I want to be a Serial Killer
CHAPTER 7“Kamusta ka na?” panimula niya nang makarating kami sa opisina niya.
Mapait akong napangisi. This is a familiar scene ahh, a very familiar scene tss.
“I’m always fine… Mr. Nemenzo,” nakangisi kong sagot sa kanya, pero as usual hindi manlang nagbago ang reaksiyon niya, nanatili lang siyang seryosong nakatingin sa ‘kin. Hindi manlang pinansin ang hindi ko pagtawag sa kanya ng Papa, sabagay wala naman talaga siyang pakialam ehh, ano pa ba’ng aasahan ko? Pinabayaan niya nga ‘ko ehh tss.
“Ang tagal mong nawala, 5 years? Sa loob ng limang taon ano’ng ginawa mo? Saan ka nagpunta?” seryosong tanong niya, hindi nababakasan ng lungkot o pag-aalala. As usual.
“Ano naman sa ‘yo kung nawala ako? May pakialam ka ba? ‘Di ba wala naman, kahit nga ata mamatay ako hindi ka manlang iiyak ehh. Pero ‘wag kang mag-alala, naging maayos ako sa loob ng limang taon, kita mo naman nakatungtong pa rin ako ng college despite of everything.”
“Kita ko nga, kaya nga hindi na kita pinakialaman pa, dahil alam kong kaya mo naman nang mabuhay mag-isa, hindi mo na kailangan ng tulong mula sa ‘kin, hindi mo na kailangan ng ama.” Mapait akong napangisi dahil sa sinabi niya. Sanay na ‘ko, mula pa nuon ay ganyan na siya, silang dalawa ni Mama, mga walang kwentang magulang!
“Oo naman, hindi kita kailangan, kaya kong buhayin ang sarili ko nang hindi humihingi ng tulong mula kanino, kaya kung mamarapatin mo, kailangan ko nang umuwi.”
Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo sa upuang nasa harap lang ng mesa niya nang muli siyang magsalita na ikinatigil ko.
“I want you to stay here,” deretsong saad niya, gamit ang nag-uutos na tono, just like before.
“What?”
“Live with us, hindi ko alam kung ano’ng ginawa mo kay Mianna at concern na concern siya sa ‘yo, she want you to live with us, and even my wife is forcing me to take you. So I’m asking you to live here, with us.” Wow. Tinignan ko siya at sarkastikong nginisian.
“Thanks, but no thanks,” sagot ko, saka na siya tinalikuran at mabilis na nilisan ang opisina niya, at ang bahay niya.
Mianna’s POV
Habang nakahiga sa kama ko, nakatitig sa kisame at naghihintay na may maligaw na butiki, hindi mawala sina Papa at Eyah sa isip ko. Ano na kaya’ng nangyari sa pag-uusap nila? Nagkaayos na kaya sila? Dito na rin kaya titira si Eyah? Makakasama na rin kaya namin siya? I want to know! Parang gusto kong sumilip sa opisina ni Papa at makinig sa usapan nila, pero dahil may respeto naman ako sa privacy nila…
“I want you to stay here.”
“What?”
“Live with us, hindi ko alam kung ano’ng ginawa mo kay Mianna at concern na concern siya sa ‘yo, she want you to live with us, and even my wife is forcing me to take you. So I’m asking you to live here, with us.”
“Thanks, but no thanks.”
Nang makita kong palabas na si Eyah, mabilis akong tumakbo papasok sa katabing kwarto ng opisina ni Papa, na siyang kwarto nila ni Mama.
What the hell Papa! Sa sinabi niya sa tingin niya papayag si Eyah na tumira dito? Sigurado akong nasaktan si Eyah.
Sumilip ako sa pinto para tignan kung nakaalis na ba si Eyah. Pero nakita ko siyang nakatayo patalikod sa pinto ng opisina ni Papa, habang pinupunasan ang muka niya, saka siya mabilis na naglakad paalis.
BINABASA MO ANG
I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]
Misteri / Thriller[COMPLETED] Eyah, isang pangalan na naging usapin sa buong lungsod ng Emerral. Pangalan na inalipusta ng karamihan. Pangalan na kinamuhian. At pangalan na kinatakutan ng lahat. "I Want To Be A Serial Killer" Written by: Ivy Loud ••• Highest rank ach...