Ica's POV
Sinalansan ko ang mga books sa locker ko, tsaka tumingin sa relo.
usually, pag gantong oras may nangungulit na sakin.
where is she?
half-day ko na syang di nakikita. wala sya sa entrance gate kanina, walang maliit na maingay na sumalubong sakin.
sa cafeteria, wala din. walang nakikipag-titigan sakin, kumakalabit sa balikat, nauupo bigla sa tabi ko at walang buntot ng buntot.
wait, sumuko na ba sya?
after three years... tsaka pa sya sumuko? after nya akong mapa-oo sa friendship?
WOW!
lumukob agad ang inis ko.
hinagilap ko si nicole. oh, speaking of my bespren, isa pa yun. hindi pa kami nag-uusap ulit eh. if i know, iniiwasan ako non para di ko pagsabihan about sa inasal nya noong nakaraang gabi.
i'm not stupid. sinuplahadahan nya ko pati si andy. tama ba yon?
Tsh!
kay sam ang bait-bait. ano, close na ba sila? kung sabagay, di naman nakakapagtaka. pareho silang maliit na maingay. baka dapat nga silang magsama.
kairita.
pero wala akong pake.
---
Gigil na gigil ako...
nakatingin ako sakanilang dalawa ngayon!
so, magkasama pala talaga sila. masayang tinuturuan ni sam si nicole mag-volleyball. nagtatakbuhan sila. naghahawakan, nagyayakapan.
ah talaga?
tapos napatigil sila ng mapansin nila ko.
tinutok ko ang mata ko sa bespren ko. tinawag ko sya gamit ang daliri ko.
paglapit nya hinatak ko sya agad sa braso. "kanina pa kita hinahanap!"
"aray ko, bes. ba't ka galit?"
umismid ako. "buong araw kita hindi makita, tas magtatanong ka ba't ako galit? tsaka ba't mo kasama yung babaeng yon? magkakampi na ba kayo?" malakas na sabi ko.
bumakas ang gulat sa muka nya. "teka nga, kelan pa naging issue sayo hindi ako makita? don't tell me di yun pabor sayo?"
ano daw? what the hell is she talking about?
"tsaka, bakit ba? ano naman sayo kung kasama ko si sam? eh ikaw nga, hindi naman ako nagreklamo pag kasama mo si andriah." matigas na sabi pa nya.
napatiim-bagang ako.
FUCK!
ngayon lang ako hindi nakasagot. hindi dahil wala kong masabi. kundi dahil...
first time namin mag-usap ng ganto.
"di ka makapagsalita?" patuloy ng bespren ko. "bakit, natatakot ka maging close kami ni sam? i doubt it. baka nga deep inside, nakakahinga ka pa ng maluwag kase finally, tumatahimik mundo mo. right?"
naguluhan ako. "what? that's not it."
ang pait ng tawa nya. "pero nag-eenjoy ka sa company nung andy mo? ano, nahanap mo ba sakanya yung comfort? well, di mo na need sagutin, halata naman."
"nicole—"
"alam mo, ica..." putol nya sa sasabihin ko. "kung magsama man kaming dalawa, bigay mo na samin yon ha? yaan mo na kami."
tumalikod na sya.
"nicole..." sumunod ako. "ano ba nangyayare sayo? ba't ganyan ka magsalita?"
inirapan lang ako ng bespren ko.
BINABASA MO ANG
Uncrush (GxG)
Romance"Sabi nila the hardest one to love is the one who needs it the most." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal-may moniker na campus ice queen. but she's not your typical college student na papasang bully. no, she's far from that. ...
