KILLER 10

210 8 0
                                    

I Want to be a Serial Killer
CHAPTER 10

Sigaw ako nang sigaw pero hindi nila ako pinapakinggan. Gusto kong sirain ang rehas na humaharang sa ‘kin para makalabas at malapitan silang mga hayop sila, pero wala akong magawa kun’di ang kalampagin lang ito nang kalampagin.

Tinitignan lang ako ng mga pulis na nagbabantay na mga kapwa nakangisi sa ‘kin na parang mga nang-aasar pa. Mga hayop talaga! Hintayin niyo lang na makalabas ako dito, tignan ko lang kung makangisi pa kayo ng ganyan!

“Ilabas niyo ‘ko ditong mga hayop kayo! Ano’ng ginawa niyo kay Yya? Ibalik niyo sa ‘kin si Yya! Agrrhhhh!!!”

“Hoy manahimik ka nga!” Matalim kong tinignan ang mga kasama ko dito sa loob ng selda. Isa pa ‘tong mga buwisit na ‘to! Ang sarap pumatay agrrhhhh!!!

“Kailangan mong makatakas Eyah, patayin mo silang lahat, iligtas mo ‘ko.”

Inirapan ko sila at saka muling kinalampag ang bakal na rehas at sumigaw nang sumigaw. Hindi ako titigil dito hanggat hindi nila ako nilalabas dito at hindi nila binabalik sa ‘kin si Yya!

“Ano ba! Pagsisisihan niyo ‘tong ginagawa niyo sa ‘kin! Ibalik niyo sa ‘kin si Yya!!!”

Naramdaman kong may humawak sa ‘kin sa balikat, at saka ako marahas na iniharap sa kanya.

“’Di ba sinabi kong manahimik ka, ang kulit mo rin ehh!” maangas niyang bulalas. Malaki siyang babae at punong-puno ng mga tattoo sa braso, pero wala akong pakialam, kaya ko siyang patayin kung gugustuhin ko!

“Ehh kung ikaw ang patahimikin ko.” Saka ko siya marahas na tinulak palayo sa ‘kin. Masyado siyang malapit ehh tss.

“Aba ang angas nito ahh, papalag ka ba?” nakangising saad niya, saka niya rin ako marahas na tinulak dahilan para bumangga ang likod ko sa rehas. Masakit ‘yun ahh. Matalim ko siyang tinignan at saka nginisian.

“Kill them, Eyah, kill them!”

“I will, Yya, I will,” nakangisi kong sagot, saka ko patakbong dinambahan ang babaeng puno ng tattoo sa braso dahilan para kapwa kaming tumumba sa malamig na sahig, siya pahiga at ako nama’y nakadagan sa ibabaw niya, habang paulit-ulit siyang sinusuntok sa muka.

Bago ako bumalik ng Emerral, sinigurado kong handa ako. Sa loob ng limang taong pagtatago ko at pananatili sa gitna ng kagubatan, sinanay ko ang sarili ko, pinalakas ko ang katawan ko, lalong-lalo na ang loob ko. Kaya wala nang sino man ang pwedeng manakit sa akin, lalong-lalong na kay Yya.

“Aggrhhhhhh!!!” sigaw ko, saka mas nilakasan at mas binilisan ko pa ang pagsuntok sa kanya, ‘yung tipong wala na siyang magawa kun’di tanggapin nalang ang bawat pagtama ng kamao ko sa muka niya.

Naririnig ko ang mga kasama namin sa selda na tila’y mga nag-ch-cheer pa, kaya mas lalo akong ginanahan sa pagsuntok sa hayop na pakialamerang ‘to. Pero napahinto lang ako nang may mga kamay na umawat sa ‘kin at inilayo ako sa punching bag ko.

Hinihingal na ‘ko pero ayo’ko pa ring tumigil, kaya nagpupumiglas ako’t pilit pa rin siyang inaabot gamit ang mga paa ko.

“Bitawan niyo ‘ko! Hindi pa ‘ko tapos sa babaeng ‘yan! Hayop papatayin kita!!!”

Pero muli akong natigilan nang muli nanamang makaramdam ng kuryente, dahilan para muli nanaman akong manghina at mawalan ng malay.


Mianna’s POV

“Mianna, hanggang kailan mo balak magkulong diyan sa kwarto mo?” rinig kong giit ni Mama mula sa labas ng kwarto ko, pero hindi ako umimik, nanatili lang akong nakadapa sa kama ko at nakatulala sa kawalan.

Wayne…

“Anak ayaw mo ba talagang sumama? Ayaw mo ba talagang puntahan siya?” Muli ay hindi ako umimik, wala akong ganang magsalita, wala akong ganang gumalaw, at pakiramdam ko wala na rin akong ganang mabuhay.

Fuck shit Wayne! Pa’no mo nagawa sa ‘kin ‘to? Pa’no mo ‘ko nagawang iwan ng ganu’n nalang? Kingina naman ehh, nasa’n na ang mga pangako mo? Ano mapapako nalang habang buhay? Sabi mo sabay tayong tatanda at mamamatay, pero bakit nauna ka? At saka punyeta naman hindi pa nga tayo tumatanda ehh, masyado kang excited at hindi mo na hinintay na tumanda tayo. Paano na ‘ko ngayon Wayne? Pa’no na ‘ko? Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa ‘kin ngayong wala ka na. Wayne paano na ‘ko!

“Mianna, anak, you’ll be okay, you should be, alam kong hindi natutuwa si Wayne na nagkakaganyan ka. Magpa-drive ka nalang kung gusto mo siyang puntahan okay, ‘wag kang mag-da-drive mag-isa.” Matapos nun ay narinig ko na ang papalayo niyang yabag.

Wala akong balak pumunta, para saan pa? ‘Pag ba pumunta ako du’n mabubuhay siya? Sasaktan ko lang ang sarili ko kung pupunta ako para makita ang katawan niyang wala nang buhay na nakahiga sa kabaong, kaya mas better na mag-stay nalang ako dito sa kwarto ko, titigan ang mga letrato naming dalawa kung sa’n may masasayang ala-ala na kailan ma’y hindi na mauulit pa.

“Wayne…”

Muli akong napahagulgol kaya binaon ko ang muka ko sa unan para ikulong ang mga hikbi ko.

Wayne hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala ka sa ‘kin, Wayne bumalik ka please, ‘wag mo ‘kong iwan please Babe, balikan mo ‘ko please!

Tumayo ako mula sa pagkakadapa saka lumapit sa drawer na nasa tabi lang ng kama ko, at saka ko kinuha ang isang bagay na matagal ko nang hindi nahahawakan.

“Hindi ko mapapatawad ang taong pumatay sa ‘yo Wayne, magbabayad siya!” puno ng pagdadalamhati at galit kong bulalas, habang mahigpit na hawak ang isang bagay na kailan ma’y hindi ko naisip gamitin para makapanakit.

“Buhay ang nawala, kaya buhay rin ang magiging kapalit.” Saka ko ikinasa ang baril na hawak ko.

“Mia!” rinig kong sigaw mula sa labas ng kwarto ko, kasunod nu’n ay ang sunod-sunod na katok sa pinto ko, kaya agad kong ibinalik sa drawer ang baril na ineregalo pa sa ‘kin ni Papa dahil hilig ko ang target shooting.

Tumayo ako at tinungo ang pinto para buksan, at saka ko walang ganang tinignan si Kubby na siyang tao sa likod ng pang-iistorbo sa ‘kin.

“Kung pipilitin mo lang akong sumama sa burol, ‘wag mo nang pagurin ang sarili mo dahil-“

“Nahuli na kung sino ang pumatay kay Wayne!” Agad akong napaayos ng tayo dahil sa sinabi niya.

“Sino?” nagngingit-ngit ang mga ngipin kong tanong, at halos huminto ang mundo ko sa narinig na sagot niya.

“Si Eyah.”


Eyah’s POV

Nagising ako na nasa ibang selda na ‘ko, kulob at wala akong ibang kasama kun’di ang sarili ko. Medyo nanlalambot pa ‘ko pero pinilit kong tumayo at lumapit sa rehas.

“Pakawalan niyo ‘ko dito!” sigaw ko saka kinalampag ang rehas na bakal. Hindi na ‘ko pwedeng manatili dito, kailangan kong iligtas si Yya. Kaya muli kong kinalampag ang rehas at saka nagsisigaw, pero wala pa ring pumapansin sa ‘kin, kaya pabagsak nalang akong naupo sa malamig na sahig at sumandal sa dingding.

“Kapag may nangyaring masama kay Yya hindi ko kayo mapapatawad, papatayin ko kayong lahat mga hayop kayo!” puno ng galit kong usal. Tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko. Hinding-hindi ko hahayaang mawala sa ‘kin si Yya, siya nalang ang me’ron ako!

Nakadukmo ako sa tuhod ko nang makarinig ako ng sigawan mula sa labas, kaya agad kong naiangat ang ulo ko para tignan kung ano ang nangyayari, pero agad na nangunot ang nuo ko nang may pumasok na isang taong nakasuot na parang pang-ninja at agad akong nilapitan, pero bago pa man ako makatayo para makalayo sa kanya ay may kung ano na siyang in-spray sa muka ko, dahilan para makaramdam ako ng hilo at muli nanamang mawalan ng malay.

TBC

I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon