KILLER 11

193 8 0
                                    

I Want to be a Serial Killer
CHAPTER 11

Nagising ako na nakagapos sa isang upuan at may piring sa mga mata. Ilang beses na ba ‘kong nawalan ng malay sa araw na ‘to? Tss.

Medyo nakakaramdam pa ‘ko ng pagkahilo pero pinilit kong magpumilas mula sa pagkakagapos ko, pero sobrang higpit nito kaya napasigaw nalang ako dahil sa inis.

Ano nanaman ba ‘to? Aahhggrr!

“Eyah kailangan mong tumakas, iligatas mo ‘ko.”

“’Wag kang mag-alala Yya, ililigtas kita, babawiin kita sa kanila, ‘wag kang matakot gagawa ako ng paraan para makatakas dito.”

“Bilisan mo Eyah, patayin mo silang lahat.”

“Oo papatayin ko silang lahat, magbabayad silang mga hayop sila!”

Muli akong nagpumiglas, hindi ako tumagil hanggat hindi lumuluwag ang pagkakagapos sa ‘kin, pero napadaing nalang ako nang tumumba ang umupuang kinauupuan ko.

“Aahhhggrrr! Pakawalan niyo ko dito!!!” sigaw ko saka nagpatuloy sa nagpupumiglas.

“Kahit ano’ng gawin mong pagpupumiglas diyan hindi ka makakawala.” Napatigil ako nang marinig ang napakapamilyar na boses na ‘yun. Naramdaman ko ang pagbuhat niya sa ‘kin para maiupo ng maayos.

“I-ikaw…”

“Yes ako nga Eyah, nagulat ka ba? Hindi ko akalaing makikilala mo pa ang boses ko.” Saka siya tipid na tumawa.

“Pakawalan mo ‘ko dito, ano ba’ng kailangan mo sa ‘kin? At saka si Yya, nasa’n si Yya?”

“’Wag kang mag-alala sa manika mo, ligtas siya, pero ibabalik ko lang siya sa ‘yo kapag naging good girl ka.” Naramdaman ko ang paggulo niya sa buhok ko, kaya mabilis kong iniiwas ang ulo ko para maalis ang kamay niya.

“Ibalik mo sa ‘kin si Yya! Ibalik mo siya!” sigaw ko sa kanya.

“Sshhh mababalik rin sa ‘yo si Yya, ‘wag kang mainip, hintayin lang natin siya,” sagot niya na nagpakunot sa nuo. Siya? Sinong siya?


Mianna’s POV

“What the hell! Ano’ng nangyari dito?” bulalas ko nang makarating kami sa police station kung sa’n sinasabing dinala si Eyah. Ang hayop na Eyah na ‘yun! Kinampihan ko siya, pinagtanggol tapos ganito lang ang igaganti niya sa ‘kin? Hayop siya magbabayad siya!

“Hindi rin namin alam, basta pagdating namin kanina nasusunog na ang buong post,” sagot ni Jerrie, kaya agad na nangunot ang nuo ko.

“Ehh nasa’n si Eyah?” Don’t tell me na nakatakas siya?

“’Yun na nga ang problema kaya mas nagkakagulo ang lahat… nakatakas si Eyah,” sagot ni Cherrie na mas lalong nagpangitngit sa ‘kin sa galit.

“Fucking dumbass!” sigaw ko, saka marahas na sinipa ang maliit na bato sa paanan ko.

“But you don’t have to worry Mia, pinaghahanap na siya ng mga pulis, siguradong hindi pa ‘yun nakakalabas ng Emerral, at lahat ng pwede niyang daanan palabas ng lungsod na ‘to’y may mga nakaabang nang pulis, wala na siyang takas kaya don’t worry okay,” pagpapakalma sa ‘kin ni Cherrie, pero hinding-hindi ako makakalma hanggat hindi nahuhuli ang hayop na ‘yun! Kailangan niyang magbayad!

“Oh nasa’n sina Yesha at George?” biglang tanong Kubby, dahilan para hanapin rin ng mga mata ko ang dalawa. Yeah, nasa’n ang dalawang ‘yun?

“Si George nagpaiwan du’n sa burol dahil busy sa pag-aasikaso sa mga taong nakikiramay, si Yesha naman umalis kanina, hindi namin alam kung sa’n pumunta,” si Jerrie ang sumagot. Fuck those two idiot! Dapat nandito sila ngayon, ang taong pumatay kay Wayne ang pinag-uusapan dito! Kingina!

“Siguro bumalik nalang muna tayo sa chapel, maghintay nalang tayo sa balita,” saad ni Jerrie, kaya napairap nalang ako’t tumalikod na sa kanila para umalis. Hindi pwedeng maghintay nalang ako, gusto kong ako ang makahanap sa hayop na baliw na ‘yun! Dahil wala na ‘kong planong paabutin pa siya sa presinto!

“Where’re you going Mia?” tanong ni Cherrie na nagpahinto sa ‘kin pero hindi ko na sila nilingon.

“I’ll go find that bitch myself,” walang gana kong sagot at magpapatuloy na sana sa paglalakad pero bigla akong nakaramdam ng pagyakap mula sa likod ko.

“Sumama ka nalang sa ‘min Mia, hayaan mo nalang ang mga pulis na humuli sa kanya, ayaw naming mapahamak ka, tama na’ng may nawala nang isa, hindi ko na kakayanin ‘pag may mawala pa ulit.” Naramdaman kong may nababasa sa likurang bahagi ng kanang balikat ko. Such a cry baby tss.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa ‘kin saka siya hinarap at hinawakan sa magkabilang pisngi.

“Wala nang mawawala sa ‘tin Kubby, hindi ko na hahayaang may mabawas pa sa ‘tin,” seryosong sagot ko, saka ko siya niyakap at sinabayan sa pag-iyak. Nakita kong pumapunas na rin sa muka ang kambal kaya agad ko silang sinenyasan na yumakap rin sa ‘kin, dahilan para agad silang tumakbo payakap sa ‘min.

Parang pamilya na rin ang turing ko sa mga kaibigan ko, kaya handa kong gawin ang lahat maprotektahan lang sila, kahit pa ang dungisan ang sarili kong mga kamay.







“Cherrie!” Nangunot ang nuo ko nang bigla nalang may lumapit sa ‘ming babae at niyakap si Cherrie, at umiiyak na yumakap naman pabalik sa kanya ang isa, sa likod naman ng babaeng ‘yun ay may dalawa pang lalake na hindi ko rin kilala. Sino ‘tong mga ‘to?

“Bro.” Nagtapikan naman si Jerrie at saka ‘yung dalawang lalake.

“Ashley!” sigaw ni Kubby, dahilan para mapatingin sa kanya ang babae.

“Ohh Baby Kubby.” Saka lumapit kay Kubby at yumakap din dito.

“Buti nakarating kayo? Akala ko kinalimutan niyo na kami ehh,” sambit ni Jerrie sa tatlo.

“Kayo makakalimutan? Never no, mas gusto ko pang kalimutan ang pamilya ko ke’sa sa inyo,” sagot naman nung babae na tinawag na Ashley ni Kubby, saka naman yumakap kay Jerrie.

“Tumawag sa ‘min si George at ibinalita ang nangyari, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Wayne, parang ang bilis naman ng pangyayari,” malungkot na saad ng isa sa mga lalake.

“Parang kailan lang na nakapag-usap kami sa phone, gusto pa ngang magplano ng reunion ehh, tapos sa ganito lang pala mauuwi ang plano niya, ganitong reunion pala ang mangyayari,” bakas rin ang lungkot sa boses na saad ng isang pang lalake.

Wala ba silang balak na ipakilala sa ‘kin ‘tong mga ‘to? Tss.

“Sira ulong Wayne ‘yun, nangako siya sa ‘kin na papakasalan niya ‘ko kapag nagawa kong maka-graduate tapos ganito lang ang mangyayari,” hagulgol nu’ng babae kaya agad na napataas ang kilay ko. Kasal? Napansin ata ni Cherrie ang naging reaksiyon ko kaya agad na siyang nagsalita.

“By the way Mia, this our friends, Ashley, Jerald, and Anton, and guys this is Mianna-“

“Wayne’s girlfriend,” putol ko sa kanya habang matalim na nakatingin sa babaeng pinangakuan daw ng kasal ni Wayne tss. Napataas ang kilay niya kaya mas tinaasan ko rin siya ng kilay. Tignan natin kung sino’ng mas maldita sa ‘ting dalawa.

“Wayne’s girlfriend?”

“Yes, kaya kung nabubuhay man siya hindi rin matutuloy ang pinangako niya sa ‘yo,” sagot ko sa kanya, saka na naglakad papasok sa kapilya at sinadya ko pa siyang banggain. Ang lakas ng loob niya para sabihin sa harap ko ‘yun. Bitch! Tss.

TBC

I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon