KILLER 1

539 24 3
                                    

I want to be a Serial Killer

CHAPTER 1

“Tss, hindi ko alam kung bakit pumapasok pa ‘yan dito, ang kapal ng muka.”

“Dapat sa mga katulad niya kinukulong na sa mental, bakit ba hindi pa ‘yan paalisin dito, baka makapanakit pa ‘yan ng mga students, scary.”

“Hoy Eyah! Ano nang sabi sa ‘yo niyang manika mo? Hahahahah!”

“Baliw, as if naman nagsasalita ang manika hahaha!”

“’Wag niyo na ngang pansinin ‘yan, baka bigla pang manakit ehh.”

“Tara na nga, ‘wag niyo nang pag-aksayahan ng oras ‘yang baliw na ‘yan, baka ma-late pa tayo.”

Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa, sanay na ‘ko sa mga masasakit na salitang binabato sa ‘kin ng mga tao, hindi ko nalang pinapansin dahil mga walang kwenta lang naman ang mga pinagsasasabi nila.

“Hayaan mo na sila Yya, masarap ang pagkain ngayon dito sa canteen, sana palagi nalang ganito ang luto nila,” kausap ko sa dala kong manika na si Yya. Si Yya na siyang nag-iisa kong kakampi sa buhay.

Matapos kumain, agad ko nang nilisan ang canteen at dumeretso na sa susunod kong subject.

Gaya ng nakasanayan, hindi ko nalang pinapansin ang mga mapanghusgang tingin na ibinibigay sa ‘kin ng mga nasa paligid ko. Lagi naman silang ganyan, tuwing nakikita nila ako, palagi nilang pinapakita na hindi nila ako gusto, na ayaw nila akong nakikita, pero ano naman ang pake ko? Edi ‘wag nalang nila akong tignan tss.

Hindi ko alam kung bakit ba nag-aaksaya pa sila ng oras para lang iparamdam sa ‘kin ang pagkadisgusto nila sa ‘kin, para lang batuhin ako ng masasakit na salita, ehh hindi naman ako naaapektuhan, sila ata ang tunay na mga baliw ehh.

Pero laking pasasalamat ko nalang dahil hindi pa naman nila ako nagagawang saktan sa pisikal na paraan, hanggang pagbabato lang naman ng masasakit na salita ang ginagawa nila.

Pero ‘wag naman na sana nila maisipan pang gawin ‘yun at baka maisipan ko na ring tuparin ang pangarap ko hihi.

“Andiyan na si Eyah guys!”

“Hi Eyah, kamusta naman ang lunch mo? Napakain mo na ba ‘yang manika mo? Hahaha!”

“Ano nang sabi ni Yya sa ‘yo? Anong nang napagkwentuhanan niyo? Hahaha!”

“Eyah, buti hindi ka pa dinadala ng parents mo sa mental- ayy oo nga pala, wala na nga pala kasi silang pakialam sa ‘yo, kaya ba’t ka pa pag-aaksayahan ng oras hahahaha!”

“Kawawa ka naman Eyah, wala na ngang kaibigan, wala pang magulang, kausapin mo nalang ‘yang manika mo! Hahahaha”

“Uyy balita ko nag-asawa na daw ng iba ang papa mo, tapos ‘yung mama mo nagtatago na dahil sa dami ng utang hahaha!”

Bahagya nalang akong napailing dahil sa mga sinasabi nila. Pati personal na buhay ko pinapakialaman nila, ano bang pakialam nila kung magulo ang pamilya ko? Ako nga wala nang pakialam sa kung ano nang nangyayari sa mga magulang ko, umalis na ‘ko sa puder nila, wala naman silang kwentang mga magulang, mas okay pang kasama si Yya, kahit na wala naman talaga siyang buhay at hindi nakakapagsalita, mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag kinakausap ko siya, wala na ‘kong pakialam kahit baliw na ang tingin sa ‘kin ng lahat.

Patuloy lang sila sa pang-i-insulto sa ‘kin, walang pakialam kahit hindi ko naman sila pinapansin. Muka silang mga tanga pft.

Nang sa wakas ay natapos na ang lahat ng klase ko, magiliw akong naglakad pauwi sa nirerentahan kong apartment habang bitbit ang bag ko at ang manika kong si Yya.

I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon