I Want to be a Serial Killer
CHAPTER 21Matalim kong tinignan si Wayne na ngayo’y mabagal na naglalakad palapit sa ‘kin. Ang buwisit na ‘to. Ang lakas ng loob niyang agawan nanaman ako ng biktima!
“Eyah,” malumanay niyang usal sa pangalan ko habang marahang lumalapit sa ‘kin. Nanatili akong matalim na nakatingin sa kanya, pero parang hindi manlang niya alintana ‘yun, sa halip ay tipid niya pa ‘kong nginitian.
“Eyah please makinig ka sa ‘kin. Hindi mo ‘ko kalaban, magkakampi tayo dito.”
“Tss, magkakampi? ‘Wag ka ngang mag-imagine Wayne, dahil maliban kay Yya wala na ‘kong ibang kakampi. Stop insisting that we’re in alliance just for me to spare your life, dahil hinding-hindi ka makakatakas sa ‘kin. Weather you like or not, mamamatay ka sa mga kamay ko,” nakangising lintaya ko na hindi pinapatid ang pagtitig sa kanya.
Sabik na sabik na ‘kong maging isang serial killer, pero dahil sa hayop na ‘to kahit isa wala pa ‘kong napapatay! At dahil diyan, ikaw ang magiging first victim ko! Papatayin kita sa pinakamasakit na paraan!
“Eyah please, makinig ka naman sa ‘kin. Bakit ba gustong-gusto mong maging isang mamamatay tao? Ginagawa ko ang lahat ng ‘to para sa ‘yo, dahil ayaw kong mabahiran ng kasamaan ang mga kamay mo, kaya ako na mismo ang naghihiganti para sa ‘yo.”
“Hah! Wala akong pakialam sa dahilan mo, basta ang gusto ko lang ay maubos kayong lahat at ako lang ang matirang humihinga!”
Napasabunot siya sa sariling buhok saka nanlulumong tumingin sa ‘kin, kaya nginisian ko siya ng nakakaloko.
“Eyah please! Makinig ka sa ‘kin. Ayo’kong mapahamak ka kaya please bumalik ka nalang sa bahay, ako na’ng tatapos nito. Pangako uubusin ko silang lahat, wala akong ititira kahit isa. Tayong dalawa lang Eyah. Hindi mo alam kung gaano kita kamahal, nagawa kong traydorin ang mga kaibigan ko para sa ‘yo, kaya please pakinggan mo ‘ko, nagmamakaawa ako sa ‘yo umalis ka na dito, bumalik ka na sa kwarto mo, at pagkatapos ko dito, magpapakalayo tayong dalawa, siyempre kasama si Yya.” Matipid siyang tumawa. “Magsisimula tayo ng panibagong buhay, iiwanan natin ang lahat ng pangit na ala-ala sa lungsod na ‘to. Magiging masaya tayo Eyah, mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko, pinapangako ko sa ‘yong hindi ka magsisisi kapag sumama ka sa ‘kin, kaya nakikiusap ako sa ‘yo, hayaan mong ako nalang ang tumapos nito, please makinig ka sa ‘kin.”
Ramdam na ramdam ko ang sinseridad niya habang naglilintaya pero…
“Hindi mo ‘ko madadala sa mga salita mo Wayne, bumalik ako para maghiganti sa lahat ng mga taong nanakit sa ‘kin, at kabilang ka sa mga taong ‘yun! ‘Wag mong isalba ang sarili mo, dahil kahit ano pa’ng gawin at sabihin mo, hindi ka na makakaligtas sa ‘kin. Mahal mo ‘ko? Sino’ng niloko mo? Nandu’n ka nu’ng mga panahong sinira ako ng mga kaibigan mo, kasama ka nila kaya ‘wag kang magmalinis at magpanggap na gusto akong ipaghigati! Hah! Ang selfish mo, biruin mong trinaydor mo ang mga kaibigan mo para lang makaligatas sa kamatayang aabutin mo sa mga kamay ko, pero mali ka, dahil kahit ano pa’ng gawin mo mamamatay ka. Papatayin kita at sisiguraduhin kong susuka ka ng dugo habang nagmamakaawa sa ‘king buhayin ka!”
Mabagal siyang umiling habang namamasa na ang mga mata. Tss, best actor talaga.
“Ano ba’ng pwede kong gawin para maniwala kang mahal kita?”
“Give me your life,” nakangising sagot ko, kaya agad na nangunot ang nuo niya.
“W-what?”
“Let me kill you, ibigay mo sa ‘kin ang buhay mo. Be my first victim. I really want to be a serial killer, Wayne, pero dahil sa ‘yo hindi ko na natupad-tupad, kaya be my first victim, baka sakaling matuwa pa ‘ko sa ‘yo at maniwala diyan sa mga sinasabi mo.”
BINABASA MO ANG
I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]
Misterio / Suspenso[COMPLETED] Eyah, isang pangalan na naging usapin sa buong lungsod ng Emerral. Pangalan na inalipusta ng karamihan. Pangalan na kinamuhian. At pangalan na kinatakutan ng lahat. "I Want To Be A Serial Killer" Written by: Ivy Loud ••• Highest rank ach...