I Want to be a Serial Killer
EPILOGUE5 years later.
Marahan kong sinusuklay ang lampas bewang ko nang itim na buhok. Malawak ang pagkakangiti ko habang tinititigin ang sarili kong reflection sa salamin.
Nasa muka ko pa rin ang peklat ng nakaraan, pero hindi masisira ng mga masasamang ala-alang ‘yun kung gaano ako kasaya ngayon.
This is amazing! Everything is so amazing! Hihih.
Mabilis akong napalingon sa pinto nang marinig ang tatlong beses na katok mula rito. Napangiti ako nang bumukas ito at pumasok ang nakangiti ring si Mianna.
“Hey Eyah, nandiyan na ang sundo mo.” Mabilis ko nang tinapos ang pag-aayos ko nang marinig ang sinabi niya.
“Yiiehh nandiyan na siya!” kinikilig kong bulalas at saka mabilis na humalik sa pisngi niya at tumakbo na palabas ng kwarto ko, narinig ko pa ang nandidiring sigaw ni Mianna dahil sa paghalik ko sa kanya, kaya napahagikgik nalang ako.
“Ate Eyah ‘wag kang tumakbo, baka madapa ka,” saway sa ‘kin ng nakasalubong kong si Nianna, pero nag-flying kiss lang ako sa kanya at patakbo ring bumaba ng hagdan.
“Tinik!” sigaw ko nang makita siya sa sala na nakaupo sa sofa habang kausap sina Mama at Papa. Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at patagilid na kumandong sa kandungan niya.
Hindi na sila nagulat sa ginawa ko, dahil sa loob ng isang taon matapos kong makalabas sa EMA or Emerral Mental Asylum ay ganito na talaga ako ka-clingy kay Tinik hihih. Muntik pa ngang atakihin si Papa nuong first time kong gawin ‘to sa harap nila with matching torrid kiss pa hihih.
Bigla ko tuloy naalala nuong finally pinauwi na ‘ko matapos ang apat na taong gamutan ko sa loob ng Asylum. Sobrang saya ko talaga, lalo na nu’ng buong pamilya ko ang sumundo sa akin, si Papa, si Mama, si Mianna, si Nianna, at siyempre si Tinik hihi.
Nagpahanda pa ng pa-welcome party si Papa dito sa bahay, I feel so very special tuloy, it’s really so amazing!
At hindi ko akalaing mas marami pang sasalubong sa ‘kin sa bahay, at karamihan sa mga ‘yun ay mga ka-business partner ni Papa with their families, mga kaibigan nila, at karamihan sa mga school mates ko before.
Nandu’n rin si Yesha na siyang tanging natitira nalang sa kanilang magbabarkada na sumira sa ‘kin 10 years ago. Humingi na siya ng tawad sa ‘kin at talagang nagsisi na siya sa mga nagawa nilang masama sa ‘kin, kaya napatawad ko na siya, actually friends na nga kami ngayon ehh hihi.
At tungkol naman sa pagsisinungaling sa ‘kin ni Tinik, at sa pang-iiwan niya sa ‘kin, naipaliwanag niya na sa ‘kin ang lahat. Humingi na rin siya ng tawad at nagtapat pa ng tunay niyang nararamdaman para sa ‘kin. Yiieehh super saya ko talaga haha!
Pero hindi pa rin talaga mawawala ang mga taong bubuyog na nagbubulungan sa tuwing makikita ako, ‘yung mga bulong na hindi ko alam kung bakit natawag na bulong ehh naririnig ko naman tss. But just like Mianna’s always said. “Never mind!”
“Mag-iingat kayo, 10 pm only okay,” nakangiting paalala ni Papa habang hinahatid nila kami palabas ng bahay.
“Papa naman, hindi na ‘ko bata,” pagmamaktol ko. Gusto kong makasama ng matagal si Tinik ehh, gusto ko pa naman sana siyang ayaing matulog sa bahay niya yieehh hihih.
“But you act like a kid Eyah, mas matured pa ngang mag-isip sa ‘yo si Nia ehh, ikaw talaga ang bunso sa bahay na ‘to hahaha!” pang-aasar ni Mianna na malakas pang humalakhak, kaya sarkastiko nalang rin akong tumawa tss.
BINABASA MO ANG
I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]
Misterio / Suspenso[COMPLETED] Eyah, isang pangalan na naging usapin sa buong lungsod ng Emerral. Pangalan na inalipusta ng karamihan. Pangalan na kinamuhian. At pangalan na kinatakutan ng lahat. "I Want To Be A Serial Killer" Written by: Ivy Loud ••• Highest rank ach...