Hara P.O.VNagulat pa ako nung pag baba ko ay ang daming lalaki sa baba.
"Mom anong meron?" Tanong ko kay mommy.
"Anak. Hinire sila ng daddy mo para sayo. Para hindi kana malapitan ni Troy." Sabi pa ni Mommy.
"Mom bakit? Mahal ko po si Troy at mahal din ako ni Troy... Alam nyo po iyon.." sabi ko pa.
"Alam ko yon anak... Pero niloko tayo ng Ama nya." Sabi pa ni Mommy.
"Mom walang kinalaman dun si Troy." Sabi ko pa.
"I know. Pero hanggat dala dala nya ang apelyido ng tatay nya ay idadamay sya ng daddy mo sa galit nito sa Ama nya." Sabi pa ni Mommy.
Napabuga na lang ako ng hangin saka pinunasan ang luha na pumatak nanaman sa mukha ko.
Niyakap naman ako ni Mommy...
Nung pumasok ako ay kasunod ko ang apat kong body Guard. Nakakatawa lang dahil noong nanganganib ang buhay ko hindi nya ako binigyan ng Guard. Pero ngayon? Para lang hindi makalapit sa akin si Troy sakin nag hire pa sya? Damn it.
Ngayon ko hinihiling na sana hindi ko na lang nakilala ang parents ko...
Pagdating sa campus. Nakita ko Troy. Akmang lalapit sya sa akin pero sinenyasan ko sya ng wag.
Baka saktan ka nila. I mouthed at Him...
Wala naman sya nagawa. Kundi maglakad na lang.
"Shreya..." Tawag sakin ni Shakira.
"I guess alam mo na?" Tanong ko pa.
Tumango naman ito.
"Sinabi ni Heiz." Sabi pa ni Shakira.
Napatango naman ako. Si Kuya Heiz... Baka pwedi nya ako tulungan makausap si Troy..
"Shakira... Tulungan mo ako." Bulong ko sa kanya.
Tumango naman ito sa akin saka pa nag thumbs up.. buti na lang ay may kaibigan akong kagaya nya.
--
Break time na at hindi ko alam kung paano makakatakas sa mga body Guard na to.
"Tara Girl Cr tayooo!" Aya pa ni Shakira.
"Ha? Eh di naman--"
"Basta mag Ccr tayoo." Sabi pa nito saka ako pinalakihan ng Mata.
"Ah Oo naiihi din ako." Sabi ko pa sa kanya.
Kaya naman naglakad na kami papuntang Cr pero na kakapagtaka lang dahil sa kabilang Cr pa kami nagpunta.
Nung papasok na kami...
"Ooops jan na lang kayo. Girls lang allowed sa loob." Sabi pa ni Shakira. Saka ako pinasok sa loob ng Cr.
Agad nya sinara ang pinto nito. At nilock pa.
"Pwedi kana lumabas." Sabi pa ni Shakira.
Napakunot naman ako ng Noo dahil di ko alam kung sino kinakausap nya.
Pero may lumabas mula sa cubicle at si Troy ito.
Agad ko naman syang niyakap. Ganun din sya sa akin.
"Hindi ko kaya love. Ilalayo ka nila sa akin." Sabi pa ni Troy habang yakap yakap ako.
BINABASA MO ANG
My Darkest Secret [COMPLETED]
Non-FictionWhat can you do if you find her darkest secret? Ano mararamdaman mo if you know that she's full of secrets? Start: October 15 2019 ✓ Finish: December 25 2019 ✓