KILLER 3

324 17 2
                                    

I want to be a Serial Killer
CHAPTER 3

"Eyah hija, kamusta ka naman?" panimula ng guidance counselor nang makaupo ako sa upuang nasa harapan lang ng mesa niya.

First day palang napatawag na agad ako dito tss, inaasahan ko na 'to.

"I'm always fine Mrs..." Tumingin ako sa name plate niya, saka nakangising binalik ang paningin sa kanya. "Berdin."

"Good to hear hija, mabuti naman at napagdesisyunan mong bumalik na dito." Saka napatingin sa hawak kong manika, kaya itinaas ko ito para mas ipakita pa sa kanya.

"This is Yya, ang ganda niya 'di ba," nakangisi kong saad habang deretsong nakatingin sa kaharap kong guidance counselor. Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ko nang medyo mabawasan ang ang ngiti niya sa labi.

Alam kong iniisip na ng matandang 'to na may depirensiya ako sa pag-iisip gaya ng iniisip ng lahat, 'yun lang naman ang nag-iisang pwedeng maging dahilan ng pagpapapunta niya sa 'kin dito ehh.

"Oo, napakaganda nga hija, katulad mo," balik nanaman ang matamis na ngiting sagot niya, kaya napaikot nalang ang dalawang mata ko.

"Deretyahin mo nalang ako pwede, bakit mo ba 'ko pinapunta dito? 'Wag ka nang magpaligoy-ligoy pa, nasasayang ang oras ko." Mukang nagulat siya sa iniasta ko kaya muli nalang akong napangisi.

Kung inaakala niyo na magiging mabait at mabuting estudyante ako tulad ng dati, nagkakamali kayong lahat, dahil hinding hindi na magbabalik pa ang nakilala niyong Eyah, pero tototohanin ko ang iniisip niyong baliw ako, at sisiguraduhin kong pagsisisihan niyo ang lahat!

"Ahh- Eyah hija, may gusto lang sana akong itanong."

"Go ahead magtanong ka na, pakibilisan nalang dahil medyo nagugutom na kami ni Yya." Napangisi ako nang bahagya siyang mapalunok. Mukang hindi talaga siya makapaniwala sa ipinapakita kong ugali, pero 'yan nga ang gusto ko ehh hihi.

"Ah-ahh sige, 'yang peklat sa muka mo ba hija... ikaw ba ang may gawa niyan?" Sa kabila ng pagsusungit ko sa kanya, ang lambing pa rin ng boses niya tss. Napahawak ako sa pekla na nasa muka ko, saka napatingin sa muka ni Yya.

Mapait nalang akong napangisi nang maalala ang dahilan kung bakit nagkaroon ng biyak ang muka ni Yya. Ang mga hayop na 'yon, sila ang may gawa nito kay Yya. Ang kawawa kong manika...

Muli kong ibinalik ang paningin ko sa matandang nasa harapan ko, saka siya nginisian ng nakakaloko.

"Yes." Saka ko muling iniharap ang manika ko sa kanya. "Nakikita mo ba ang biyak na 'yan sa muka ni Yya? Kawawa siya 'di ba, kaya gusto ko lang siyang damayan, at saka para maging magkamukha na talaga kami, sinugatan ko rin ang muka ko."

Para siyang nanlumo dahil sa narinig kaya lalo akong napangisi. Pero nagulat ako nang bigla niyang abutin ang isang kamay ko at marahang hinawakan.

Anong ginagawa niya? Sino ang nagbigay ng pahintulot sa kanya para hawakan ako?

"Hija, kung may problema ka pwede mong sabihin sa 'kin, pwede mo 'kong maging kaibigan, bukas lagi ang tenga ko para makinig sa 'yo, hindi lang si Yya ang pwede mong maging kaibigan, nandito ako para sa 'yo."

Marahas kong binawi ang kamay kong hawak niya, saka mapait na humalakhak.

"You know what, sinayang mo lang ang oras ko, sa impyernong mundong 'to si Yya lang ang nag-iisang kaibigan at kakampi ko, hindi ko kailangan ng ibang taong makikinig sa 'kin dahil kuntento na 'ko kay Yya, hindi kita kailangan, kaya tapusin na natin ang walang kwentang pag-uusap na 'to, at 'wag na 'wag mo na 'kong ipapatawag dito dahil ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang nasasayang ang oras ko. Have a nice day Mrs. Berdin, and goodbye." Kinindatan ko siya bago nakangising tumayo at nilisan ang opisina niya.

I Want To Be A Serial Killer [PUBLISHED UNDER CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon