I Want to be a Serial Killer
CHAPTER 12Nang makita ang puting kabaong kung sa’n siya nakahimlay, unti-unting bumagal ang paglalakad ko, at ang kaninang inis na nararamdaman ko’y biglang naglaho, nanumbalik nanaman ang lungkot, sakit, at pagdadalamhati.
Mariin akong napapikit nang tuluyan na ‘kong makalapit sa kanya, muli nanamang nagsitulo ang masaganang luha mula sa mga mata ko nang makita ang muka niyang nahihimbing.
“Wayne, Babe…” Saka ko marahas na pinunasan ang mga luha sa muka ko at muling tumalim ang mga tingin ko. “’Wag kang mag-alala Babe, magbabayad ang gumawa nito sa ‘yo, magbabayad ang hayop na Eyah na ‘yun! Pagbabayarin ko siya!”
“Si Eyah ba kamo?” Naikuyom ko ang mga kamao ko nang marinig ang nakakainis na boses na ‘yun. Nilingon ko siya at matalim na tinignan.
“Ano nama’ng pakialam mo?” taas kilay na tanong ko sa kanya, pero nginisian niya lang ako.
“Nagsisimula na siyang maghiganti I think,” nakangising sagot niya dahilan para agad na mapakunot ang nuo ko. Maghiganti?
“What do you mean?”
“Well-“
“Ashley,” napatigil siya nang may tumawag sa pangalan niya. Sa pagkakatanda ko Anton ang pangalan niya.
“Dumating na si Yesha, may kailangan tayong pag-usapan,” seryosong saad nito na deretsong nakatingin sa ‘kin na parang hinahalukay ang buong pagkatao ko sa pamamaraan ng pagtingin niya.
“Really? My God I miss that girl so much, let’s go.”
“May tinatago ba kayo?” seryosong tanong ko na nagpahinto sa kanila sa planong pag-alis. Nilingon ako ni Ashley at saka nakakalokong nginisian.
“Ano nama’ng pakialam mo?” Saka siya mahinang tumawa at tuluyan nang naglakad paalis, si Anton naman ay tinapunan lang ako ng huling sulyap bago sumunod sa malanding babaeng ‘yun tss.
“Bitch!” mahinang bulalas ko at saka matalim na tinignan ang direksiyong tinahak nila at mas hinigpitan ang pagkakakuyom ng mga kamao ko.
Kung ano man ang tinatago niyo sa ‘kin, kailangan kong malaman ‘yan, nakakasiguro ako na may kinalaman ‘yan kay Eyah at sa pagkamatay ni Wayne.
Hindi na ‘ko nagtagal pa sa lugar na ‘yun, hindi ko kayang makita si Wayne sa ganu’ng sitwasyon, kaya mabilis na ‘kong umalis at ginawa ang kanina ko pa dapat ginawa.
Galingan mo sa pagtatago Eyah, dahil sa oras na makita kita, ibabalik kita sa impyernong pinanggalingan mo!
Mahigpit kong hinawakan ang hawak kong baril, saka mapait na ngumisi at mas binilisan pa ang pagmamaneho.
Third Person’s POV
Sa loob ng isang tagong silid, nagtipon ang walong magkakaibigan na siyang pinagsimulan ng lahat.
“Ano na’ng gagawin natin? Iisa-isahin niya tayo,” tila’y takot na takot na saad ng hanggang ngayo’y umiiyak na si Cherrie.
“We should find Eyah, hindi natin kailangang matakot sa kanya, we ruined her before, so we can ruin her again, mahina lang siya, nagawa niya lang patayin si Wayne dahil tinira niya tayo ng patalikod,” sagot naman ni Ashley na hindi kababakasan ng kahit kaunting takot sa muka.
“Ashley’s right, ngayong alam na natin ang plano niyang paghihiganti, hinding-hindi na siya magtatagumpay,” segunda ni Jerald.
“Kaya bago pa siya may mapatay ulit sa ‘tin, kailangan na natin siyang maunahan.”
“What do you mean by that George?” seryosong tanong ni Yesha na nahihinuha na ang ibig sabihin ni George.
“OMG George, don’t tell me you are planning to kill Eyah?” hindi makapaniwalang bulalas ni Cherrie.
“That’s the right thing to do, ke’sa naman sa tayo ang isa-isahin niyang patayin,” sagot ni Anton kaya tinignan rin siya ng hindi makapaniwalang tingin ni Cherrie. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng mga kaibigan, sa ginawa palang nga nila kay Eyah 5 years ago ay hindi na siya pinatulog ng ilang linggo dahil sa konsensiya, tapos papatayin?
“I think that’s a very good idea, I’m in,” nakangising saad ni Ashley na magiliw pang tinaas ang kanang kamay.
“I’m in, para naman tuluyan nang mawala ang baliw na babaeng ‘yun tss.” Yesha.
“Of course I’m in, pinatay niya si Wayne, kailangan niyang magbayad!” bakas ang galit sa boses na pagsang-ayon ni Jerrie, kaya tuluyan nang sumuko ang kakambal at wala nang nagawa kun’di ang sumang-ayon nalang rin.
“So what’s the plan?” Ashley.
“I already have a plan.” Nagulat sila nang marinig ang seryosong boses ng kanina pang nananahimik na si Kubby, medyo kinilabutan pa sila dahil sa ngising nakapaskil sa muka nito.
Mianna’s POV
Pabagsak akong nahiga sa kama ko dahil sa pagod, halos halughugin ko na ang bawat pasikot-sikot ng Emerral City pero ni anino ni Eyah ay hindi ko nakita, tanginang ‘yan!
Marahas akong napahilamos sa muka ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko. I really fucking want to kill that fucking bitch!
“Aahhggrrr!!!” sigaw ko saka pinagbabato ang lahat ng madampot ko. Hindi ako titigil hanggat hindi kita nahahanap Eyah, hindi ako titigil hanggat hindi nababahiran ng dugo mo ang mga kamay ko!
Nagising ako dahil sa pakiramdam na may banayad na humahaplos sa buhok ko.
“Babe?” paos na usal ko habang unti-unting iminumulat ang namamagang mga mata ko dahil sa pag-iyak, pero imbis na muka ni Wayne ang makita ko, ang nakangiting muka ni Kubby ang bumungad sa ‘kin.
“You look mess Mia, minding having a shower?” bakas sa boses niya ang pagbibiro pero ang pinapakita ng mga mata niya’y kaseryosohan, kaya agad na nangunot ang nuo ko at saka marahan na umupo mula sa pagkakahiga.
“Ano’ng ginagawa mo dito Kubby?” tanong ko sa kanya habang nagtatanggal ng muta.
“I have something important to say,” seryosong sagot niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Lalong napakunot ang nuo ko. Si Kubby ba talaga ‘tong kausap ko? Kailan pa siya naging ganito kaseryoso? At kailan pa naging ganito magsalita ang lokong ‘to? Medyo nakakapanibago.
“Ano ‘yun? Sabihin mo na dahil inaantok pa ‘ko,” irap kong tanong sa kanya matapos humikab. Tumingin ako sa wall clock na nasa ibabaw lang ng pinto ng kwarto ko, at muntik ko nang mamura si Kubby nang makitang 4 am palang. Tanginang ‘yan!
“Siguraduhin mong importante ‘yang sasabihin mo ahh, uumbagan talaga kitang letse ka,” pagbabanta ko sa kanya.
“I know where Eyah is.” Agad akong natigilan nang marinig ang sinaad niya. What the hell?
“What?”
“I know where Eyah is, and I have a plan.”
“Ano’ng pla-“
“But let me tell you a secret first,” putol niya sa ‘kin, kaya hindi na ‘ko sumagot at matiim siyang tinignan at naghintay sa susunod niyang sasabihin. Nagtataka man ako sa kung pa’no niya nalaman kung nasa’n si Eyah, mas pinili ko nalang ang manahik at maghintay sa paliwanag niya.
“’Yung nangyari kay Eyah 5 years ago… kami ng mga kaibigan ko ang may pakana.”
TBC
BINABASA MO ANG
I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]
Mystery / Thriller[COMPLETED] Eyah, isang pangalan na naging usapin sa buong lungsod ng Emerral. Pangalan na inalipusta ng karamihan. Pangalan na kinamuhian. At pangalan na kinatakutan ng lahat. "I Want To Be A Serial Killer" Written by: Ivy Loud ••• Highest rank ach...