Ica's POV
Kinabukasan, paglabas ko ng kotse nakita ko sya agad...
what, don't tell me, inaabangan nya na naman ako?
"sabay na tayo, ica."
at bakit nya ko tinatawag sa nickname ko? we're not even close.
sumimangot ako. "ikaw na naman?"
ngumiti sya, parang si joker. "iniwan mo ko kahapon sa cafeteria ah, bad yun."
inirapan ko sya, lumakad na ko papunta sa first class ko.
"ba't ba ang sungit mo sakin?" sumunod sya, nasa bandang gilid ko.
hindi ako sumagot. bahala syang magsalita ng magsalita, hindi ko sya kakausapin. hindi ko sya titignan. sino ba sya sa akala nya para pagtuunan ko ng atensyon? mapapagod din sya.
"uy... pansinin mo naman ako."
ang sakit sa tenga ng boses nitong babaeng maliit na to.
"ang dami nagsasabing mataray ka. pero tingin ko, front mo lang yang image na yan. you're not trying to look cool, so alam ko di ka talaga masama. siguro... kaya mo ko iniiwasan kasi may effect ako sayo 'no?"
tumigil ako.
humarap sakanya. dahil nga maliit sya, kaya nakayuko ako. "hey, don't flatter yourself..." nilapit ko ang muka ko ng konti. "ang effect lang na binibigay mo sakin ay inis. gets mo? inis. I-N-I-S. tsh!"
tumalikod na ako.
---
Class dismissed.
at syempre pa, tao ako—so kahit ayoko ang idea ng cafeteria—nakaramdam ako ng gutom. kailangan kong tiisin ulit ang presence nila beltran pati ng walang prenong bibig ng bespren ko.
Gosh, i can't wait to leave college.
araw-araw na lang ba akong magpapanggap na nagbabasa para di ko marinig tunog ng tawa nya?
dapat bawal ang landian sa campus, lalo sa mga public spot.
paaralan to diba?
"ay, hindi ako titingin ng ganyan sa taong kinaiinisan ko." rinig kong sabi ng bespren ko.
as usual, di sya tumitigil dumaldal kahit di ko pinapansin.
"lantaran mo syang tinititigan bes, nahuhuli kita." patuloy nya pa. "pag di sya nakatingin or kahit pa nakatingin na sya. kapagod yan ah. ok ka ba bago matulog? paggising mo sa umaga... muka ba nya unang lumilitaw sa isip mo? pag ba nasa malapit sya, parang sasabog ang dibdib mo?"
oo ganon na nga!
napabuntong-hininga ako, nilingon si nicole. "di ka pa tapos?" mataray na sabi ko.
ngumisi sya. "tama ba ko bes?"
"hindi."
"ows?"
nauubusan ako ng pasensya. instead na sagutin sya, sinara ko na ang libro at niligpit ang mga gamit ko.
"o aalis ka na?"
di pa rin ako kumibo.
"pikon ka eh no? pero kapag ikaw kung makapagsalita ka dyan..."
tinalikuran ko na sya—at sa pagkabigla ko nang makita ang nasa harapan ko, nabitawan ko ang mga hawak ko.
Shit!
it's her.
again.
"hi." nakangiting bati nya. yung klase ng ngiti na nagpapa-cute sa camera.
BINABASA MO ANG
Uncrush (GxG)
Roman d'amour"Sabi nila the hardest one to love is the one who needs it the most." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal-may moniker na campus ice queen. but she's not your typical college student na papasang bully. no, she's far from that. ...
