I want to be a Serial Killer
CHAPTER 2
“Ang ganda mo Eyah.”
“I know Yya, I know,” nakangisi kong sagot, habang tinititigan ang sarili ko sa salamin.
“Siguradong magugulat ang lahat sa pagbabalik mo hihi.”
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harapan ng salamin, saka nilapitan ang manika ko na nasa kama.
Hanggang ngayon hindi ko alam kung sino ba ang naririnig kong nagsasalita na hindi ko nakikita, pero inisip ko na siya si Yya, si Yya na siyang nag-iisang kakampi ko sa impyernong mundong ito.
“Sigurado ‘yun, at sisiguraduhin kong pagsisisihan ng lahat ang ginawa nila sa ‘kin, lalo na ng mga hayop na ‘yun.”
“I’m so excited hihi.”
“Excited na rin ako Yya, very, very excited.”
Muli akong humarap sa salamin habang nasa bisig ko ang manika kong si Yya.
“Magkamukang-magkamukha na talaga tayo ngayon Yya, masaya ka ba?”
“Oo naman, sobrang saya hihi.”
“Good to hear, hindi na nila tayo maaaping muli, hinding-hindi na.”
Mianna’s POV
“Kingina naman, ang bagal mong kumilos, late na tayo!” sigaw ko sa kapatid kong si Nianna, habang hinihintay siya sa front door ng bahay. Ang bagal-bagal kumilos, sinabi nang kailangan kong maagang pumasok ngayon ehh tss.
“Heto na Ate, nagmura ka nanaman, isususmbong na talaga kita kay Papa,” sagot niya nang makalapit na sa ‘kin.
“Subukan mo may kutos ka sa ‘kin,” babala ko, saka na siya tinalikuran at nauna nang sumakay sa sasakyan.
“Ang init nanaman ng ulo mo ngayon, me’ron ka ba?”
“Basta manahimik ka nalang, ang ingay mo ehh.”
“Natatakot na tuloy akong maging dalaga, ‘pag ba niregla na ‘ko magiging masungit rin ako gaya mo?” tanong niya pa, pero hindi ko na siya pinansin pa at inilagay na ang headphone ko sa tenga ko. Ang ingay, ang bagal na ngang kumilos dami pang sinasabi tss.
Nang sa wakas ay makarating na sa Emerral Central State University or ECSU, agad na ‘kong bumaba ng sasakyan.
“Alam mo na kung sa’n ang room mo Nia, una na ‘ko,” sabi ko nang hindi siya nililingon. Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya. Nuong grade 5 ako hindi na nga ‘ko nagpapasama mag-enroll kay Mama, kaya matuto na rin siyang maging independent.
“Mianna!!!” Napaikot nalang ang mga mata ko nang marinig ang makabasag eardrum na sigaw na ‘yun.
“Ano nanaman ba ‘yun Kubby?” walang ganang tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa ‘kin.
“Ang aga-aga ba’t parang ang sungit mo?” tanong niya at saka pa ngumuso. Kingina muka siyang aso!
“Hindi ka pa ba nasanay diyan Kubby babes? Araw-araw namang may PMS ‘yan ehh,” biglang sulpot ni Cherrie, at saka inakbayan si Kubby na hindi nawawala ang pagkakanguso sa labi. Kingina talaga!
“Ano ba’ng kailangan niyo? Bilisan niyo at nagmamadali ako.”
“Sa’n ka ba pupunta at madaling-madali ka? Hindi pa naman late ahh, ang aga pa nga ehh,” kunot ang nuong tanong ni Cherrie, kaya napairap nalang ako. Bakit ba ang daming sagabal? Sarap talagang magmura puta.
BINABASA MO ANG
I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]
Mystery / Thriller[COMPLETED] Eyah, isang pangalan na naging usapin sa buong lungsod ng Emerral. Pangalan na inalipusta ng karamihan. Pangalan na kinamuhian. At pangalan na kinatakutan ng lahat. "I Want To Be A Serial Killer" Written by: Ivy Loud ••• Highest rank ach...