Chapter 24

1.9K 72 2
                                        

Sam's POV

What now?

ako lang ang kumakain. si era, palipat-lipat ang tingin sa phone at plato niyang hindi pa nagagalaw ang laman–tahimik, pero maya't-maya ang buga ng hangin.

she was definitely fascinated. intrigued, and in awe.

basang-basa ko yang body language n'ya.

well i was taken aback too. i mean, si nicole magkaka-gusto sa bestfriend ko? please. DON'T. no way! kahit mahal ko si era, hindi siya bagay kay nicole. and vice versa. okay, nicole is such a sweet and loving and genuine person. supportive, maaasahan, maunawain. funny, adorable, cute. she's just perfect.

on the other hand, era is...

she's complicated. but it's not a bad thing. ewan, basta. hindi siya mabait na tao pero hindi din s'ya masama. how about that? sometimes she's intense, sometimes she's dumb.

sadyang matindi lang talaga amats n'ya.

"Ano, hindi ba natin pag-uusapan?" simula ko, binaba ang kutsara bago uminom ng tubig. "what's happening with you two?"

umangat ang tingin sakin ni era, hindi s'ya agad nakasagot. "what exactly do you mean?"

"you know exactly what i mean." binigyang diin ko ang 'exactly'. "we're both psychologists. do you want me to analyze you? i'll write it down."

tumayo ako.

"ok fine! fine." mabilis n'yang sabi.

naupo ulit.

she sighed. "well...–"

"well what?"

she sighs again. tama ba ko ng nakikita, si era nahihirapan? wow. this is interesting. first time na hindi n'ya alam ang sasabihin.

I crossed my arms and waited. "it's okay, this is a safe place."

kumunot-noo siya. "sam, i'm not your client."

natawa ko. "baka lang makatulong."

kumurap-kurap siya. "can we just... talk about this some other time?"

"okay." tango ko.

"ok." she breathes, started eating her food. "oh, how about that tamarah girl, what's up with you two?"

tumaas ang kilay ko. "really? how about this... ask me a question, i'll answer. then i'll ask you a question and you answer. sounds fair?"

Era rolled her eyes. "ano ba tayo teenager? game."

nagtawanan kaming dalawa.

"ako muna." sabi ko, ta's pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng mesa. "answer the question, era. how do you feel about... earlier? dun sa sinagot ni nicole."

huminga siya ng malalim. "intrigued. what about that girl?"

naguluhan ako. "uh, what's your question?"

"what do you think about her? tamarah."

"she's nice." kibit-balikat ko. "interesado ka ba kay nicole?"

umiwas s'ya sandali ng mukha. "maybe, i don't know. ikaw ba, interesado ka kay tamarah?"

natigilan ako, napa-isip. "hmm, oo. gusto ko pa siyang makilala. nalilito ka na ba?"

nagkatitigan kami. medyo mas tumagal ngayon bago nakasagot si era. "yes, i-i think so."

"oh my gosh..." napasandal ako. for a moment, tahimik kami.

"naka-move ka na ba?" tanong n'ya maya-maya.

Now that's a hell of a question. naka-move on na nga ba ako?

***

Mabilis natapos ang araw.

by the time i stepped out of the clinic, ubos na halos ang energy ko. medyo heavy and emotionally draining ang sessions ko today pero fulfilling.

Si Era, hindi tumigil kaka-message sakin na ini-ignore daw siya ni nicole. and i'm like, anong magagawa ko? hindi nga rin ako no'n kinausap mula kaninang umalis ng condo.

"See you tomorrow, Doc." paalam na sigaw sakin ni mon–kasama nito ang boyfriend. walang palya ang isang 'yon sa pagsundo sa assistant ko.

kumaway ako bago pumasok ng kotse. "bye, ingat." nakangiting sabi ko. nasundan ko pa sila ng tingin papunta sa waiting shed.

ako lang ba yung nawi-wirduhan sa mag-jowang straight?

I loosened the buttons of my polo, leaned back and close my eyes. i just want to take a breather. kasi minsan, mas nakakapagod yung routine eh–gising ng maaga, pasok sa work. uuwi ng gabi, matutulog.

parang may times na ayaw kong umuwi sa condo... hindi dahil mag-isa ko–paano mangyayari yon kung may dalawa akong kaibigan na mas nauuna pa sakin do'n?–kundi dahil naaalala ko pa rin siya.

Angelica.

Kumusta na kaya s'ya?

dumilat ako nang mag vibrate ang phone ko. franz is calling–all of a sudden.

"hey," sabi ko pagsagot ko ng tawag. "what's up?"

"hey spiker! musta?" medyo malakas ang boses na sagot naman n'ya. meron ako naririnig na background noise. malakas na tunog ng music at chatting ng mga tao.

"eto, katapos lang ng work. pauwi na."

"uy, nakalimutan mo ata anong date ngayon..."

napakunot-noo ako. "bakit, ano bang meron?"

tumawa si franz mula sa kabilang linya. "engagement party ni anna and bel, silly. invited ka kaya remember?"

Parang huminto ang puso ko.

"what?! oh my... give me a sec please." ni-hold ko ang tawag para i-check ang calendar ko. shit! oo nga, i totally forgot. napasapo ako sa noo ko. "franz, hello. gosh! sorry kamo, nawala talaga isip ko."

"nah, that's ok. but tell that to her. tara, dito tayo sa pride."

pride. again. God.

"uh... ngayon na ba?" kinagat ko ang kuko ko. i mean, last time na nando'n ako wala akong maalala eh.

"oo ngayon na, aba." sagot ni franz. "pero kung di na kaya ng energy mo–"

"no, no, no. it's okay." agad na sabi ko, natawa ko. "i'm good. just... uhm, give me half an hour. i'll be there."

"yes!" masayang sabi ni franz. i swear i could see her punching in the air. "alright, see you Doc."

napailing ako. "Doc ka dyan. sige na babye."

"bye, ingat sa pag-drive."

Pinindot ko na ang 'end' button. nag-seatbelt na ako, in-start ang sasakyan at pinaandar. habang nasa byahe, nakatanggap ako ulit ng message from era.

nagra-rant.

"Oh my God, she's so childish. she's not answering my calls. what, is she gonna ignore me for the rest of our lives?"

"text her! pag di pa niya ako kamo sinagot, in ten minutes nasa harap na ko ng bahay nila."

"she's really unbelievable! I fucking hate her. if this is what she wants then fine! friendship over. tell that to her, sam."

Ano nangyayari sa bestfriend ko? parang nung nakaraan lang obsessed s'ya kay professor jade. i said, what i said. pero buti na lang talaga, nakinig siya sa advice kong tigilan ang kakapunta sa Belfort para ayain ito ng 'date'. hindi na nga siguro kami students doon pero concerning pa din.

Sabi ko sa kanya, kung gusto niya talaga i-pursue si ma'am jade, gawin n'ya nang tama–with consent. hindi 'yung basta na lang siya lumilitaw sa workplace nito kung kailan niya gustuhin, na para ba siyang stalker.

Wait.

is she having a change of heart?

Am i too?

---
A/N
Please recommend my stories? pretty please? hehe! thank you guys!!!

Uncrush (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon