kaya na pa tingin ako sa aking relo.




"Shit! 4:15pm na pala! We have to go!" pag mamadali ko.





"Wag na!! Teka bili pa kita ng taho!" naka ngisi niyang saad. Inasar niya pa ako!





"Pol kasi! Bwisit!! Let's go na!!" giit ko sabay kuha ng mga basura sa kamay niya at ako na mismo ang nag tapon sa basurahan.





Ngumiti lang siya at binuhat agad ang bag ko. Hinawakan niya ako sa braso at dahan-dahang hinila parang mag lakad. Natatawa ako sa ginagawa niya. Parang na iilang kasi siya.





"Yiiee!! Nahihiya ka noh??" saad ko sabay kinapit ko ang kamay ko sa braso niya kaya nagulat siya. "it's okay Pol." dagdag ko.





Ngumiti lang siya at umiling habang na pa kamot sa ulo.





"Tumigil ka nga!" sagot niya lang kaya natawa talaga ako. Ang cute niya kapag nahihiya!


>>>>>>>


Habang sa kotse ay ang tahimik ni Pol. Na sa harapan ako naka upo pero hindi niya manlang ako pinapansin. Parang na iilang siyang mag salita kaya inunahan ko nalang.





"Everything okay, Pol? Ang tahimik mo yata?" tanong ko kaya agad siyang na pa tingin sa akin.





"Uh—Scarlett, next time sa restaurant na talaga kita dadalhin. Pasensiya kana ha? Hayaan mo, pag dating ng sahod ko uulitin natin 'to!" biglang sagot niya kaya nagulat talaga ako.





"Pfffft!!" pigil kong tawa. "Kaya ba ang tahimik mo dahil diyan?!" dagdag kong tanong.






"Oo bakit?" (Pol)





"Kinahihiya mo ba na—"




"Eh sa karinderya lang kita dinala eh! Syempre nakakahiya kaya!" singit niya kaya parang nanlambot ang puso ko sa mokong na'to! Haha





Awwwww!! Ang cute talaga ng superman ko.





"Ano ka ba?! Sobrang nag enjoy kaya ako! Dinala mo'ko sa lugar na hindi ko pa na puntahan, like ever! Hindi ko pinangarap na maka kain dati sa karinderya alam mo ba 'yan? But now...it's not so bad after all!" paliwanag ko naman.




My Personal Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon