I want to be a Serial Killer
CHAPTER 5“May taong nangingialam sa plano mo Eyah, kailangan mo siyang mahanap!”
Muli akong napasabunot sa sarili kong buhok saka masamang tumingin sa salamin kung sa’n ko nakikita ang sarili kong repleksiyon.
Wala na sa ayos ang kanina ay nakapusod kong berdeng buhok, nagkalat na ang itim na eyeliner sa ilalim ng mga mata ko dahil sa luha ng galit ko, pati ang pulang-pulang lipstick ko ay nagkalat na rin sa pisngi ko.
Sino ang isa pang hayop na nangialam sa dapat ay unang biktima ko? Akin ang biktima na ‘yun! Ako dapat ang papatay sa matandang ‘yun!
“Aaahhhhh!” buong lakas kong sigaw, at saka buong lakas ring inihampas ang upuan sa salamin.
“Hahanapin kitang hayop ka! At kapag nakita kita sisiguraduhin kong pahihirapan kita ng sobra bago patayin!”
Mianna’s POV
Agad akong nagtago sa malaking trash can na malapit sa ‘kin nang bahagyang bumagal ang paglalakad niya. Mukang malakas ang pakiramdam ng babaeng ‘to ahh tsk.
Lihim kong sinusundan si Eyah, naglalakad lang siya kaya malamang na malapit lang ang tinitirahan niya. Hindi ko alam kung bakit ko ba ‘to ginagawa, basta gusto ko lang malaman kung sa’n ba siya nakatira, at saka gusto ko lang makasiguro na maayos siyang makakauwi at wala nang mga tangang mantitrip pa sa kanya sa daan. Hindi naman sa concern ako, sadyang naaawa lang talaga ako sa kanya.
Bahagya akong sumilip para tignan kung nagpatuloy na ba siya sa paglalakad, pero agad akong napatayo nang bigla nalang siyang nawala.
“Nasa’n na ‘yun?” takang tanong ko habang iniikot ang paningin ko sa paligid. Pumwesto ako sa pwesto kung sa’n ko siya huling nakita kanina.
Napaka-imposible na bigla nalang siyang mawala, isang daan lang naman ang iskinita na ‘to ehh, wala siyang pwedeng likuan.
Punyeta nasa’n na ang babaeng ‘yun?
“Hi.”
“Ayy pukingina!” gulat na sigaw ko nang bigla nalang siyang sumulpot sa likuran ko.
“Multo ka ba? Pa’no ka napunta diyan?” kunot nuong bulalas ko sa kanya, pero nginisian lang ako ng gaga. Kingina!
“Thank you sa sagot ahh,” sarkastiko ko pang giit, pero hindi nawawala ang ngisi sa labi na nilagpasan niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
What the fuck? In-ignore niya ba ‘ko?
“Hoy! Kinakausap pa kita ahh, bastusan lang?” muling sigaw ko habang sumusunod sa kanya. Ang bilis niyang maglakad punyeta!
Ano ba’ng problema ng babaeng ‘to? Bakit ayaw niyang sumagot? Pipi na ba siya? Tss. Bakit ko ba kasi ginagawa ‘to? Ano ba’ng mapapala ko sa pagsunod sa kanya? Nababaliw na rin ata ako, dahil patuloy pa rin talaga ako sa pagsunod at pagkausap sa kanya kahit hindi naman niya ‘ko sinasagot.
“Ayaw mo talaga akong sagutin? Famous ka ba ‘te? Grabe ‘to!”
Agad akong napahinto nang bigla nalang rin siyang huminto’t hinarap ako at saka matamis na nginitian.
“Pasok ka muna sa loob,” saad niya, at saka ako muling tinalikuran at tinungo ang pinto ng isang maliit na apartment.
“So ganu’n nalang ‘yun?” hindi makapaniwala kong saad. Matapos niya ‘kong ignorin at ngisian lang nang ngisian papapasukin niya ‘ko sa apartment niya? Grabe ang weird niya!
BINABASA MO ANG
I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]
Mystery / Thriller[COMPLETED] Eyah, isang pangalan na naging usapin sa buong lungsod ng Emerral. Pangalan na inalipusta ng karamihan. Pangalan na kinamuhian. At pangalan na kinatakutan ng lahat. "I Want To Be A Serial Killer" Written by: Ivy Loud ••• Highest rank ach...