12.

260 14 3
                                    


Hara P.O.V

Monday.. and uniform na kami ngayon. Sa campus naman na ito hindi araw araw ang uniform.

Mas pinili ko ang jeans kesa sa skirt na uniform. Dahil mas nakaka kilos ako.

"Ay Girl bat di skirt binili mo?" Tanong ni Shakira. Naka skirt sya.

"Ayoko lang haha iba iba trip ko eh. Tara na." Aya ko pa sa kanya.

Nakasabay naman namin si Ava papasok..

"Pants din pala binili mo Shrey." Sabi nito sa akin.

"Oo eh. Para comfortable." Sabi ko pa.

"Hayss. Nagsama ang dalawang manang." Sabi pa ni Shakira.

Nagtawanan naman kami ni Ava.

"Oy di naman kami manang no. Kita mo nag skirt din naman kami ni Shrey. Iba lang talaga trip namin minsan." Sabi pa ni Ava.

"Tamaa yun." Dagdag ko naman.

"Ahhh what ever!" Sabi pa ni Shakira saka umirap.

Lalo naman kaming natawa sa kanya.

"Anong kasiyahan yan..." Si Trina. Kakadating lang nila ni Abby

"OmG! Sa wakas dumating na kayo. Atleast naka skirt kayo." Sabi pa ni Shakira.

Nakaskirt din kasi ang dalawa.

"Hahahah well Shakira Girl. Alam mo naman na kikay tayoo. At yang dalawa eh nevermind." Sabi pa ni Abby.

"Kayo naman. Halika na nga magsipasok na tayo. Mamayang breaktime na lang." Sabi ko pa sa kanila.

Kaya yun nga ang ginawa namin. Nagsihiwalay hiwalay na kami.

At kami nanaman ni Shakira ang magkasama.

"Nasermunan kaba Girl nung saturday?" Tanong ni Shakira habang naglalakad kami.

Umiling naman ako.

"Hindi naman." Sabi ko pa sa kanya.

"Ako kasi Oo eh. Nasermunan hehehe." Sabi pa nito.

Natawa na lang ako sa kanya. Pero natigil ang tawanan namin ng nakasalubong namin ang grupo nila Troy.

"Hi Hara. Hi Shakira." Nakangiting bati ni Troy. "Here Hara. Flowers for you." Sabi pa nito sabay abot sakin ng boquet of rose.

Napatingin naman ako sa mga rose. Nakangiti lang si Troy.

Pigil hininga na kinuha ko ang rose.

"S-salamat... M-mauna na kami." Paalam ko pa.

Lalakad na sana kami ng pigilan nya ako.

"Ah wait. Pwedi ba kita maaya mag dinner?" Tanong pa nito.

"S-sure. Sige mamaya na lang." Sabi ko pa saka ko hinila si Shakira.

Damn I can't breath...

--

Troy P.O.V

"Dude anong sinasabi mong makikita namin?" Tanong pa ni Matt sa akin pag alis nila Hara.

Napangisi ako.

"Her Reaction.." sabi ko pa.

Alam ko naguguluhan sila pero nakita ko na kung paano mag alinlangan tanggapin ang mga rose na binigay ko sa kanya.

My Darkest Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon