24.

213 10 0
                                    


Third Person P.O.V

"HAHAHAHAHAHA"

Nagulat ang lahat sa biglang pagtawa ni Hara. Nung nag angat ito ng tingin masama ang tingin nito kay Alyx.

"Sa tingin mo ba papayag akong maulit ang ginawa sakin ng kapatid mo?" Nakangisi nitong sabi.

Lalo silang nagulat... Lalo na sila Troy at Heiz.

"Ano ibig sabihin nito!?" Galit na tanong ni Alyx.

"Well... Sabihin nanatin mas matalino ako sayo mag isip..." Sabi pa ni Hara. "Alyx alyx alyx... Tss. Nakaka lungkot lang dahil hindi moko naalala? Wow." Dagdag pa ni Hara.

"Anong sinasabi mo?" Tanong pa ni Alyx dito.

"Si Kyle He remember me but you? Hindi... Well. I am Jack Fany..." Pagpapakilala nito.

Parehong nagulat si Troy at Heiz sa rebelasyon ni Hara.

"Pero dina importante kung sino ako... Ang importante... Huli kana ngayon..." Sabi ni Hara.

At sa sinabi nya nagsipasukan ang mga pulis. Tatakbo pa sana sila ng nadakma na sila ng mga pulis.

"Hindi!!!! Hindi pa tayo tapos Hara!" Sabi pa ni Alyx.

"Tapos na Alyx.. tapos na ang laban. At talo na kayo." Sabi pa ni Hara.

Nagsisigaw pa ito habang hinihila sila palabas ng mga pulis.

Kasabay nito ay ang pagpasok ng ibang member ng Black Hell at Evil Warriors. Kasama sila Ava at Shakira.

Agad naman nilapitan ni Matt si Hara at kinalas nito ang pagkaka kadena nito.

Pinakawalan naman ng ibang sila Troy at Heiz.

Agad naman nilapitan ni Troy si Matt saka ito sinapak. Inawat naman nila si Troy.

"Troy. Magpapaliwanag kami..." Sabi pa ni Kiro.

"Dapat nga kayo magpaliwanag." Sabi pa ni Troy. Saka tumingin kay Hara. "Lalo kana.." May diing sabi nito. Saka ito kumawala sa hawak ng iba at nauna ng lumabas...

Napabuga na lang ng hangin si Hara.. Saka tumingin sa mga kasama nya at tumango...

--

Hara P.O.V

Nandito kami ngayon sa Lugar nila Kuya Heiz...

"Oh magsalita kana Hara." Sabi pa ni Troy.

Nasasaktan ako pero kailangan ko itong tanggapin.

"Totoo ang sinabi ni Kyle. Pinaibig ko ang kapatid nya. Para makasali ako sa gang.. para iligtas ang isang mahalagang tao sa akin... Si Hana." Pag uumpisa ko. "Troy.. im sorry. I lied. Hindi totoong Binenta ako ng kumukupkop sa akin... Totoong nagtrabaho ako sa Club pero hindi para magpokpok o magbenta ng katawan. Para mahanap si Hana." Dagdag ko pa.

"Si Hana ang tinuring kong kapatid... Tulad ko ay wala din syang kinilala pero nahiwalay sya sa akin ng may makilala syang lalaki... Na akala nya mamahalin sya pero hindi. Minaltrato sya nito at pinagagamit kung kani kanino. Nabalitaan kong lagi sa club na yun yung lalaki kaya naman nagtrabaho ako sa club na yun.... Nagtagumpay naman ako... Nagustuhan ako nung lalaki. Nalaman ko na member sya ng isang Gang... Pero nung dinala nya ako sa isang kwarto nanlaban ako at tumakas... Dun naman sakto nakita ko ang kotse mo Troy..." Pag kwento ko pa.

Nagsimula na din pumatak ang luha ko...

"Hindi ko intensyon magsinungaling troy... Pero Ginamit ko na ang pagkakataon na yun na tumira sayo para mas magtagumpay ako sa plano. Kapag umaalis ka ay palihim din ako umaalis. Pinag aralan ko lahat. At nakilala ko nga ang kapatid ni Kyle na sakto leader ng isang Gang... Inakit ko sya at nagtagumpay naman ako... Naging Leader ako saka ko sya hiniwalayan... Nagtagumpay akong mapabagsak ang Gang ng lalaking iyon at mapakulong sya pero huli na ako... Patay na si Hana.. patay na ang kapatid ko.. kaya naman umalis na ako sa gang... Iniwan sila ng hindi nila ako nakikilala..." Sabi ko pa. Don na ako napahagulgul...

"Pero bakit ka nagsinungaling na may amnesia ka?" Tanong pa ni Kuya Heiz.

"Dahil sa narinig ko kay Matt. Sinabi nya na nanganganib kayo Kuya... At saka gusto ko din makalimot... Gusto kong maalis lahat ng sakit... Kaya kinausap ko si Mom para sa plano kong ito..." Sabi ko pa. "Im sorry. Im very sorry..." Umiiyak kong sabi...

"Ito... Plano nyo ba ito?" Tanong pa ni Troy.

"Oo troy.. kinausap ko si Matt. Nagplano kami. Sinali nanamin sila Kiro. Pati mga kaibigan ko sa plana na to. Para mahuli sila Alyx." Sabi ko pa.

"Una pa lang. Kaligtasan mo na Troy ang iniisip ni Hara." Singit pa ni Matt.

Hindi naman na nagsalita si Troy pero nakatingin lang sya sa akin na punong puno ng hinanakit...

"Iwanan muna natin sila. They need to talk privacy.." sabi pa ni Kuya Heiz.

Nagsitayuan naman sila. Lumapit pa sakin si Kuya Heiz saka nya tinap ang shoulder ko.

"Yung sa atin... Totoo ba yon? O kasama lang sa plano." Tanong ni Troy pagkalabas ng lahat.

"Troy maniwala ka Totoo ang lahat... Yung pinakita ko sayo. Pinaramdam ko sayo... Wala sa plano ko ang mahulog sayo pero nahulog na ako... Minahal na kita..." Umiiyak kong sabi. "Troy mahal na mahal kita at patawad... Patawad sa lahat..." Dagdag ko pa.

"Nung sinabi kong kasali ako sa Gang... Nagulat kaba o hindi na..." Tanong pa nya.

Umiling ako...

"Hindi na dahil may pagkakataon nakaharap ko ang grupo nyo... At Grupo ni Kuya Heiz.." sabi ko pa.

Nung mga panahon na yun. Naka mask ako kaya hindi nila ako kilala. At akala nila lalaki ako dahil sa pangalan ko.

Bukod tanging ang Kapatid lang ni Kyle at si Kyle ang nakaka alam na babae ako...

"Ahh Yeah I remember... Kaya pala hindi ka ganung lumalaban sakin at panay iwas mo lang..." Sabi pa ni Troy.

Sinubukan kong lapitan sya pero lumayo lang sya. Naramdaman ko ang kirot dito.

"Troy..." Tawag ko sa kanya...

"Hindi ko alam Hara. Hindi ko alam.. kung kaya paba kitang paniwalaan sa lahat ng nalaman ko... Feeling ko hindi na kita kilala... Or nakilala nga ba kita talaga. Pangalan mo lang ata ang alam ko..." Sabi nito.

"Mahal na mahal kita Troy..." Sabi ko pa sa kanya.

"Pero niloko mo pa din ako.... Ang sakit Hara... Ang sakit sakit... At yung sakit na yun natabunan lahat ng pagmamahal ko sayo." Sabi pa nya saka ako iniwan.

Napaupo naman ako at napahagulgol...

Inaasahan ko na to pero bakit ganto kasakit....

My Darkest Secret [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon