KILLER 14

210 8 0
                                    

I Want to be a Serial Killer
CHAPTER 14

“Siya. Ang Kuya Thorn ko,” sagot ni Kubby habang nakatingin sa direksiyon ng lalakeng basta nalang pumasok ng kwarto ko. Tama siya nga ang nakatatandang kapatid ni Kubby, na-meet ko na siya nang minsan kaming pumunta sa bahay nila.

“Hi, Mianna,” nakangisi niyang bati sa ‘kin. Hindi ko gusto ang paraan ng pagkakangisi niya sa ‘kin, pero dahil kapatid siya ni Kubby, bahagya ko nalang siyang tinanguan at muling binalingan si Kubby.

“Kubby sabihin mo sa ‘kin, nasaan si Eyah? Saan niyo dinala si Eyah?” seryosong tanong ko sa kanya, pero agad na napakunot ang nuo ko nang marahan siyang umiling.

“Hindi na muna sa ngayon Mia, hindi ko muna pwedeng sabihin ngayon,” mahinang sagot niya na lalong nagpakunot sa nuo ko.

“Why? Kingina Kubby bakit hindi pwede? Kating-kati na ang mga kamay kong pagbayarin ang babaeng ‘yun! Bakit ba ayaw mo pang sabihin sa ‘kin kung sa’n niyo siya dinala?” mababakas sa boses ko ang panggigigil na mapatay ang hayop na ‘yun.

“Gusto ko munang tapusin ang burol ni Wayne, gusto ko munang manatili tayo sa tabi niya hanggang sa huli niyang hantungan. Pinapangako ko sa ‘yo Mia, pagkatapos na pagkatapos ng libing dadalhin kita kay Eyah, at ikaw mismo ang maniningil sa kanya, gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin sa kanya, pahirapan mo siya ng husto kung gusto mo, pero sa ngayon, manatili nalang muna tayo sa tabi ni Wayne, kaya please samahan mo kami sa Chapel, sigurado akong gusto ni Wayne na nandu’n ka,” malumanay niyang sagot, saka marahang hinaplos ang muka ko at pinunasan ang mga luhang muli nanamang nagsitulo mula sa mga mata ko.

“Kahit sa huling mga sandali, gusto kong maging buo tayo Mia, masakit man pero kailangan nating tanggapin para kay Wayne, sigurado akong ayaw niyang nakikitang nagkakaganito tayo, lalo ka na, sigurado akong nasasaktan siya na nagkakaganyan ka, kaya tahan na ahh, puntahan na natin siya, hinihintay ka niya,” dagdag niya, saka ako niyakap, kaya napayakap nalang rin ako sa kanya pabalik at humagulgol sa balikat niya.

Pinapangako ko sa ‘yo, makakamit mo ang hustisyang nararapat lang para sa ‘yo, magbabayad ng malaki ang Eyah na ‘yun, sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang ginawa niya sa ‘yo. Mahal na mahal kita Wayne.


Third Person’s POV

Sa isang madilim na silid, kung sa’n naroroon ang nakagapos pa ring si Eyah na patuloy pa rin sa pagsigaw at pagpupumiglas.

Dahan-dahang pumasok ang isang taong naka-hood at natatakpan ang muka ng isang kulay pilak na maskara.

Tumigil si Eyah sa pagsigaw at pagpupumiglas nang marinig ang mabagal na yabag papalapit sa kanya.

“Sino ‘yan?” galit niyang tanong, pero hindi siya nakatanggap ng tugon kaya muli siyang nagpumiglas, nagbabakasakaling magkaron ng himala at makatakas siya.

“Ssshhh… Eyah. Eyah. Eyah.” Mahinang usal ng taong naka-hood, at saka pumwesto sa likuran ni Eyah na wala pa ring pagod sa pagpupumiglas at pagsigaw. Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga nito at saka marahang bumulong.

“Sshhh, ‘wag kang mag-alala, iaalis na kita sa lugar na ‘to, makakasama mo na si Yya.” Saka niya itinurok ang isang syringe sa leeg ng dalaga, dahilan para biglang matigilan si Eyah at makaramdam ng panghihina.

“Hayop, ‘wag mong sabihing mawawalan nanaman ako ng malay,” mahinang usal ni Eyah habang unti-unti nang sumasara ang talukap ng kanyang mga mata.

Tinanggal ng taong naka-hood ang pagkakagapos ni Eyah, at saka niya ito pinangko at nilisan ang madilim na silid. Nilibot niya ang paningin sa paligid at saka tipid na napangisi nang wala manlang makitang kahit isang tao.

I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon