36.

182 8 0
                                    


Hara P.O.V

Nung makatulog si Hyrren ay naisipan kong bumaba para uminom ng tubig.

Gabi na din at alam kong tulog na silang lahat.

"Oh anak bat gising kapa." Natigilan naman ako. Saka napatingin sa pinto ng kusina. Si Papa ito.

"Kumuha lang ako ng tubig. Sige akyat nako Dad." Malamit kong sabi saka nag umpisa na maglakad.

"May problema ba anak?" Tanong pa nito.

Tinignan ko naman sya.

"Bakit di nyo tanungin ang sarili nyo Dad? Ano nga ba problema?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Hindi kita maintindihan anak." Sabi pa nito.

"Hindi moko maintindihan? Bakit dad? Kelan mo bako naintindihan? Kelan mo ba inintindi ang feelings ko!? Kelan ha! Eh lagi mo naman inuuna sarili mo! Inuuna mo ang magpayaman kaya kahit masaktan mo ang sarili mong anak wala kang paki basta yumaman ka!" Sigaw ko pa sa kanya.

Nakita kong natigilan si Dad.

"Tungkol ba ito sa nangyari sanyo ni Troy. Anak patawarin mo ako... Nagsisi na ako." Sabi pa ni Daddy.

Napa tawa naman ako ng mahina.

"Nagsisisi? Bakit? Bakit ngayon pa dad! Ano na magagawa ng pagsisi mong yan! Nasaktan mo nako dad. At di lang ako! Pinagkaitan mo din ang anak ko na makilala nya ang tunay nyang ama!" Halata sa kanya na natigilan sya sa sinabi ko. "Oo dad! Si troy ang ama ni hyrren hindi si Ryle. Tinago ko ang totoo sa takot ko na baka may gawin kayo sa anak ko. Dahil alam kong ayaw nyo malahian ng dugo nila dahil sa kasakiman mo!" Sigaw ko pa.

"Im sorry anak---"

"Dad wala na magagawa ang sorry mo! Huli na ang lahat!" Sigaw ko pa sa kanya saka tumalikod na.

Pagpasok ko sa kwarto ko saka ako umiyak ng umiyak.

Hindi ko ito pinangarap... Sinira nya ang dapat masaya naming pamilya...

"Mom why are you crying?"

Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Hyrren.

"Bakit Gising kapa anak? Are you okay?" Tanong ko nung napansin kong namumutla sya. "OMYGod baby ang init mo." Sabi ko pa.

"Mom.... I cant breathe..." Mahinang sabi nito.

Agad akong lumapit sa kanya.

"HYRREN! OMG!" Sigaw ko nung nawalan ito ng malay.

"Ma! Kuya! Tulong! Anak gising!" Sabi ko pa. Tumulo nanaman ang luha ko.

Agad ko naman binuhat si Hyrren saka ko pa nakasalubong si Kuya Heiz.

"Kuya Si Hyrren nawalan ng malay at sobrang init." Sabi ko pa.

"Come dalhin nanatin sa hospital." Sabi ni Kuya saka nagmadaling kumuha ng susi at lumabas na.

Sumunod naman ako nakita ko pa si daddy pero dere deretso lang ako lumabas.

Pagsakay sa kotse agad ito pina andar ni Kuya. Agad naman kami nakarating sa Hospital at inasikaso si Hyrren.

"Shh magiging okay na si Hyrren." Sabi pa ni Kuya saka ako niyakap.

Nanginginig ako sa takot. Natatakot ako sa anak ko.

Maya maya pa ay lumabas na ang doctor.

"Doc ano po nangyari sa anak ko?" Tanong ko pa.

"May dengue ho ang anak nyo misis. At dahil bumaba na ang platelets nya. He needs a blood." Sabi pa nito.

My Darkest Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon