KILLER 8

226 12 0
                                    

I want to be a Serial Killer
CHAPTER 8

Wala silang mga kwenta! Pare-pareho lang silang lahat! Si Yya lang talaga ang nag-iisang kakampi’ng me’ron ako.

“Gusto niya ‘kong patirahin sa bahay niya dahil lang sa gusto ng bago niyang pamilya? Tss.” Muli ay mapait akong ngumisi, at saka muling pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Nakakainis, bakit ba naluluha ako?

“Pagkakataon mo na ‘to Eyah, tumira ka sa bahay nila, patayin mo silang lahat hihi.”

Papatayin ko silang lahat… tama papatayin ko silang lahat! Parang biglang nawala ang hindi maipaliwanag na sama ng loob ko nang marinig ang sinabi ni Yya, malapad akong napangisi at mabagal na tumango.

“You’re right Yya, papatayin ko silang lahat, papatayin ko silang lahat, papatayin ko silang lahat!” nakangisi kong saad ng paulit-ulit, palakas nang palakas, hangang sa sinundan na ng malakas na halakhak.







Naghahanda na ‘ko para sa pagtulog nang bigla akong makatanggap ng mensahe galing sa isang hindi kilalang numero.


09*********:
11:30 @ old playground.


Agad na nangunot ang nuo ko sa nabasang mensahe.

“I think something will happen,” nakangisi kong saad, saka tinignan si Yya na nakahiga sa tabi ko.

Iisa lang naman ang lumang playground dito sa Emerral, kaya agad ko itong pinuntahan sa nakasaad na oras, at hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko.

Nanggaling ang palaso sa masukal na bahagi ng playground, na nasa bandang likuran ni Mianna.

Ang taong ‘yun, siya ang nangialam sa dapat ay unang biktima ko. Pero hindi ko pa naman planong patayin si Wayne, sa katunayan niyan ay gusto ko sana siyang ihuli, silang dalawa ni Mianna.

Ano’ng plano mo? Parang na-e-excite tuloy akong makilala ka… at siyempre patayin ka hihi.


Mianna’s POV

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, at bumungad sa ‘kin ang maputing kisame at nakakasilaw na liwanag.

Ang sakit ng ulo ko…

“Mia!”

“Guys gising na si Mia!”

“Mia okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?”

“Naririnig mo ba kami?”

Nilibot ko ang paningin ko, saka ko nakita ang nag-aalalang muka ng mga kaibigan ko na nakapalibot sa ‘kin, at lahat sila ay namumugto ang mga mata.

“Na-nasa’n ako?” tanong ko sa kanila, at kahit na medyo nahihilo ay pinilit kong tumayo, kaya agad akong inalalayan ni Jerrie.

“Nasa hospital ka Mia, ayos lang ba ang pakiramdam mo?” sagot at tanong ni Yesha.

Bakit puro mapupula ang mga mata nila na parang galing sa pag-iyak? Even George na never ko pang nakitang umiyak ay namumula rin ang mga mata.

“Ba’t ganyan ang mga mata niyo? Nag-group weep ba kayo?” pagbibiro ko pa sa kanila, pero agad na nawala ang ngisi ko nang seryoso silang nagkatinginan.

Bakit pakiramdam ko may hindi magandang nangyari? At saka lang nanumbalik sa ala-ala ko mga nangyari bago ako napunta sa kalagayan ko ngayon.

Si Wayne…

“Gu-Guys, Si Wayne? Nasa’n si Wayne?” tanong ko sa kanila.

“Mia…” Kubby.

“Nasa’n si Wayne?” pag-uulit ko sa tanong ko, pero muli lang silang nagkatinginan. Bigla akong sinalakay ng kaba dahil sa ipinapakita nilang reaksiyon. Kaya agad akong tumayo paalis sa kamang kinalalagyan ko, hindi alintana ang hilong nararamdaman ko.

“Mia huminahon ka,” pagpigil sa ‘kin ni Yesha habang hawak ako sa braso.

“Ayaw niyo ‘kong sagutin kung nasa’n si Wayne, kaya ako na’ng hahanap sa kanya!” Saka ko pabalyang tinanggal ang kamay niya sa braso ko at akma nang lalakad papunta sa pinto nang harangin ako ni George.

“Ihahatid na kita kay Wayne,” seryoso niyang saad, kaya agad akong napangiti at tumango sa kanya.

Nakasunod lang ako sa likuran ni George habang naglalakad kami papunta sa kwarto ni Wayne, at nakasunod naman sa likuran ko sila Yesha.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, alam kong may mali, pero ayo’kong mag-isip ng masama.

Pero mas lalo pang bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makita ang tinatahak naming kwarto.

“N-no…” mahinang usal ko, saka sunod-sunod na nagsitulo ang mga butil ng luha mula sa mga mata ko.

Tinignan ko ang nakayuko nang si George, pati sila Yesha na nagsisimula nanamang lumuha.

“A-anong ginagawa natin dito sa morgue?” maang-maangan kong tanong. Ayo’kong paniwalaan ang iniisip ko ngayon, hindi maaari.

“Nandito si Wayne, he’s inside, Mia,” umiiyak na sagot ni Cherrie, kaya pagak akong tumawa.

“Ano nama’ng gagawin ni Wayne sa loob ng morgue? Balak niyo ba ‘kong i-prank?” natatawa kong tanong, pero patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

“Stop being in denial Mianna, alam naming alam mo na ang dahilan kung bakit nandiyan sa loob si Wayne, ‘wag ka nang magtanga-tangahan!” may mataas na boses na bulalas ni George, kaya natulala ako sa kanya.

“Ano ba George! Hindi mo kailangang pagtaasan ng boses si Mia!” galit na bulalas ni Jerrie, saka lumapit sa ‘kin at inilayo kay George.

“Pero kailangan niya nang tanggapin ang nangyari! Wala na si Wayne, patay na siya at hindi na siya babalik!” sagot ni George, saka ito tumalikod sa ‘min habang umiiyak. Lahat sila ay humahagulgol na sa iyak, maliban sa ‘kin na nakatulala lang habang nakatitig sa pinto ng morgue.

Hindi ko na sila hinintay pa at dere-deretso kong pinasok ang morgue, narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin pero hindi ko na pinansin pa.

Lahat ng mesang madaanan ko’y pinagtatanggal ko ang nakatakip na puting kumot, hanggang sa marinig ko ang pagtawag sa ‘kin ni Kubby.

“Nandito siya, Mia.”

Mabilis akong lumapit sa kanya at agad na tinanggal ang puting tela na nakatakip sa katawan niya.

Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko nang makita ang pagmumuka ng nag-iisang lalaking minamahal ko.

“We-Wayne…” Saka ko marahang hinaplos ang muka niya. Nakita ko ang isang sugat sa gitna mismo ng nuo niya, saka ko naalala ang bagay na nakatusok sa nuo niya habang nakahiga sa malamig na semento, at ang bagay na mabilis na dumaan sa gilid ko.

Sino ang hayop na gumawa nito? Sino ang hayop na gumawa sa ‘yo nito Wayne?

“Babe ko…” mahinang usal ko habang marahan pa ring hinahaplos ang pisngi niya. Pinilit kong ngumiti kahit na patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko, saka ko siya mahigpit na niyakap, at dun hindi ko na napigilan pa ang paghagulgol ko.

TBC

I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon