Ica's POV
Nakasimangot na pinagmamasdan ko syang tumawa sa kung anong lame joke ni beltran. wala namang dulot ang isang yon sa mundo pero inis na inis parin ako.
ano bang sense ng sinasabi non?
hindi sya maganda...
kababaeng tao bukang-buka ang bibig pag tumawa eh. parang wala syang pakialam kahit makita tonsils nya. tapos mukang dayami ang buhok sa sobrang gulo. nagsha-shampoo ba sya? nagsusuklay?
parang nagbi-binata rin ang boses.
"pag yan natunaw, kasalanan mo."
Gulat na lumingon ako sa nagsalita.
inismiran ko bespren ko. "ano ba, ba't sumusulpot ka bigla?"
"sungit ah." nakangising sabi ni nicole.
di ko pinansin pang-aasar nito. tumalikod ako, tinuon ang paningin sa binabasa kong libro. o kung binabasa ko ba talaga.
bakit ang manhid-manhid nya?
everytime makaka-salubong ko sya—sa hallway, sa library, sa cafeteria, sa entrance, sa kahit saan—nginingitian nya ko habang dumadaan sa harap ko na para bang kanya ang paligid.
tama ba yon?
"sino ba sya sa akala nya?" inis na sabi ko pa, tingin ulit sa pwesto nila.
masaya parin silang nag-uusap ng manliligaw nyang gangster pumorma na maasim ang itsura kahit naka-dior perfume.
"alam mo bes, para kang timang eh noh? ikaw lang talaga yung kilala kong nagkaka-crush na halos isumpa yung crush nya."
crush?
anong crush pinagsasabi nito?
dahan-dahan ko syang tinignan. "ano kamo?!" singhal ko.
halos mapatalon si nicole sa gulat. "OMG! ba't mo kailangan manigaw?"
"bakit mo ko inaakusahan dyan?"
hindi makapaniwala ang bespren ko. "inaakusahan ka dyan? baliw ka na?"
"pwes, ba't mo sinasabing crush ko sya?"
bumuntong-hininga sya. "wag ka magalit saken, sinasabi ko lang naman yung obvious na bagay."
"ano bang obvious na bagay?!" sigaw ko ulit.
"wag mo kong sigawan angelica!" mariin syang napapikit.
natalsikan yata sya ng laway ko. tsh! i don't care.
"wag mo kasi ako sinasabihan ng kung ano-ano."
"bes, dati ko pa to sinasabi sayo ah. ini-ignore mo lang..." nagpunas sya ng muka. "ba't ngayon ganyan ka mag-react ha, parang sinabihan kita na kriminal ka." sigaw na din nya.
"whatever."
Paglingon ko, nakamasid na yung ibang students samin. of course, maraming tsismoso't tsismosa sa university na to.
mga wala naman silang ambag sa buhay ko. so, wala akong pake. and speaking of walang ambag...
tumingin ako ulit sa direksyon nila.
and then, there—kumunot ang noo ko ng magkatitigan kami ni Dela Cruz.
great.
Aba't nakuha pa talagang makipagtitigan. gusto ba nyang basahin ang nasa isip ko?
wala sa loob na sinulyapan ko ang bubuyog na katabi nya—ang walang dulot na si beltran. seriously, ano ba saysay ng mga sinasabi ng isang yon?
binalik ko ang tingin kay nicole, nakatitig lang sya sakin.
BINABASA MO ANG
Uncrush (GxG)
Romance"Sabi nila the hardest one to love is the one who needs it the most." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal-may moniker na campus ice queen. but she's not your typical college student na papasang bully. no, she's far from that. ...
