Chapter four

4.3K 106 6
                                        

Sam's POV

Four months na lang, OJT na kami. tapos another two months, graduation naman.

six months...

meron na lang akong six months para i-pursue si angelica.

it's now or never.

bahala na kahit para nya na kong sinasakal gamit pa lang mga mata nya.—ang ganda eh.

"akala ko nalinaw ko na sayo last time kung anong epekto mo sakin?"

nginitian ko sya, deserve nya to. "eh kaso iba yung sabi ng body language mo."

binaba nya ang hawak na libro. "tapos ka na ba makipaglaro kay beltran kaya ako naman ang trip mo ngayon?"

what?

umismid sya, nagpatuloy. "you don't like me. natya-challenge ka lang. pero sasabihin ko sayo... hindi ako papayag maging bagong subject mo, sam."

ganon ba iniisip—no, ganon ba tingin nya sakin?

sumikip ang dibdib ko. "ok. una sa lahat, hindi ako nakipaglaro kay zaijon para lang malinaw. ginamit ko sya, that's the correct term. now, sasabihin ko din sayo... hindi ka subject. hindi ka bagay o isang idea. you're a person. a beautiful one. and i like you, so just keep that in your mind."

tahimik lang sya for a few seconds.

nagbago din ng konti facial expressions nya. di yun basta mapapansin kung di ka nakatitig ng maigi—lumambot ang kilay nya na usually, salubong.

"ok. let's say, gusto mo nga ko. and then... what's next?"

"i'll pursue you."

"no, you can't do that." nakangising iling nya.

"bakit naman?"

"ayoko."

na-frustrate ako. "bakit nga?"

"i have nothing to do with you."

bumuntong-hininga ako. lumingon sa table namin ng friends ko. sinasabunutan ni rox si gian, habang may inaagaw dito.

pagbalik ko ng tingin kay ica, masama na ulit timpla ng mukha nya. muntik na ko matawa.

"i don't believe it." sabi ko.

"believe it or not, wala akong pake. yun ang totoo." matigas nyang sagot.

feeling ko nasapol ako ng volleyball sa ulo.

gosh! she's so blunt.

nginitian ko pa rin sya. "you know, i'm a psych student for a reason, right?"

umugong ang ring ng bell sa buong cafeteria...

tapos sa isang kisapmata, naglalakad na palayo si angelica.

she's unbelievable, and i want her.

---

Pagdating ko sa classroom, nandon na si Professor. Avila sa desk nya. nagsi-set up ng laptop at projector—strict at commanding ang itsura, pero once magsalita sya, nakikinig talaga ang student.

"good afternoon ma'am." bati ko dito. tapos naupo na ako sa usual seat ko.

"you're late."

di ko na kailangan lumingon, damang-dama ko yung presence ni era.

nilabas ko ang textbook ko at binuklat. "interesting ng psychology 'no?"

dinig ko ang pag-ismid nya. "sobra..."

dinilaan ko ang daliri ko, nilipat yung page. hindi talaga ako nagbabasa, way lang to para makipag-tsismisan sa bestfriend ko. "so, ano ulit plan mo after graduation?"

Uncrush (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon