Sam's POV
"Did she just pick you up this morning?"
"and i'm guessing, hinatid ka rin niya ngayon. is that right?"
"oh my gosh, guys..." i groaned once i entered the unit. hinawi ko sina era at nicole sa daan tsaka ako nagtanggal ng loafers, sabay diretso sa fridge para kumuha ng tubig. "pwede magpahinga muna ko? mamaya na interview."
after kong uminom pumasok na ko agad sa room...
hindi na ako lumabas.
Okay, here's the thing. three consecutive days na kaming nagkikita ni tamarah. nung nagpunta sya sa clinic, kahapon at ngayon. kahapon, hinintay niyang makapag-out ako sa work tapos inaya ako ng dinner. nothing fancy, just a simple filipino restaurant. cozy and intimate. ang dami namin napag-usapan. pero mostly, umikot lang sa BU–affairs, system manipulation, dark theories, unresolved cases, etcetera.
grabe 'yon, napanganga ako.
Yung medyo personal na kwentuhan, ay nang nasa byahe na kami. matanong sya sakin. like, anong hobby ko. gusto ko ba raw ng indoor or outdoor activities at kung meron akong sports na gustong subukan. she's so random. tinanong n'ya kung saang bansa ko gusto mag-travel at bakit–sumagot ako, sa london. pero hindi ko nasabi yung dahilan.
tahimik na siya after no'n. hindi siya invasive. she's really respectful. alam niya ang privacy, ang limitations. that very moment, na-amazed ako sobra sakanya.
and so i asked her...
"so, what about you? what's your story?"
huminga siya ng malalim, sinulyapan ako. "uh, nothing special. just... living." ngumiti s'ya pero hindi yon umabot sa mga mata. kinagat niya ang labi, nag-iisip. para bang meron siyang gusto sabihin pero tinitimbang n'ya ang halaga no'n. "may i ask, what's your favorite comfort food?"
oh.
hindi ko na napigil ang ngiti ko. "lugaw. kumakain ka nun?"
napatingin sya sakin, dahan-dahang tumigil ang sasakyan sa stop light. "yes, with tokneneng tsaka lumpiang toge. yung maraming chili garlic. may alam akong lugar, the best yung lugaw nila do'n. 80's pa lang nagsi-serve na sila. pag free ka, gusto mo puntahan natin?"
i nod. for some reason, seeing her get excited makes me laugh more than it should.
Kanina, unti-unti siyang nag-open up sakin.
Double degree holder siya. galing sa mayamang pamilya. that explains a lot about her house. pero kanya talaga yon, sarili niyang pundar. not inheritance, not something her parents gave. yes, she’s already established at twenty-seven.
humanga ako sakanya—hindi dahil sa achievements o credentials, kundi dahil sa kabila ng lahat ng 'yon, she's still so modest. kaya pala feeling ko hesitant sya mag-share, kasi nahihiya. na para bang hindi yun nakaka-proud. then i wonder... is she not used to being praised?
Nag-message pa s'ya sakin, saying 'thank you, made my day' pagkapasok ko ng elevator.
at habang nakahiga ako ngayon, nakatitig sa ceiling, aaminin ko–it felt good to hear that. for the past two years, natulog ako ulit na may ngiti sa labi.
***
Paggising ko, naghinala ako agad dahil masyadong tahimik sa sala. wala na ba yung dalawa?
Lumabas na ko.
wala na nga. pero nang mapatingin ako sa front door, nakabukas ng konti.
BINABASA MO ANG
Uncrush (GxG)
Romance"Sabi nila the hardest one to love is the one who needs it the most." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal-may moniker na campus ice queen. but she's not your typical college student na papasang bully. no, she's far from that. ...
