KILLER 18

191 6 0
                                    

I Want to be a Serial Killer
CHAPTER 18

Kanina pa ‘ko nagpapalakad-lakad dito sa loob ng magarang kwarto, iniisip kung pa’no makakatakas sa lugar na ‘to.

Ngayon na ang araw ng libing ng pekeng Wayne, at ngayong araw na rin gagawin nina Kubby at ng totoong Wayne ang plano nila.

Gusto ko ring pumunta sa lumang warehouse, gusto kong sumali sa pagpapatayan nila, isa na ‘tong magandang pagkakataon para makaganti sa kanilang lahat, para ubusin silang lahat, kaya kailangan ko nang makalabas dito ngayon din!

“Ano na’ng gagawin ko Yya? Hindi ko na alam kung pa’no pa ‘ko makakalabas dito,” sambit ko saka pabagsak na naupo sa malambot na kama. Sawa na ‘ko sa pagsigaw nang pagsigaw at pagkalampag sa pinto dahil hindi naman nila ako pinapansin, pinapagod ko lang ang sarili ko. Mga hayop talaga, sa oras na makalabas ako dito, sisiguraduhin kong magsisisi kayong lahat na pinanatili niyo pa ‘kong buhay!

Bigla akong napalingon sa may pinto nang makarinig ako ng mga kalabog mula sa labas. Bitbit pa rin si Yya sa kaliwang braso ko, agad akong tumayo at lumapit sa may tapat ng pinto, pero lumayo ako ng unti nang makitang parang may nagbubukas nito mula sa labas.

“Eyah,” nakangising salubong niya sa ‘kin habang humihingal pa.

“Ikaw…” usal ko na lalong nagpalawak sa ngisi niya.

“Grabe Eyah, nabosesan mo na nga ‘ko namukaan mo pa ‘ko. Crush mo ‘ko no haha!” Inirapan ko nalang siya dahil sa sinabi niya, at saka namewang at tinaasan siya ng kilay.

“Pa’no ko naman magagawang kalimutan ang taong tumulong sa ‘kin sa lumang warehouse, at ang taong tumulong sa ‘kin na makalayo sa lugar na ‘to 5 years ago. Hinding-hindi kita makakalimutan, Tinik.”

Patihayang nakahiga sa magulo kong kama, at wala sa sariling nakatulala sa kisame.

Sirang-sira na ang buhay ko. Galit sa ‘kin ang lahat, at malamang pati mga magulang ko hindi na rin ako tatanggapin. Ang mga hayop na ‘yun, hinding-hindi ko sila mapapatawad!

Umupo ako mula sa pagkakahiga, saka dinampot ang manika kong si Yya.

“Ang kawawa kong Yya, sinira nila ang muka mo,” usal ko habang hinahaplos ang berde niyang buhok. Ang ganda-ganda ng Yya ko, me’ron siyang berdeng kulot na buhok, maputing muka, mapulang labi, mahahabang pilikmata, at pulang mga mata. Niregalo sa ‘kin ‘to ni Mama nuong bata pa ‘ko dahil walang gustong makipaglaro sa ‘kin. Personalize ang manikang ‘to, pinagawa ni Mama para lang sa ‘kin, kaya nag-iisa lang si Yya, wala siyang katulad.

Hinaplos ko ang biyak na nasa muka niya.

“Sinira nila ang muka mo, Yya. Sigurado akong nalulungkot ka ngayon dahil sa nangyari sa muka mo.”

“Sobrang nalulungkot ako, Eyah. Gusto mo ba ‘kong damayan para mabawasan ang lungkot ko?”

Tipid akong ngumiti, saka marahang tumango. “Oo naman, Yya. Gusto kong mabawasan ang lungkot mo.”

“Kung gano’n damayan mo ‘ko, lagyan mo rin ng biyak ang muka mo. Mababawasan ang lungkot ko kapag ginawa mo ‘yun, Eyah.”

Sandali akong nag-isip, bago muling marahang tumango. Para kay Yya, gagawin ko ang lahat, siya nalang ang nag-iisang pamilyang me’ron ako.

Hawak ang isang matalim na kutsilyo, deretso akong nakatitig sa sarili ko mula sa salamin.

“Ang ganda mo Eyah, kaya gawin mo na.”

I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon