I Want to be a Serial Killer
CHAPTER 13“That Eyah girl, super nakakairita talaga ang pagmumuka niya, bakit ba kasi pumapasok pa ‘yang baliw na ‘yan? Tss,” inis na bulalas ni Ashley nang makita naming dumaan si Eyah sa gilid namin, sa tingin ko nga’y sinadya niya pang iparinig ‘yun kay Eyah, pero gaya ng laging ginagawa ni Eyah, hindi nalang niya pinansin, kaya lihim nalang akong napangiti.
Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw ng mga tao si Eyah, sinasabihan siyang baliw kahit wala naman siyang ginagawang masama, masama na ba ang pagkausap sa manika niya? Ibig sabihin ba nu’n baliw na rin ako kasi kinakausap ko ‘yung poster ng crush kong si Kathrine Bernardo kahit hindi naman ‘yun sasagot? Tss.
Actually maganda si Eyah, pati ang hubog ng katawan niya ay lihim na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan, kung hindi nga lang siya tinatratong baliw malamang na nakapila na ang mga manliligaw niya, at malamang na isa na ‘ko sa mga ‘yun.
Yes, I have a hidden crush towards Eyah, sa katunayan nga niyan ay may isang beses ko na siyang nakakwentuhan sa library, at sobrang sarap niyang kausap, pati na rin si Yya na manika niya kahit hindi naman ito sumasagot nag-enjoy pa rin ako hehe. Sobrang bait niya kaso sobrang pili lang ng mga taong pinapansin niya, dahil na rin siguro sa trato sa kanya ng mga tao sa paligid niya. I pity her, kasi wala naman siyang ginagawang masama pero nararanasan niya ang ganitong klase ng kalupitan. Gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa, mahina kasi ako, kung hindi lang dahil sa mga kaibigan ko malamang na kasama na ‘ko sa target ng mga bullies tss.
“Gusto ko na talagang mawala ang Eyah na ‘yan dito sa school! No scratch that, gusto ko na siyang mawala sa lungsod na ‘to! Ayo’ko nang makita pa ang nakakairita niyang pagmumuka!” inis na bulalas ni Ashley matapos pabagsak na naupo sa malambot kong kama, agad namang tumabi sa kanya si Wayne at ipinulupot ang braso sa bewang niya, pero tahimik lang si Wayne na parang may malalim na iniisip, pero mukang hindi naman ‘yun napapansin ni Ashley dahil tuloy lang siya sa pagdada.
“Bakit hindi natin siya paalisin?” nakangising saad ni Yesha, dahilan para agad na mapataas ang kilay ni Ashley.
“Pa’no naman aber?” taas ang kilay niyang tanong. Nakita ko ang interest sa mga mata ng lahat, kaya bahagyang napailing nalang ako’t mahigpit na naikuyom ang mga kamao ko. Wala akong magawa kun’di ang manahimik lang.
“Force her to leave?” sagot niya pero sa patanong na tono, saka niya kami isa-isang tinignan habang nakapaskil sa labi niya ang isang nakakalokong ngisi. Bigla akong nakaramdam ng kaba. I know may hindi magandang mangyayare.
At napatunayan kong tama ako nang pag-usapan na nila ang plano, plano para sirain ang isang Eyah Nemenzo, ang mabait at nananahimik na si Eyah.
“Ano’ng kailangan niyo?” bakas ang kaba sa boses ni Eyah nang sambitin ‘yan, kaya napaiwas nalang ako ng tingin at nanatili lang sa likod nila. Ayo’kong makita niya ‘ko, ayo’kong kamuhian niya ‘ko.
“Hi Eyah, pauwi ka na? Tara sama ka muna sa ‘min,” nakangising saad ni Yesha sa kanya.
“Kailangan ko nang umuwi.” Muli na sana siyang maglalakad para lagpasan kami pero agad siyang hinarangan ni Jerald at hinawakan sa braso. Naikuyom ko ang mga kamao ko pero pinigilan ko ang sarili ko, dahil alam kong sa huli ako pa rin ang talo, baka lalo pang mapahamak si Eyah kapag nakialam ako.
“Masyado ka namang nagmamadali Eyah, sumama ka na muna sa ‘min, promise mag-e-enjoy ka,” nakangising saad ni Jerald, at ang kasunod nun ay ang tawanan nila.
“Bitawan mo ‘ko.”
“Aba tol pumapalag oh, wala ka pala ehh hahahaha!” pang-aasar ni Jerrie, pero nginisian lang siya ni Jerald bago muling binalingan si Eyah na ngayo’y alam kong takot na takot na sa amin. I’m sorry Eyah…
At ang mga sumunod na nangyari, dinala nila si Eyah sa isang abandonadong warehouse, piniringan at ginapos sa isang upuang kahoy, pinainom ng alak na may halong droga, at pinagtagumpayan ang plano.
Si Jeral at Anton, silang dalawa ang walang awang gumahasa kay Eyah, si George naman ang may hawak sa camera at kumukuha ng video kay Eyah, samantalagang kami nama’y nasa gilid lang at nanonood sa kababuyan nila.
I’m so sorry Eyah, wala akong magawa, I’m so sorry dahil napakaduwag ko’t wala manlang akong magawa para ipagtanggol ka, I’m very sorry…
Matapos ang lahat ay iniwan lang nila ang hubad na katawan ni Eyah sa warehouse, kasama ng manika niyang walang awa rin nilang pinaglaruan.
Gamit ang isang dummy account, in-upload nila ang video ng kababuyan nila, at siyempre si Eyah ang lumabas na masama sa mata ng mga tao, kaliwa’t kanang panghuhusga ang natanggap ni Eyah, hanggang sa isang araw ay bigla nalang siyang nawala…
“Pero nang bumalik siya bigla siyang nagbago, hindi na siya ang Eyah na nakilala ko, ang Eyah na kilala ko ay matamis kung ngumiti, hindi ngiti na nagbibigay kilabot. Yes naaawa ako sa kanya, pero kailangan niyang magbayad sa ginawa niya kay Wayne, kaya kinuha ko siya.”
Mas lalong napakunot ang nuo ko dahil sa huling sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa ipinagtapat niya sa ‘kin, pero wala akong pakialam kung naging biktima lang rin si Eyah, hindi nun mabubura ang katotohanang pinatay niya si Wayne! Pinatay niya ang boyfriend ko!
“Ano’ng ibig mong sabihing kinuha mo siya?” kunot nuong tanong ko sa kanya.
“Ako ang may pakana sa sunog sa post, ginawa ko ‘yun para makuha si Eyah.”
“Ano? Pero paanong nangyari ‘yun? Kasama kita nang mangyari ang sunog sa post!” hindi makapaniwala kong bulalas. Pa’no naman kasi niya masusunog ang police station kung kasama niya ‘ko?
“Ang sabi ko lang ako ang may pakana, hindi ko sinabing ako ang sumunog at kumuha kay Eyah, may kasabwat ako.” Talagang hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon kay Kubby, hindi ‘to si Kubby, hindi ‘to magagawa ng kilala kong Kubby.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko habang parang maiiyak na ‘kong tinignan. Yet he’s still our cry baby Kubby.
“Gusto ko siyang magdusa Mia, pero pakiramdam ko kulang ang pagkakakulong sa ginawa niya kay Wayne, buhay ang nawala, kaya gusto kong buhay rin ang magiging kabayaran.” Halos mapanganga ako dahil sa sinabi niya, pero naiintindihan ko siya, ganyan rin ang gusto kong mangyari, kaya mahigpit ko siyang niyakap na agad rin naman niyang tinugunan ng mas mahigpit na yakap.
“By the way, sino ang tumulong sa ‘yo? Sino ang kasabwat mo?” kapagkway tanong ko, saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya, pero hindi pa man siya nakakasagot ay bigla nalang bumukas ng pinto ng kwarto ko at pumasok ang isang lalakeng pamilyar na ang muka sa ‘kin.
“Siya. Ang Kuya Thorn ko.”
TBC
BINABASA MO ANG
I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]
Mystery / Thriller[COMPLETED] Eyah, isang pangalan na naging usapin sa buong lungsod ng Emerral. Pangalan na inalipusta ng karamihan. Pangalan na kinamuhian. At pangalan na kinatakutan ng lahat. "I Want To Be A Serial Killer" Written by: Ivy Loud ••• Highest rank ach...