KILLER 24

195 7 1
                                    

I Want to be a Serial Killer
CHAPTER 24

(This would be the last chapter.)


Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, at paglabas ko sa pinagtataguan namin ay nabungaran ko ang nagwawalang si Eyah na parang nasisiraan na ng bait, at ang katawan ni Wayne na ngayo’y wala nang buhay.

Hanggang ngayo’y nangingig pa rin ang mga kamay ko at sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Ito ang pinaka-unang beses na ginawa kong target ang isang tao, ito ang unang beses na nakapatay ako ng tao.

Owen… patawarin mo ‘ko sa ginawa ko sa kakambal mo, ginawa ko ‘to para sa ‘yo, at para matapos na rin ang lahat ng ‘to.

Naramdaman ko ang paglapit sa ‘kin ni Yesha, inakbayan niya ‘ko at saka tinapik-tapik sa balikat.

“Tapos na,” nakangiti niyang saad, kaya tipid nalang rin akong ngumiti sa kanya.

Sabay naming nilingon ang kinaroroonan ni Eyah na hanggang ngayo’y nagwawala pa rin habang sinasabunutan ang sarili, habang si Thorn nama’y hindi na magkandaugaga sa pag-awat sa kanya habang may kinukuha na kung ano sa bulsa ng jacket niya.

“Tama na! Tama na! Tama na!!! Tumahimik ka!!!” sigaw ni Eyah habang pinupukpok ang sariling ulo, kaya mabilis na kaming lumapit ni Yesha para tulungan si Thorn.

“Eyah kumalma ka!” sigaw ko sa kanya habang hawak siya sa braso, pero lalo lang siyang nagpumiglas, kaya dalawa na kami ni Yesha ang humawak sa kanya.

“Bitawan niyo ‘ko mga hayop!!!” sigaw niya pero napatigil siya matapos turukan ni Thorn ng dala niyang syringe. Hindi ko alam kung bakit may dala siyang ganu’n pero never mind.

Mabilis namang sinalo at binuhat ni Thorn si Eyah na ngayo’y wala nang malay, at saka na namin mabilis na nilisan ang lugar na ‘yun. Ang sabi ni Thorn parating na ang mga pulis, kaya nang makabalik kami sa lumang ware house, nandu’n na sila’t nakaabang na sa ‘min.

Dinala nila kami sa hospital para mapatignan kung may mga pinsala ba kaming natamo, at pagkatapos nu’y du’n na sila nagtanong sa ‘min tungkol sa mga nangyari. Sinabi namin ang lahat, wala kaming pinalampas na katotohanan, kahit ang nangyari kay Eyah 5 years ago ay kinwento ni Yesha. Nu’ng una nagulat ako nang isiwalat niya ang mga ginawa nila, pero kalauna’y napangiti nalang ako dahil sa ipinakita niyang tapang.

I’m so proud of you Yesha, kahit na bitch ka may puso ka pa rin naman pala.

Sinundo ako ng nag-aalalang sina Mama at Papa, kaya pati sa kanila ay kinwento ko ang lahat, pati ang mga nangyari kay Eyah, at sobrang pagsisisi ni Papa dahil daw sa pagiging pabaya niyang ama, sinisisi niya ang sarili sa mga nangyari kay Eyah. Ngayon ko lang nakita si Papa na maging ganito ka-emosyonal kaya natutuwa ako, dahil akala ko wala na talaga siyang pakialam para kay Eyah, masaya akong malaman na may pakialam pa pala siya para sa tunay niyang anak.

Sabay-sabay naming pinuntahan si Eyah sa kwarto niya, nakaposas ang isang kamay niya sa kama at wala pa rin siyang malay.

Sa mata ng batas ay isa pa ring kriminal si Eyah, kahit na isiniwalat na namin ang lahat ng katotohanan. Medyo mahaba-habang proseso pa ang pagdadaanan niya bago malinis ang pangalan niya, nahihirapan kaming linisin ang pangalan niya dahil ayon kay Detective Blaza, si Eyah mismo ang umamin na siya ang gumawa ng krimen, pero ang sabi ni Detective kapag napatunayan daw ang sakit ni Eyah, mas mapapadali ang proseso, kaya hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ‘ko na may sakit siya sa utak o hindi tss.

Dinala si Eyah sa isang Psychiatrist, sumailalim siya sa pagsusuri, at du’n nga napatunayan ang diagnosis ni Thorn, me’ron ngang schizophrenia si Eyah. Ang sabi ng doctor ay may naririnig daw si Eyah na boses at nag-uutos sa kanyang maghiganti at pumatay, at dahil daw ang manika lang nito ang kinalakihang kasama at iniisip na tangi niyang kaibigan, agad na binuo ng isip nito na si Yya ang naririnig niyang nagsasalita.

I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon