Sam's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo, buwan.
yung countdown ng plano kong pag-pursue kay ica naunsyame. how?
eh kasi after nang pagtatalo nila ni nicole, parang ako ang nagsilbi nilang referee. di naman literal, more like middle person. tiga-awat, tiga-saway, tiga-bigay ng message. oo, ganon. para ba kaming mga high schooler.
pero ok na din. atleast sa way na yon, napapalapit ako sakanya.
as a friend.
parang gaya na lang ngayon...
"kainin mo raw to." nilapag ko sa mesa ang glass container, at naupo sa katapat na upuan. chicken caesar salad yon, favorite food nya. "di ka kase sumabay samin kanina sa lunch. naisip ni nicole, baka di ka pa kumain."
nag-angat sya ng tingin. "so nasan sya, ba't di na lang sya ang nagbigay?"
nginitian ko si ica. ako na ang nag-prepare ng food para sakanya. "maaga raw sya uuwi. super pagod sa OJT."
"eh ikaw, ba't nandito ka pa?"
natigilan ako—i don't know kung sa idea ba na kinukwestyon nya existing ko or dun sa mismong dahilan at sagot sa tanong.
"ok na, kain kana." instead ay sabi ko na lang. "pag nakalahati mo yan, aalis na ko. may training pa din kase ako."
kumunot-noo sya, tinitigan ako ng maigi. "di ko kailangan ng bantay."
oh boy parang may tumusok sa tagiliran ko. "bilin ni nicole. sige na, kain ka na... subuan kita?" kinuha ko yung fork at tumuhog ng gulay at chicken.
inagaw nya yon sakin. "ako na, hindi naman ako baldado."
binuksan ko na lang yung extra dressing tsaka bottled water.
Pinagmasdan ko sya...
focus na ulit syang magbasa.
at oo, masungit at mataray pa din sakin. halatang inis pa rin sya sa presence ko. ewan, parang kahit anong gawin ko, hindi nya talaga ko magugustuhan.
kahit as a friend.
nakakatawa diba?
pero heto ako...
pilit isinasantabi yung nag-iisang logical reason kase mas importante siya para sakin.
God, i love her so much.
may nakita akong sauce sa gilid ng lips nya kaya kumuha ako ng wipes at pinunasan sya.
napaatras sya bigla ng ulo. "a-ano ka ba?!"
"sorry, hindi mo kase alam eh. nakatutok mata mo dyan sa libro." paliwanag ko sakanya.
marahas nyang kinuha mula sa kamay ko yung wipes.
ang sungit pero ang ganda-ganda.
"alam ko ginagawa mo ah..." naningkit mga mata nya. "nagti-take advantage ka."
napatawa ako. "grabe naman. we're friends na diba, normal lang 'to."
umiling si ica. "yung mga ginagawa mo, hindi ginagawa ni nicole sakin. ever."
shit.
napanganga ko, sabay kagat sa ibabang labi. ok, she's right.
umisip ako ng palusot. "well... iba-iba naman kase ang friend. you know, may friend na bad influence sayo, may friend na comfort zone mo, may friend din na—"
"na merong gusto sayo." putol nya sa sinasabi ko.
bumuntong-hininga ko.
sinulyapan ko ang food nya. kalahati na, so tumayo na ako. "ubusin mo yan ha? ingat ka mamaya pag-uwi mo."
nginitian ko pa sya bago ako umalis.
---
Awkward sa bahay.
so kahit ayoko nagpapa-late ako ng uwi lagi. buti may excuse ako.—thesis at ojt. wala na kaming training, thank God! in-orient lang ako ng coaching staff na mag prepare para sa offer na mag pro.
sabi ko pag-iisipan ko pa.
si mommy, wala ng sinabi after ng confession ko. ewan ko kung kinuwento nya na kay dad at kuya samboy. pero palagay ko iniiwasan lang talaga namin ang topic.
two months na lang, graduation na.
between going pro or getting licensure, si angelica pa rin talaga ang pinipili ko.
I sigh.
walang ganang sumubo ako ng all time favorite kong chicken fillet.
nasa fastfood kami ngayon ng circle ko.
"taragis yan!" binagsak ni rox ang plastic utensils sa mesa. "alam mo 'te, kayamot 'yang panay buntong-hininga mo. sabihin mo na lang kung labag sa loob mo manlibre."
"sorry." yun lang nasabi ko. tinatamad ako makipag argue.
"stress ka? inom tayo." nakangising sabi ni gian, basta na lang kinuha ang gravy ko.
I need to talk to era.
nasan ba ang babaeng yon? kung hindi busy magpapansin sa crush nyang prof, busy naman mambwiset dun sa isa ko pang pinsan na si fame.
"musta pala si angelica?"
napatuwid ako ng upo sa tanong. "ok naman." ayaw pa rin sakin.
"what about era, what's the deal with her? kalat sa campus pagpapa-pansin n'ya kay Prof. Avila ah. is she really a bisexual?"
she's totally a lesbian
duda ko sa pang uusisa ni rox. "ewan ko, hindi kami nag-uusap about dyan."
"imposible."
"alm mo naman 'yon, bida-bida. wag mo ng pansinin."
"di naman talaga." tumawang sagot niya, medyo sarcastic.
natitigan ko siya.
dati, di ako nag-iisip bakit inis sya kay era. actually, same sila ni fame eh. pero ngayon na inaaral ko mga behavior nila...
parang ang interesting.
kilala ko ang bestfriend ko. yes, she has an attitude but she's a good person. maldita at pilya pero deep inside nangungumpisal kay Lord.
"ba't ka curious sa sexuality ni era?"
nginisihan nya ako. "hindi porket hindi ko favorite ang adobong manok na favorite ng lahat eh hindi ko na pwedeng tikman yon."
nalukot ang mukha ko. "anong klaseng analogy yan roxanne?"
"kadiri! don't tell me gusto mo matikman si era?" singit ni gian bigla.
sinabunutan nya ito. "bobo mo, hindi ganon ibig kong sabihin."
"aray ko, tangina. ba't kailangan mo gumamit palagi ng dahas? kaya ka walang boyfriend eh."
tinapos ko na ang pagkain ko. gusto ko na palang umuwi at matulog.
---
Pag-uwi ko, nasa living area ang parents ko.
"you're late again, samantha." bungad ni dad, di naman galit pero kinabahan pa rin ako. pag ganyang tinatawag nya ko sa buong name ko alam ko na kasunod.
bumeso ako sakanila.
"sorry po, ang hirap makasakay."
si mommy, nakakaunawang tumango. "sige na, magpahinga ka na."
"ah no," pigil sakin ni dad. "bumaba ka after ten minutes. may pag-uusapan tayo."
hala!
shit. napalunok ako sabay tingin kay mommy—tumango lang ulit sya sakin. as if she's saying it's ok.
"ok po, daddy."
umakyat na ko sa room ko. pagpasok ko, sumandal ako sa pintuan.
may kutob na ko...
magtatanong si dad about kay angelica.
OH MY GOSH!
---
A/N
Kung umabot ka dito, pa-vote naman. salamat!
BINABASA MO ANG
Uncrush (GxG)
Roman d'amour"Sabi nila the hardest one to love is the one who needs it the most." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal-may moniker na campus ice queen. but she's not your typical college student na papasang bully. no, she's far from that. ...
