Chapter 12

2.9K 84 5
                                        

Sam's POV

After one decade, pumayag din si ica kumain kami ng gotto—na dalawa lang kami.

Lord!

kung hindi ko lang sobrang mahal ang babaeng ito baka mag-madre ako sa tuwa ko ngayon.

anyway...

nilapit ko yung platito na may tokwa sakanya. pinisilan ko ng calamansi, nilagyan ng konting suka at toyo. "sayo 'to..."

hindi sya umimik, pero tinikman nya. nakwento ni nicole, hindi daw kumakain si ica pag hindi lutong-bahay. like, medyo maselan sya pagdating sa lasa ng food.

napangiti ako. sunod kong binigay ang lumpiang toge. "ito rin try mo, masarap 'to."

kinuha nya yon, binali-baliktad. "parang mamantika."

"syempre, prito yan eh."

tinitigan nya ako. di yata nagustuhan humor ko. "ano-ano pinapakaen mo sa'kin."

natawa ko, tapos bigla ko naisipan ayusin ang buhok nya. "ang ganda mo."

lumayo sya, "just to be clear, this isn't a date. napilitan lang ako sumama dahil sinabi ni nicole."

oh.

di ko alam paano magri-react. binalewala ko na lang.

"oo na, ang seryoso mo naman. kain ka na..." pinagbalat ko sya ng egg at sinalinan ng water bago tinuon ang atensyon sa bowl ko.

pero hindi ko na malunok.

biglang humapdi mga mata ko. napaso kase ako sa init ng lugaw at sa mga salita nya. alam ko naman 'yon. alam kong napilitan lang sya—well, i practically begged nicole to do that for me. sabi ko, bahala na. kahit pa i-blackmail si ica.

so, alam na alam ko.

nakakatawa. di ko namalayan, ubos ko pa rin yung pagkain.

nang sulyapan ko si ica, wala pa'ng kalahati yung bawas ng kanya.

"hindi mo ba nagustuhan, hmm?"

salubong ang kilay nya. "hindi."

tumango ako. "ipapa-take out ko na lang ha?"

"yeah, do whatever that pleases you."

"uminom ka na ng water?"

instead na sumagot, uminom sya. inangat pa ang baso, pinakita sakin. "happy?"

nginitian ko sya...

ako kaya, kailan?

---

PRIDE RESTOBAR, 9:45 PM

naka-facebook live si roxanne at gian.

kami ng bestfriend ko, parang paligsahan uminom ng soju-beer. i need this. kase ironically, ako 'tong psych student pero nababaliw ako.

"i'm going insane, sam. fuck! i'm going insane..."

natitigan ko si era. s'ya din?

Tangina.

mukha syang stress na stress. nakayuko, sapo ng isang kamay nya ang noo. eww! is she crying?

sinilip ko sya. "you ok? kaya mo pa ba? lasing ka na yata eh."

"stupid! i'm not." mataray nyang sagot sabay suminghot. "i like her... i like her so much." medyo malakas yung pagkakasabi nya kaya inakbayan ko sya tas hinila palapit sakin.

I know she's drunk.

"ang ingay mo gaga ka! umayos ka nga." marahas kong bulong sakanya.

ayoko malaman nila rox at gian na nababaliw rin si era, at sa professor pa. bestfriend ko sya, kailangan ko syang protektahan sa kahihiyan.

Uncrush (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon