13.

263 13 1
                                    


Hara P.O.V

[Are you really okay anak? Sorry ha. Di kami makakauwi.]

"Ayos lang po mommy. Nandito naman sila kuya eh."

[Okay anak. Just take care okay? I'll hang up na.]

Hindi na ako nakapagsalita dahil namatay na ang tawag. Tumawag si Mom nung nalaman nya ang nangyari.

Kanina nung nagising ako nagulat ako nung nandito na sila Kuya. Sinabi sa kanila ni Kuya Heiz na na allergy lang ako.

Tinext ko din si Troy na hindi ako makakarating sa dinner.

Pero kinakabahan ako na baka alam na ni Kuya Heiz na si Troy ang nagbigay ng bulaklak sa akin. At baka magtanong sya.

"Eto kumain kana. Bukas ay pwedi kana daw lumabas sabi ng doctor." Sabi ni Kuya Ich pagpasok nya.

"Hindi ka namin mababantay ngayong gabi dahil may mga trabaho kami bukas. Si Heiz ang magbabantay sayo." Sabi pa ni Kuya Hiro.

"Kuya. Ayos na naman ako eh. Gusto ko ng lumabas ngayon. Sa bahay na lang ako." Sabi ko pa.

Ayoko talaga sa hospital... Bumabalik lang lahat ng masasakit na ala ala ko sa nakaraan...

At ayoko na maalala yun...

"Pero baka di kapa---'

"Ayos na ako mga Kuya. Please?" Pagmamaka awa ko pa.

Nagtinginan naman silang tatlo at nagsitanguan.

"Okay. Im just settle the bill." Sabi pa ni Kuya Hiro.

Napangiti naman ako.

"Pero kumain ka muna. May nireseta ang doctor mo na gamot para kada aatakihin ka ng allergy ay pwedi mo iyon magamit to lessen the pain." Sabi pa ni Kuya Lance.

Tumango naman ako. Saka kumain na.

Pero nakakapagtaka dahil wala si Kuya Heiz.? Nasan kaya sya?

Sana talaga wala syang nalaman...

--

Heiz P.O.V

"Anong meron at bigla ka ata nagpatawag ng gulo Heiz?"

Napasmirk na lang ako nung nakita ko na si Troy.

Agad ko naman syang nilapitan at binigyan ng isang malakas na sapak.

Nung aatake na ang mgaa kasamahan nya ay pinigilan nya ito.

"Stay away from Her!" May diin at banta kong sabi sa kanya.

"To whom?" Pa inosente nitong tanong.

"To Hara! To my sister! Stay away from her!" Sigaw ko pa.

Saka ako tumalikod na at nag umpisa ng lumakad pero natigil ako ng magsalita ito.

"To Hara?  Ang tanong hara ba talaga pangalan nya? At kapatid mo ba talaga sya?" Nakangisi nitong sabi.

Susugurin ko na sana sya ng pigilan ako ni Kiro.

"Dont. Remember what my sister told to us." Bulong nito sa akin.

Pigil na galit akong naglakad ulit papalayo kay Troy saka ako sumakay ng kotse.

May dapat akong alamin... May dapat akong malaman!!

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko pa ang text message ni Kuya Ich.

From Kuya Ich.

Were home. Wag kana pumunta ng hospital. Na discharge na sya.

My Darkest Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon