Hara P.O.VIsang buwan na simula yung nangyari samin ni Ryle.
Hindi ko alam kung pano ko kinaya pero para sa anak ko ay ginawa kong bumangon.
Hindi ko din kinikibo si Troy. Hindi ko sya gustong sisihin pero pakiramdam ko part sya ng mga nanakit sakin.
At hindi ko din alam kung bakit nagiging weird ang pakiramdam ko netong mga nakakaraang linggo.
"Mommy? You want?" Tanong pa ni Hyrren saka nilapit sakin yung ice cream na kibakain nya.
Kumakain kasi sila ni Akaira dito habang nanunuod. Si Akaira dito na sya halos araw araw. Hinahatid ni Troy tapos sinusundo na lang pag gabi. O kaya minsan dito sila natutulog kapag nag rerequest si Hyrren.
Pakiramdam ko bumaligtad ang sikmura ko. Agad ako napatakbo sa kusina para magsuka.
"Mommy? Are you okay? Di po ba maganda pakiramdam nyo?" Tanong pa ni Hyrren.
Nakaramdam nanaman ako ng hilo. Ganto ako lagi.. ewan ko ba kung bakit.
"Yeah baby Im okay.." nanghihina kong sabi.
"Are you sure mommy Pretty?" Tanong pa ni Akaira.
Tumango ako.
"Yeah tara na sa sala." Sabi ko pa.
Pero bago kami makarating sa sala ay biglang naglabo ang mata ko..
Ano ba nangyayari sakin? Di naman siguro bumalik yung sakit ko?
Bago pa ako makaupo ay tuluyan na ako natumba.
"MOMMYYYYYY!" Huli kong narinig bago tuluyan dumilim paligid ko.
--
Troy P.O.V
Nasasaktan ako sa pakikitungo sakin ni Hara. Pero alam ko dala lang ito sa mga pinagdadaanan nya.
Baka tama si Heiz. I need to give her space..
Busy ako sa pagpirma ng papel when my Phone rang..
Pagtingin ko si Hara ang caller. Agad ko naman ito sinagot.
"Hello Hara?"
[Huhu daddyyy. Please come home... Si mommy..]
Umiiyak na sabi ni Hyrren. Napatayo naman ako.
"Why? What happened to your mom? Sino kasama nyo jan?"
[Si Yaya po. Huhu nahimatay si Mommy... Daddy please come home...]
Agad ko naman kinuha ang susi ko saka ang bag ko pa.
"Okay.. dont cry baby.. papunta na ako. Wag mong iiwan si Mommy. Tawagan mo na din si Tito Heiz mo okay?" Sabi ko pa.
[Okay daddy... Make it fast daddy.]
"I will baby.."
Hindi na ito sumagot kaya pinatay ko na. Nagbilin lang ako sa secretary ko saka bumaba na sa ground floor.
Agad ako sumakay sa kotse ko.
Pagdating ko sa mansyon nila Hara. May mga kotse na nakaparada.
Agad ako bumaba saka pa pumasok sa loob.
"Si Hara?" Tanong ko kela Matt. Sila lang naabutan ko sa sala.
"Nasa taas. Dinala na nila si Hara sa kwarto nito." Sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
My Darkest Secret [COMPLETED]
No FicciónWhat can you do if you find her darkest secret? Ano mararamdaman mo if you know that she's full of secrets? Start: October 15 2019 ✓ Finish: December 25 2019 ✓