KILLER 23

177 5 0
                                    

I Want to be a Serial Killer
CHAPTER 23

Banayad ang ginagawa naming paglalakad para iwasang makalikha ng malakas na ingay. Hindi nila kami pwedeng mahanap, kailangan kami ang makahanap sa kanila.

Mabilis akong hinawakan sa braso ni Yesha para pahintuin sa paglalakad nang makarinig kami ng kaluskos. Naging malikot ang mga mata ni Yesha na nagmamasid sa paligid, kaya iniikot ko ang paningin ko para hanapin kung sa’n nagmula ang kaluskos na ‘yun.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko anytime may tatamang palaso sa ‘kin, or biglang may aatake sa ‘min. Hindi ko alam kung sino-sino pa ba ang mga kasama nila Wayne, ngayong wala na si Kubby hindi ko alam kung may iba pa ba silang ibang kasamang kakampi.

Mas naalarma kami ni Yesha nang mas lumakas ang naririnig naming kaluskos. Mahigpit kong itinutok ang hawak kong baril sa direksiyon kung sa’n namin naririnig ang kaluskos.

“Just pull the trigger, Mia, ‘wag kang mag-alinlangang iputok ang baril,” mahinang usal ni Yesha.

“Yeah I know, just shut up.”

Muling namayani ang katahimikan, kapwa kaming nagmamasid sa paligid, magkadikit ang mga likod at parehong hinahanda ang sarili sa mga maaaring mangyari.

Mas humigpit ang hawak ko sa baril nang mula sa dilim ay unti-unting lumabas ang bulto ng isang tao. Handa ko na sanang kalabitin ang gatilyo nang mamukaan ang lalaki.

“Thorn?” hindi makapaniwalang bulalas ni Yesha, habang kapwa kaming nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

“’Wag kang lumapit!” bulalas ko nang magtangka siyang maglakad palapit sa ‘min, nanatiling nakatutok sa kanya ang hawak kong baril pero nanatili lang rin siyang mahinahon na parang walang takot sa baril na hawak ko.

Maaaring kakampi din siya nila Wayne, kapatid siya ni Kubby kaya hindi kami pwedeng magpakampante. Ano kaya ang magiging reaction niya sa oras na malaman niyang patay na ang kapatid niya? Malamang isunod niya na kami, pero hindi ko hahayaang mangyari ‘yun.

Bahagyang nangunot ang nuo ko nang mapansin ang namumula niyang mga mata na parang galing lang sa pag-iyak. ‘Di kaya nakita niya na ang kapatid niya?

Muling humigpit ang paghawak ko sa baril dahil sa naisip, hinahanda ang sarili sa susunod niyang gagawin.

“Pull the trigger, Mia!” mariing bulong ni Yesha, pero hindi ko siya pinansin.

“Ano’ng ginagawa mo dito?” seryosong tanong ko sa kanya habang nananatiling nakatutok sa kanya ang nguso ng baril ko.

“’Wag kayong mag-alala dahil hindi ako kakampi ni Wayne, hindi na ‘ko kakampi ni Wayne,” sagot niya, saka mapait na ngumisi. Namamasa ang mga mata niya kaya sa tingin ko’y alam niya na ngang patay na si Kubby.

“What do you mean? Hindi na?” Yesha.

“Yeah, tinutulungan ko sila before dahil sa kapatid ko, nu’ng una ang gusto lang naman talaga nila ay ang ilayo si Eyah, pero nang malaman nila ang planong paghihiganti ni Eyah, du’n sila bumuo ng plano na ipaghiganti ito.” Saglit kaming nagkatinginan ni Yesha, pero hindi na kami umimik at hinintay pa ang susunod niyang sasabihin.

“Ayaw nilang mabahiran ng kasamaan ang mga kamay ni Eyah, gusto nilang ibalik ang dating Eyah kaya nila ginawa ang lahat ng ‘to. Ngayong wala na ang kapatid ko, si Wayne nalang ang problema niyo, dahil desidido siyang ubusin kayong lahat. Sinubukan kong ilayo at itago si Eyah mula sa kanila, pero nagawa pa rin nilang mahanap ang lugar na pinagtataguan ko tss, ilang beses ko na ring kinausap si Kubby pero wala, masyado na silang bulag sa pagmamahal kay Eyah.”

Lumuwag ang pagkakahawak ko sa barili nang makita ang sunod-sunod na pagtulo ng luha mula sa mata niya. Naalala ko tuloy nang magkausap kami sa likod ng kapilya, kung pa’no niya ipinakita ang pagkadisgusto sa plano ng kapatid niya, na akala kong si Eyah ang gustong gantihan, ‘yun pala’y kaming mga kaibigan niya.

“Kaya ngayo’ng wala na si Kubby, gusto ko nang matapos ang kahangalang ‘to. Inosente si Eyah, kahit kailan hindi siya gumawa ng masama, ang nangyayari ngayon sa kanya ay resulta lang ng mga pinagdaanan niya.” Matiim niya kaming tinitigan bago nagpatuloy. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot, kun’di dahil sa unti-unting umuusbong na guilt sa sistema ko.

“She’s sick, Eyah’s sick, she’s suffering schizophrenia, hindi pa ‘ko masyadong sigurado sa diagnosis ko dahil hindi pa naman ako ganap na isang doctor at hindi ko pa naman siya nabibigyan ng personal check-up, pero ayon sa mga nakikita kong sintomas, sa tingin ko’y tama ang diagnosis ko.”

Kapwa kaming nagulat ni Yesha sa narinig. Yes we know that Eyah’s crazy, pero hindi ko naman akalain na ganito kaseryoso. I know what is schizophrenia is, napanood ko na sa TV ang tungkol sa sakit na ‘yun.

“Tss, hindi na nakakagulat na malamang baliw talaga ang babaeng ‘yun. So ano’ng gusto mong palabasin ngayon? Hah? Na walang kinalaman si Eyah dito?” nakangising saad ni Yesha, kaya bahagya ko siyang siniko, dahilan para samahan niya ‘ko ng tingin.

“Ano’ng gusto mong gawin namin?” seryosong tanong ko sa kanya matapos kong ibaba ang baril ko.

“What the hell Mia, ‘wag mo sabihing naniniwala ka sa lalaking ‘yan!” hindi makapaniwalang bulalas ni Yesha.

“Shut the fuck up Yesh. Gusto ko na ring matapos ang kalokohang ‘to, kaya please makisama ka nalang.”

“Damn it, I can’t believe you!” bulalas niya pa pero hindi ko na siya pinansin at muling hinarap si Thorn.

“Do you have plan? Pa’no matatapos ang lahat ng katanginahang ‘to?”

“Isa lang naman ang paraan…”

“Paano nga?”

“Ang patayin si Wayne,” deretyang sagot niya habang may nakapaskil na mapait na ngisi sa labi. “Siya ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko. Mabait at inosente si Kubby, ni hindi nga kayang pumatay ng lamok nun ehh, pero nang dahil sa kahalangalan niya sinira niya ang kapatid ko!” Halatang-halat ang galit sa boses at sa mga mata niya, kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng awa para sa kanya. Ma-imagine ko palang na si Nia ang nasa sitwasyon ni  Kubby, pakiramdam ko hindi ko kakayanin, kumikirot ang dibdib ko.

“Deal, ako na ang gagawa,” mahinang usal ko, dahilan para bahagya siyang magulat, pati Yesha ay gulat na napatingin sa ‘kin, kaya tipid ko silang tinawanan.

“What? Hindi naman siya ang boyfriend ko, Owen ang totoong pangalan ng taong minahal ko, at wala na siya ngayon. At si Wayne ang pumatay sa kanya.” Naikuyom ko ang mga kamao ko nang muli nanamang umusbong ang galit at sakit na nararamdaman ko. “Kaya ako ang gagawa, ako ang maniningil ng buhay sa hayop na ‘yun!”

***

Tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha mula sa mga mata ko, habang pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko habang nakatutok ang nguso ng baril ko sa likod ni Wayne, sa lokasyon kung sa’n mismo naroroon ang puso niya. Just one shot Mia, isang kalabit lang sa gatilyo tapos ang lahat.

Pinunasan ko ang mga luha sa muka ko, at saka matalim na tumingin sa kinaroroonan ni Wayne.

“Katapusan mo na,” usal ko, at kasabay ng pagkalabit ko sa gatilyo ay ang pagpikit ko ng mariin.

TBC

I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon