I Want to be a Serial Killer
CHAPTER 17“Wayne…” wala sa sariling naiusal ko habang deretsong nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko hinang-hina ako at hindi ko na magawang makatayo mula sa pagkakasalampak sa maalikabok na sahig.
Paanong nangyaring nasa harapan namin siya ngayon? Kakalibing lang niya kanina.
“Hi guys, na-miss niyo ba ‘ko?” nakangisi niyang saad, saka kami isa-isang tinignan, at nagtagal ang paningin niya sa ‘kin.
Wayne…
“Tangina Wayne, gago ka! Pa’no niyo nagawa sa ‘min ‘to?” sigaw ni Jerrie na ngayo’y nakatayo na at napakatalim ng tingin kay Wayne. Nakita kong yakap-yakap ng umiiyak na si Ashley si Cherrie na ngayo’y wala nang buhay.
“Para kay Eyah ‘tong mga ginagawa niyo ‘di ba. Tangina ang tatanga niyo! Trinaydor niyo kami para sa babaeng ‘yun? Sa baliw na babaeng ‘yun!” sigaw rin ni Jerald.
“Isa pang tawag ng baliw kay Eyah sabog ‘yang ulo mo.”
“Kubby!” bulalas ko nang makitang may hawak na siyang baril na nakatutok sa ulo ni Jerald. Parang biglang nawala ang panlalambot ko’t agad na tumayo at humarap kay Kubby.
“Kubby ibaba mo ‘yan, please tama na, tigilan niyo na ‘to,” pakiusap ko sa kanya, punong-puno na ng luha ang muka ko pero wala akong pakialam. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ‘to, kailan ma’y hindi ko naisip na magkakaganito ang mga kaibigan ko.
“Kubby please ibaba mo na ‘yan, tangina tama na, ano na ba’ng nangyayari sa ‘tin? Magkakaibigan tayo, hindi dapat tayo nagkakaganito!” Saka na ‘ko tuloy-tuloy na napahagulgol. Muli kong nilingon si Wayne, si Wayne na boyfriend ko na dapat ngayo’y patay na, pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatutok na sa ‘kin ngayon ang bow and arrow niya, kaya hindi makapaniwala ko siyang tinignan ng deretso sa mga mata.
“Hindi ikaw si Wayne, hinding-hindi ‘to magagawa sa ‘kin ng babe ko,” usal ko nang hindi pinapatid ang pagtitig sa mga mata niya.
Kailan ma’y hindi ako maiisipang traydorin ng Wayne ko, hindi siya si Wayne, dahil patay na ang totoong Wayne!
Mapait siyang humalakhak, saka ako matalim na tinignan.
“Ako si Wayne, ako ang totoong Wayne, ‘yung boyfriend mong namatay, ‘yun si Owen, ang gagong kakambal ko na patay na patay sa ‘yo,” nakangising sagot niya saka muling tumawa.
Ano?
“Kakambal? Kailan ka pa nagkaro’n ng kakambal Wayne?” kunot nuong tanong Ashley.
“Tanga malamang simula pagkasilang tss bobo. Ang dahilan kung bakit ko siya itinago ay sa ‘kin nalang ‘yun, hindi niyo na kailangang malaman pa dahil mamamatay na rin naman kayo, pero…” Saka siya muling bumaling sa ‘kin. “May gusto akong ipagtapat kay Mianna, mahalaga ka para sa kambal ko kaya medyo magiging mabait ako sa ‘yo.” Nakatutok pa rin sa ‘kin ang hawak niyang palaso, na parang isang maling galaw ko lang ay pakakawalan niya na ang arrow at deretsong itatama sa ‘kin.
“Wayne…” wala pa ring tigil sa pagluha kong usal.
“’Yung boyfriend mong namatay hindi ako ‘yun, si Owen ‘yun na kakambal kong patay na patay sa ‘yo, pumayag akong gamitin niya ang katauhan ko at hindi ka isama sa mga plano ko kapalit ng pananahimik niya, pero bigla kong naisip, bakit kailangan ko pang makipagkasundo sa kanya kung pwede ko naman siyang dispatyahin, wala naman ‘yung pakinabang sa ‘kin ehh, at saka isa pa hindi pwedeng hindi ka kasama sa plano, dahil sa ‘yo at sa pamilya mo nawalan ng ama si Eyah, kasalanan niyo kung bakit namuhay siya ng mag-isa sa loob ng limang taon. Ikaw, kayong dalawa ni Nianna, inagawan niyo ng ama si Eyah, kaya dapat sa inyo ay mamatay!”
Akma niya na sanang papakawalan ang arrow, pero biglang namayani ang sigawan at isang putok ng baril.
“Tumakas na kayo!” sigaw ni George habang nakikipag-agawan ng baril kay Kubby. Nakita kong nagtakbuhan na nga sila palabas ng warehouse, maliban lang sa ‘ming dalawa ni Jerrie.
Tumakbo si Jerrie palapit kay Wayne pero agad siyang tinutukan ng palaso ng huli, kaya agad ko nang inilabas ang binaon kong baril na para sana kay Eyah at saka ito itinutok kay Wayne.
“Sige, isang maling galaw Wayne ipuputok ko ‘to,” pagbabanta ko sa kanya. Yes sobrang sakit ng mga nalaman ko, natraydor ako, naloko ako, pero hindi ito ang oras para magpaapekto ako’t maging mahina, hindi ako pwedeng mamatay hanggat hindi ko napapatay si Eyah!
“Really Mianna? Magagawa mo talagang iputok sa ‘kin ‘yan?” nakangisi niyang saad, kaya pinilit kong ngisian din siya pabalik.
“Why not? ‘Di ba sinabi mong hindi naman ikaw ‘yung boyfriend ko na minahal ko, so bakit magdadalawang isip ako? Wala ka lang sa ‘kin kahit sino ka mang hayop ka. Nagawa mong patayin ang sariling mong kaibigan, lalo na ang sarili mong kapatid! Kaya dapat sa ‘yo ay masunog sa impyerno!” Kakalabitin ko na sana ang gatilyo nang biglang may namayaning napakapamilyar na halakhak.
Eyah…
Naglalakad palapit sa ‘min si Eyah, ganu’n pa rin ang itsura niya. Berde ang nakaayos na buhok, mapula ang labi, at may pulang mga mata. Yakap niya sa kaliwang braso ang manika niyang si Yya, at may hawak naman siyang isang baseball bat sa kanang kamay.
“Eyah, ano’ng ginagawa mo dito?” puno ng pag-aalalang tanong ni Wayne, kaya nangunot ang nuo ko.
“Sinabi ko na sa ‘yo, gustong-gusto ko nang lumabas sa kwartong ‘yun, pero ayaw niyo ‘kong palabasin, kinukulong niyo ko du’n para solohin ang kasiyahang ‘to? Hindi pwede, gusto ko kasali ako,” pagmamaktol niya. Mula kay Wayne, unti-unti kong inilipat sa kanya ang pagkakatutok ng baril ko.
Ito na ang pagkakataon ko, isang kalabit lang sa gatilyo, tapos siya.
“Eyah bumalik ka na, sinabi nang mas ligtas ka du’n!” sigaw ni Kubby na napahinto rin sa pakikipag-agawan ng baril dahil sa pagdating ni Eyah. Nakita kong tumilapon pala ang baril niya, at nakita ko ring du’n na nakatingin si George at pasimple nang lumalapit sa baril habang na kay Eyah pa ang atensiyon ni Kubby.
Abot kamay na ni George ang baril, pero muli akong napasigaw nang bigla nalang may tumamang palaso sa ulo niya.
“George!” sigaw ko saka na kinalabit ang gatilyo ng baril ko na nakatutok kay Eyah.
TBC
BINABASA MO ANG
I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]
Mystery / Thriller[COMPLETED] Eyah, isang pangalan na naging usapin sa buong lungsod ng Emerral. Pangalan na inalipusta ng karamihan. Pangalan na kinamuhian. At pangalan na kinatakutan ng lahat. "I Want To Be A Serial Killer" Written by: Ivy Loud ••• Highest rank ach...