KILLER 16

194 7 3
                                    

I Want to be a Serial Killer
CHAPTER 16

(A day before the burial.)

Nagpanggap akong tulog nang marinig ang pagbukas ng pinto. Pinakinggan ko ang bawat yapak niya at pinakiramdaman ko ang bawat galaw niya.

Ilang araw na ‘kong nananatili sa magandang kwartong ito, at kilala ko na ang taong kumuha sa ‘kin at nagkulong dito. Ang traydor na Kubby na ‘yon, akalain mo ‘yun nagawang traydorin ang mga kaibigan para lang ipaghiganti ako. Isa siyang malaking hangal!

Akala niya ba natutuwa ako sa ginawa niya? Siya pala ang hayop na pakialamerong nangingialam sa mga plano ko. Gustong-gusto ko nang maging isang serial killer pero nang dahil sa kanya kahit isa wala pa ‘kong napapatay! Gusto ko nang maranasang mabahiran ng dugo ang mga kamay ko. Gusto ko nang sumikat sa buong lungsod ng Emerral bilang isang Notorious Serial Killer, at mabansagan ng “Eyah The Doll Killer” o kaya “The Doll Murderer” or “Eyah and Yya The Sister Killer”, marami pa ‘kong ibang naiisip na pwedeng ibansag sa ‘kin bilang isang sikat na serial killer, pero hindi ko ‘yun matupad nang dahil sa bwisit na Kubby na ‘yun!

Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kamang kinahihigaan ko, kaya mas pinag-igi ko pa ang pagpapanggap na tulog.

“You’re safe now Eyah, hindi ka na nila masasaktan pa.”

Muntik ko nang maimulat ang mga mata ko nang marinig ang boses niyang napaka-pamilyar.

Paano? Patay na siya…

“’Wag mo nang isipin ang binabalak mong paghihiganti, kami na’ng bahala ni Kubby sa lahat,” muli ay saad niya, saka ko naramdaman ang paghaplos niya sa muka ko, kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magmulat at matalim siyang tignan.

“Nakita ko, nakita mismo ng dalawang mga mata ko ang pagkamatay mo. Paanong buhay ka?” Pero imbis na sagutin, ngumiti lang siya’t dumukwang para halikan ako sa nuo, pero agad akong tumayo at lumayo sa kanya.

“Baliw ka ba? ‘Di ba ikaw ‘yung boyfriend ni Mianna na dapat ngayo’y inuuod na sa ilalim ng lupa? Ano’ng ginagawa mo ngayon dito sa harap ko’t buhay na buhay?” seryosong tanong ko sa kanya habang binibigyan siya ng isang matalim na tingin. Isa ring traydor. Pinagplanuhan nila ‘to ni Kubby.

Bumuntong hininga siya’t naglakad palapit sa ‘kin, pero mabilis akong umatras palayo, pero nang makita kong pader na ang nasa likod ko, mabilis akong lumiko at lumipat sa kabilang parte ng kwarto. Akala niya ahh, hindi ako magpapa-corner sa kanya hah!

“Kill him, Eyah. Patayin mo siya.”

Hindi ko muna pinansin si Yya dahil hinihintay ko pa ang isasagot ng lalaking walking dead na ‘to.

“Yes, ang pagkamatay ko ay isa lang malaking palabas. ‘Yung nakita mong lalaki sa playground? ‘Yung pinana na kamukang-kamuka ko, hindi ako ‘yun. ‘Yun ‘yung kakambal kong patay na patay kay Mianna. Sa tingin mo ba magagawa kong magtaksil sa ‘yo at makipag-relasyon sa Mianna na ‘yun tss. Sa ‘yo lang ako Eyah, sa ‘yong-sa ‘yo lang ako,” sagot niya saka humalakhak na parang tuwang-tuwa sa ginawa. Ayaw ko mang aminin pero ang cool ng ginawa nila. Pero bwisit pa rin sila dahil sa pangingialam sa ‘kin!

“Pinatay mo ang sarili mong kakambal? You’re a real crazy,” nakangisi kong sambit, kaya huminto siya sa paghalakhak, saka ako matamis na nginitian.

“Gago siya ehh, hadlang siya sa mga plano ko dahil sa letseng pagmamahal niya sa babaeng ‘yun, kaya mas mabuting burahin na siya sa mundong ‘to, tutal wala namang nakakaalam sa existence niya, ultimo nga si Dad hindi alam na may kambal ako. Sira ulo kasi ang nanay ko, mamamatay nalang hindi pa ipinagtapat na may kakambal ako na nawawala, kung hindi pa ‘ko nilapitan ni Owen hindi ko pa malalaman tss.”

“Alam mo naman na ahh, bakit isinikreto niyo pa ang existence niya?” tanong ko saka unti-unting lumapit sa kanya. Naalala ko ang palaging naririnig ko sa mga movie nuon, make your friends close and enemies closer. Bakit hindi natin subukang sakyan ang mga trip niya, malay mo may magamit ako sa kadaldalan niya laban sa kanya.

“Dahil ‘yun ang gusto ko, ako lang ang nag-iisang prinsipe ng pamilya ko, ako lang ang nag-iisang tagapagmana, kapag namatay na ang tatay ko mapupunta na sa ‘kin ang lahat ng ari-arian namin, kaya bakit ko siya ilalabas?” nakangising sagot niya, saka ako hinawakan sa pisngi, kaya nginisian ko rin siya.

“Buti naman pumayag siya na itago siya, ipinagkakait mo sa kanya ang karapatan niya.”

“Umpisa palang wala na siyang karapatan, ako ang naghirap para makuha ang expectation ng mga magulang ko, kaya ako lang ang nag-iisang may karapatan sa lahat, at saka madali lang patahimikin ang gagong Owen na ‘yun, binanggit ko lang si Mianna tumikom na ang bibig.”

“Pa’no ‘yun? Nagpanggap siya na ikaw all this time? At wala manlang nakapansin?” muli ay tanong ko, pero muli lang siyang ngumisi at marahang naglakad patungo sa likod ko, kasunod nun ay nardaman ko ang mga braso niyang yumakap sa ‘kin mula sa likod.

“Ang tagal kong hinintay ang araw na ‘to, ang mayakap ka ng ganito kahigpit.” Kumalas siya at saka ako hinarap sa kanya, at kasunod nun ay naramdaman ko ang paghalik niya sa nuo ko. “At mahalikan ka ng ganito.” Muli niya sanang ilalapit ang muka niya sa muka ko para halikan naman ako sa labi, pero agad na ‘kong umatras palayo sa kanya.

“Pwede bang pakawalan mo na ‘ko dito? Gustong-gusto ko nang makalabas sa kwartong ‘to,” pagpapaawa ko sa kanya, talagang pinalungkot ko pa ang boses ko para effective.

“No Sweetheart, hindi ka pwedeng lumabas dito, mas ligtas ka sa loob ng kwartong ‘to, hayaan mo na muna kaming tapusin ang mga taong nananakit sa ‘yo, after that you can walk freely outside this house, maghintay ka nalang muna dito huh,” malambing niyang sagot, saka ako muling hinalikan sa nuo. Pinigilan ko ang sarili kong magwala hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Hayop!

“Kailangan mo nang makatakas dito Eyah, patayin mo siya, patayin mo silang lahat.”

“Don’t worry Yya, dahil talagang gagawin ko ‘yan. Uubusin ko silang lahat!”

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto nang marinig na parang may nagsasalita sa labas. Unti-unti kong itinapat ang tenga ko sa pinto para pakinggang ang pinag-uusapan ng tao sa labas.

“Wala nang atrasan ‘to Kubby, after the interment of Owen, dalhin mo agad sila sa lumang warehouse, du’n na natin tatapusin ang lahat.”

“Noted, pero pa’no ang papa ni Eyah?”

“Ako na’ng bahala sa gagong ‘yun, sisingilin ko siya ng malaki sa ginawa niyang pagaabandona kay Eyah.”

Mahigpit kong naikuyom ang mga kamao ko dahil sa narinig. Lumang warehouse? Du’n ba sa lugar kung sa’n niyo ko binaboy?

Malawak akong napangisi. Mukang magkakaro’n ng massacre sa lugar na ‘yun. Kailangan ko na talagang makalabas dito bago pa dumating ang araw na ‘yun. Gusto kong sumali sa kanila hihi.

TBC

I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon