KILLER 20

188 7 0
                                    

I Want to be a Serial Killer
CHAPTER 20

Pumasok ako sa loob ng gubat dahil siguradong dito pumunta ang tatlong ‘yun. Kung inaakala nila na matatakasan nila ako, never!

Madali ko lang natakasan si Wayne dahil sanay na ‘ko sa gubat, I can even climb the tall tree. Ihuhuli ko siya dahil siya ang pahihirapan ko sa lahat, sisiguraduhin kong siya na mismo ang hihiling sa ‘kin na patayin nalang siya.

I wonder kung ano na’ng nangyari kay Mianna at Kubby, sino na kaya sa kanilang dalawa ang naunang sunduin ni kamatayan? But I bet it’s Kubby, dahil hindi naman siguro papayag si Yesha na mamatay si Mianna, maliban nalang kung kakampi rin siya ng dalawang traydor.

Actually nauna ako sa kanilang lahat na makarating sa warehouse, kaya napanood ko kung pa’no sila nagulantang sa mga nalaman nila, lalo na nang lumabas na ang totoong Wayne. Ang pinakapaborito kong reaksiyon sa kanila ay ang kay Mianna, ikaw ba naman makita mo ang boyfriend mong kakalibing lang ay biglang nabuhay hahaha! That was so amazing! This is so amazing hahaha!

“Sa’n na kaya nagtatago ang mga ‘yun?” tanong ko habang sinisipat ang paligid. Hindi nawawala ang ngisi ko sa labi, dahil sobrang nasisiyahan ako sa mga nangyayari hihi.

“Jerald? Anton? Where are you guys? Guys?”

Napangisi ako nang marinig ang pamilyar na boses na ‘yun.

“Target spotted, Eyah. Kill her!”

“Yes I will!” mariing sagot ko, saka mabilis na naglakad palapit kay Ashley na tilay naliligaw at nahiwalay sa mga kasama. Halata na sa muka niya ang takot habang inililibot ang paningin sa paligid.

Madilim na ang kalangitan, at tanging sinag nalang ng maliwanag na buwan ang nagsisilbing liwanag para makakita pa rin kami. Dark is my home, I used to live in the dark forest like this, and I think that’s an advantage for me hihi.

“Hey Ashley,” nakangisi kong tawag sa pansin niya, dahilan para mabilis siyang mapalingon sa ‘kin na nanlalaki ang mga mata. Pero ang gulat na reaksiyon niya ay agad na napalitan ng galit.

“You bitch! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ‘to!” galit na sigaw niya sa ‘kin habang binibigyan ako ng napakatalim na tingin.

“Hindi ko na kasalanan kung traydor ang dalawang kaibigan niyo, at hindi ko na kasalanan kung mamamatay na kayo ngayon, kayo nagpasimula ng lahat ng ‘to ehh, gusto ko lang tapusin,” nakangisi kong sagot, kaya lalo siyang nagngitngit sa galit.

“You bitch! Mauna kang mamatay!” sigaw niya at saka mabilis na tumakbo para salakayin ako, pero bago pa man siya makalapit sa ‘kin, agad ko nang hinataw sa kanyang ulo ang hawak kong baseball bat, dahilan para tumumba siya at mawalan ng malay.

“Weak,” nakangisi kong usal habang tinitignan ang katawan niyang nakahilata na sa maduming lupa.

Third Person’s POV

Hinihingal na humito sa isang puno si Wayne, sobrang bilis ng tibok ng puso niya, nakakaramdam na siya ng kaba para sa dalagang pinahahalagahan. Hindi na siya makakapayag na muli itong mapahamak sa kamay ng mga kaibigan!

Muli na sana siyang magpapatuloy sa paglalakad para hanapin si Eyah, pero hindi natuloy nang makarinig ng mga yabag na papalapit, kaya agad niyang inakyat ang katabing puno para itago ang sarili.

Agad siyang napangisi nang makita ang dalawang kaibigang sina Jerald at Anton. Ang dalawang lalakeng bumaboy kay Eyah.

Hindi siya makakapayag na mamatay ang mga ‘to ng ganu’n nalang. Kailangan nilang maghirap!

Gamit ang palaso ng hawak, tinarget niya ang binti ng mga kaibigan, dahilan para magkasunod itong tumumba at dumaing.

Tumalon siya mula sa puno at nakangising nilapitan ang dalawang kaibigang iniinda ang mga binting nagdurugo.

“Binaboy niyo ang katawan ni Eyah, at sinira niyo ang buong pagkatao niya, kaya ganu’n din ang gagawin ko sa inyong dalawa.”

“You son of a bitch! Traydor kang hayop ka!” galit na sigaw ni Jerald sa kanya, pero nginisian niya lang ito at bumaling kay Anton na ngayon ay napakasama ng tingin sa kanya.

“Sorry not sorry, nagmahal lang ako, at binaboy niyo ang babaeng minamahal ko! Alam niyo hindi lang ako makaalma nuon dahil hindi pa ‘ko sigurado sa nararamdaman ko ehh, kumbaga nasa in denial stage palang ako nang mga panahong ‘yun, kaya hinayaan ko kayong gaguhin at alipustahin si Eyah dahil mga kaibigan ko kayo. Pero matapos ng ginawa niyong pambababoy sa kanya? Natauhan ako. Kayo ang mga hayop! Sinira niyo ang babaeng mahal ko! Kaya nararapat lang talaga sa inyo ang mamatay sa pinakamasakit na paraan!”

Nanlilisik ang mga mata niyang nilapitan ang dalawang kaibigan. Una niyang nilapitan si Jerald, saka niya biglaang binunot ang nakatarak na palaso sa binti nito, dahilan para malakas itong mapasigaw dahil sa sakit.

Sinubukang manlaban ng dalawa pero dahil sa lagay ng mga ito, mas naging malakas siya.

“Hayop ka Wayne! Sira na ang ulo mo!” sigaw ni Anton pero hindi na siya sumagot. Nilapitan niya ito saka malakas na sinuntok sa muka ng paulit-ulit, dahilan para makaramdam ito ng hilo.

Muli niyang binalingan si Jerald na gumagapang na palayo sa kanya, kaya agad niya itong nilapitan at marahas na pinatihaya.

“Mamamatay kayong lahat…” nakangisi at mahinang usal ni Wayne, saka gamit ang isang arrow, sinaksak niya sa kaliwang mata ang kaibigan.

“Aaaaahhhgggrrrr!!!” malakas na daing ng binata dahil sa sobrang sakit.

“Makasalanan ang mga matang ‘to. Naalala mo pa ba nu’ng high school tayo? Palagi kang laman ng principal office dahil palagi kang nahuhuling naninilip sa girls CR,” nakangising saad ni Wayne, saka buong lakas na itinarak ang isa pang arrow sa kanang mata naman ng kaibigan.

Tumayo siya saka hinawakan sa dalawang paa si Jerald para sana kaladkarin patabi sa isa pang kaibigang si Anton, pero napatumba siya’t napadaing nang maramdamang may malakas na tumama sa ulo niya. Nakaramdam siya ng hilo pero pinilit niya pa ring tumayo saka matalim na tinignan si Anton na siyang pumukpok sa kanya ng isang may kalakihang bato.

“Die asshole!” sigaw ni Anton, saka iika-ikang tumakbo palapit sa kanya para sana muli siyang hampasin ng bato, pero bago pa man nito magawa ang balak, nakahugot na agad siya ng isang arrow at saka ito buong lakas na isinaksak sa nuo ng kaibigan.

Muli niyang binalingan si Jerald na naghihingalo na, at para makasigurado sa kamatayan nito, nilapitan niya ito’t tinarakan din ng palaso sa nuo.

Eyah’s POV

Naka-indian seat ako habang nakatitig kay Ashley na hanggang ngayo’y wala pa ring malay.

“Isang hampas palang ang ginawa ko tumba ka na. Kailan mo ba balak gumising? Hindi kita pwedeng patayin ng walang malay, pa’no ka mahihirapan niyan tss.”

Napairap ako saka malakas siyang hinampas sa tuhod.

“Gumising ka na!” malakas na sigaw ko, at hindi naman ako nabigo dahil nagising nga siya habang dinadaing ang tuhod pft.

“Damn you Eyah!!!”

“Finally Ashley. So ngayong gising ka na, pwede ka nang pumili. Pa’no mo ba gustong mamatay? Mabilis o ‘yung dahan-dahan? Pasalamat ka’t medyo mabait pa ‘ko dahil binibigyan pa kita ng choice,” nakangisi kong saad.

“Ikaw ang mamatay!” muli ay sigaw niya, saka ako tinangkang atakihin, pero bago pa man siya makatayo’y mabilis ko nang hinampas ang kabila naman niyang tuhod, dahilan para muli siyang mapasigaw dahil sa muling naramdamang sakit.

“Binibigyan ka na nga ng choice ayaw mo pa, sige ikaw ang bahala.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa maduming lupa, at saka itinaas ang baseball bat ko para bumwelo sa gagawin kong pagpatay sa kanya ng paunti-unti.

Babasagin ko ang lahat ng buto sa katawan niya!

“Goodbye Ashley,” nakangisi kong usal, pero bago ko pa man magawa ang balak, bigla nalang may bumulusok na palaso mula sa kung saan na tumarak sa gitna mismo ng nuo ni Ashley.

Hayop ka Wayne! Mang-aagaw ka talaga ng biktima!

TBC

I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon