KILLER 15

191 8 2
                                    

I Want to be a Serial Killer
CHAPTER 15

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa isang napakalambot na kama. Nasa’n nanaman ba ‘ko? Tss.

Unti-unti akong umupo at inilibot ang paningin ko sa paligid. Nasa isang maayos na kwarto ako, hindi tulad sa unang pinagdalhan sa ‘kin na ginapos pa ‘ko sa upuan. Dito hindi na ‘ko nakagapos, malayang-malay na ‘kong nakakagalaw, kaya agad kong nilisan ang malambot na kama at tinungo ang pinto, pero pagkadismaya ang siyang naramdaman ko nang mapag-alamang naka-lock ang pinto.

Ilang beses ko ‘tong kinalampag at pinagsisipa dahil sa inis na nararamdaman ko. Gusto ko nang makaalis dito, gusto ko nang makasama uli si Yya!

“Aahhggrrr!” galit na sigaw ko, saka muli itong sinipa. Napasandal nalang ako sa pinto dahil sa sobrang dismaya, pero agad akong napaayos ng tayo at nanlaki ang mga mata nang magawi ang paningin ko sa kama.

“Yya!” sigaw ko, saka patakbong bumalik sa kama at kinuha ang pinakamamahal kong manika.

“Yya, ikaw nga,” hindi makapaniwala kong usal, saka ito mahigpit na niyakap.

“Akala ko kung ano na’ng nangyari sa ‘yo, sinaktan ka ba nila? Pinahirapan? Sabihin mo sa ‘kin at igaganti kita,” saad ko habang sinisipat ang kabuuan niya.

“Bilisan mo Eyah, kailangan mong tumakas, iganti mo ‘ko sa kanila.”

“Mga hayop sila, ‘wag kang mag-alala makakatakas ako sa lugar na ‘to, magbabayad sila sa ginawa nila sa ‘tin!”

Muli akong napalingon sa naka-locked na pinto at napatiim-bagang. Humanda kayong lahat sa oras na makalabas ako dito.


Third Person’s POV

Sa nakalipas na mga araw ay napuno ng takot ang buong Emerral City dahil sa isiping nagpapagala-gala lang ang isang mamamatay tao sa buong lungsod.

Kaliwa’t kanan ang mga balita tungkol sa ginawang pagtakas ni Eyah Nemenzo habang nasa kalagitnaan ng pagproseso sa kanyang kaso.

Naging isa itong malaking usapin sa buong lungsod, at labis na naapektuhan ang pamilya Nemenzo sa nangyari. Sila ang dinumog ng mga reporter para tanungin ukol sa nangyari.

May mga nagsasabing sila ang tumulong para makatakas si Eyah dahil sa isa itong Nemenzo, at may mga naniniwala rin namang walang kinalaman ang pamilya sa mga nangyari.

Ngayon ay ang araw ng libing ng namayapang nobyo ni Mianna na si Wayne. Ito na ang pinakahihintay niyang araw, dahil ito na ang araw kung sa’n tutuparin na ni Kubby ang pinangako nito sa kanya.

Matapos ng paghaharap nila ni Thorn na siyang nakatatandang kapatid ni Kubby, agad niyang pinuntahan ang kaibigan para kausapin.


Mianna’s POV

“Kubby nagsinungaling ka sa ‘kin!” bulalas ko sa kanya nang makapasok kami sa kotse ko para makapag-usap ng pribado.

“What do you mean?” naguguluhan niyang tanong.

“Nakausap ko ang kapatid mo, sabihin mo nga sa ‘kin ang totoo. Alam mo ba talaga kung nasa’n si Eyah?” Sandali siyang natahimik, pero maya-maya’y napangisi.

“’Wag ka nang mag-alala Mia, tutuparin ko ang pangako ko sa ‘yo, dadalhin kita kay Eyah.”

“Pero ang sabi ng Kuya mo hindi niya sinabi sa ‘yo kung sa’n niya talaga dinala si Eyah. Kubby hindi siya sang-ayon sa plano natin, baka itago niya si Eyah mula sa ‘tin!”

I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon