Chapter seventeen

2.5K 99 2
                                        

Sam's POV

Pabalikwas akong bumangon, automatic na napatingin sa alarm clock. maaga ng 20 minutes. like, how?

hindi ako nakatulog ng maayos... magdamag ko kase inisip si ica. wait, what about her?

paglabas ko ng room, halos magulat pa ako.

gising na sya, nag-i-stretching.

"good morning." bati ko sakanya, napalingon sya agad sakin. "ang ganda mo naman..." ngumiti ako.

Eh sa ang ganda nya talaga kahit bagong gising. suot nya yung oversized shirt ko, tapos medyo magulo ang hair.

ang sarap gumising pag ganto ang view mo araw-araw.

"tsh! aga-aga mambola." pairap nyang sabi sabay talikod. pinagpatuloy ang pag-stretching.

tinawanan ko lang.

sumandal ako sa frame ng sliding door. at ewan ko ba, parang baliw na pinanuod ko sya. ok lang naman 'to ano?

ganda ng katawan

After ko sya pagpantasyahan—hangaan—pumuwesto ako sa kitchen. nag-prepare na ako ng almusal. typical sangag, egg, bacon, spam, at hotdog.

"gusto mo ng coffee? titimpla ko." tanong ko habang nagsasalang ng kawali.

"sige, salamat."

pagtingin ko sakanya, pawis na sya. how can she do that? i mean, minding her own business. tipong wala ako dito. pero feel ko, way nya lang yan para hindi maapektuhan sa presence ko. don't psychoanalyze her sam!

pumunta ko ng room para kuhanan sya ng bimpo. pero di ako nakuntento, tinangka kong punasan ang noo nya.

"a-ano ginagawa mo?"

"pupunasan lang kita. it's harmless, ica. relax." nakangiti kong sabi. "pwede ko rin punasan likod mo?"

hesitant sya, bakas sa mukha na parang bago lahat para sakanya 'to.

naghintay ako.

"it's ok, this won't hurt." sabi ko pa. tapos dahan-dahan ko tinaas ang damit nya, hindi ko inalis ang tingin sakanya. syempre, i also want to know kung comfortable ba sya or hindi.

maingat kong pinasok ang kamay ko...

nakatingin lang din naman sya sakin. it's like, she's figuring something? nakaka-distract sobra yung hinga nya.

"done." hinimas ko pa sya ng magaan sa braso. that's progress! hindi sya nag-flinch or umiwas. di rin sya naninghal.

I think ok naman sya.

nagsimula na akong mag-luto.

***

Habang kumakain kami, nagtataka ko sa kinikilos ni ica. panay sya buntong-hininga. di naman sya mukhang iritable. more like... nahihirapan?

di na ko nakatiis. "napano ka ba, ayos ka lang?"

ang sama ng tingin nya sakin. "sabay din ba tayo maliligo?!"

muntik ko mabuga yung kinakain ko.

hala!

gusto ko tumawa pero pinigilan ko. nilunok ko muna laman ng bibig ko. "ba't galit ka na naman? wala naman ako ginagawang... foul."

binagsak nya yung utensils. "anong wala? para-paraan ka kaya d'yan. ano next mong move, ha? yayakapin mo 'ko? hahalikan? tapos ano..."

nakatulala ako sa mukha nya. tama ba ko ng nakikita? si ice queen nagba-blush? as in, si Angelica Denise Madrigal?

ang dami nyang ni-rant, kung anu-ano. pero di ko na maintindihan. nakatitig lang ako sa lips nya...

sobrang pink non. ang lambot tignan.

parang ang sarap kagatin, at sipsipin? parang ang tamis.

shit.

kumurap-kurap ako. tumayo, dimiretso sa CR. pagkasara ko ng pinto, sumandal ako saglit sabay buga ng hangin.

sobrang init ng katawan ko!

parang medyo basa ako... down there.

ovulation week ko ba?

***

Nasa byahe na kami papuntang school. sabay kaming papasok. hindi ito panaginip, right? kasama ko talaga sya?

can this be real?
can this be true?
am i the person i was this morning?
and are you the same you
it's all so strange
how can it be?
all along, this love was right in front of me

i swear, pinaparinggan ako ni ica. hindi nya masabi yung feelings nya kaya dinadaan na lang sa kanta. tapos kunware, galit at naiinis kasi di nya alam ano gagawin.

nalilito pa siguro.

ako, hindi na ko mag-aaksaya ng oras. itotodo ko na pag-pursue sakanya. malapit na ko eh, ramdam ko na.

bumibigay na yan sya...

"free ka ba later?"

sinulyapan nya ako, focus sya mag-drive. "ano na naman plano mo?"

hindi na gumagana, wala ng conviction mga pagtataray nya saken ngayon. napangiti ako. "sama ka saken sa house namin. dinner."

nagpreno sya bigla, tumingin sakin. "b-bakit naman ako... p-pupunta sainyo?"

is she stuttering? so pretty.

"kabado ka masyado," inayos-ayos ko yung side bangs nya. "pero kung di ka comfortable, ok lang."

"eh bakit mo nga ko... inaaya?"

"well kilala ka na ng mommy, pero si dad hindi pa." sagot ko, pinag-aralan ang reaction nya.

Lumunok sya, tapos medyo nabitin sa ere ang paghinga. she's nervous. and a bit... flattered? i'm not sure, mahirap ng mag-assume. pero ang mahalaga hindi sya overreacted. parang inaaral nya din yung situation and that's a good sign.

meaning, hindi sya totally umaayaw.

ewan ko ano pumasok sa isip ko, ipinatong ko ang lefthand ko sa forearm nya—just to calm her—sabay hinimas ko ng thumb ko. magaan, marahan, maingat. again, hindi sya pumiksi or umiwas.

"sam, if you keep doing that just kiss me."

napahinto ako.

hala.

ngayon ko lang nagustuhan pagiging prangka nya

para akong napaso sa balat nya kaya bigla kong inalis ang kamay ko. tinutok ko ang paningin sa labas ng bintana.

gosh!

ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"m-mali-late na tayo..." halos hindi yun lumabas sa bibig ko. kinagat ko ang lower lip ko.

mga ilang segundo ang lumipas, umandar na ulit ang kotse.

invitation ba 'yon? ok, so kahit medyo wala tayo sa katinuan, alam kong hindi sarcastic ang tone non.

teka, sumobra ba ako sa pagiging touchy? na-misinterpret nya ba yung gesture ko? ano na bang iniisip nya saken?

hindi ako makahinga!

paranoid na ba ako? kase feel ko yung mga mata nya sakin, pasulyap-sulyap.

nagulat ako sa binitawan nyang salita. kung i-a-analyze ko yon at kung magiging prangka din ako...

hindi para sa sarili ko, in general.

I think she's testing me.

and i think i like it.

---
A/N
SAMANTHA?

Uncrush (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon