Sam's POV
Graduation day.
si ica agad ang hinanap ko sa gitna ng crowd after picture taking at walang katapusang 'congratulations'.
I need to see her. i don't know, i just have this feeling since we last talked—sa parking area.—na baka nga wala talaga.
at all these years, delusional lang pala ako. na inakala kong maaayos ko s'ya. na kahit konti may pag-asa. na pag naghintay ako, papasukin nya din ako.
shit.
where is she?
Nilibot ko ng maigi ang paningin ko. puro unfamiliar faces, pero lahat iisa ng facial expression. happy.
and then, nakita ko s'ya.
iritable ang itsura habang inaayos yung cap nya...
God, she's so beautiful.
The classic ice queen, Angelica Denise Madrigal. salubong ang kilay, mataray, walang ngiti sa labi, at lagi naka-singhal.
how could i ever let her go?
pwede bang huminto muna ang mundo kahit sandali? parang ayokong kumurap... parang kapag humugot lang ako ng hininga, mawawala s'ya bigla.
Lumakad ako palapit sakanya.
nang magtama ang mga mata namin, napahinto s'ya.
tangina sam, wag kang iiyak!
sa hindi ko na mabilang na beses, nginitian ko sya. deserve nya, magna cum laude 'yan. "congrats, graduate!" bati ko sabay lahad ng kamay.
nagdalawang-isip sya bago 'yon tinanggap. at nang dumampi na ang palad ko sa palad nya, di na ko nagpaligoy-ligoy pa...
niyakap ko sya. narinig ko ang mahina nyang pagsinghap.
oh, God.
uminit ang mata ko, kumurap-kurap ako. "sorry," bulong ko agad. "next time, i'll ask for consent." ipinulupot ko ang isang kamay ko sa bewang nya.
may next pa ba kaya?
pumikit ako.
all this time, wala lang ba talaga ako sakanya? inis lang ba naging epekto ko? hindi ba ako mahalaga? i think, yung sagot matagal nang nandyan pero pinili ko lang ignorahin.
like sa volleyball.—yung alam mong kuha na ng kalaban ang buong set pero dahil sabi ni coach, 'keep going', tuloy ka pa rin kahit alam mong talo na.
wala eh, gano'n dapat ang mindset.
atleast, you did your best. then next time, babad ka ulit sa training kase ayaw mo ng 'you did your best' lang.
gusto mo championship. gusto mo panalo.
"I'm leaving, sam."
humugot ako ng hininga bago kumalas ng yakap. tumingin ako sakanya, diretso sa mata. gosh! kung alam ko lang...
di sana hinalikan ko talaga sya di'ba?
tumikhim ako. "why do i have this feeling na... you're saying goodbye?" i joked, pinilit ko lang.
"because i am." seryoso ang mukha ni ica nang sumagot sya.
right there and then, sigurado na ako.
tumingin ako sa ibang direksyon. "like what, ika-cut off mo ko? i get it now, ica. you're just terrified." sabi ko. pagbalik ko ng tingin ko, parang do'n lang din nya 'yon na-realized.
"yes, you're right." sagot nya, tumango-tango. "or hindi lang talaga ako ready. you can't wait for someone like me, sam. i don't deserve you. and you don't deserve a person who's unsure... a-and, unwilling. okay? you are so—" huminto sya. may tumulong luha sa mga mata nya, mabilis nya'ng pinunasan.
hindi ako nakagalaw, para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"God, you are so beautiful." patuloy nya, may matipid na ngiti. malungkot. "so you deserve someone better. 'yung taong... hindi mo kailangan habulin. kasi katulad mo rin sya, willing ka hintayin. and i hate to say this because i know, it'll break your heart but sam... hindi ako ang taong yon."
hindi ako makahinga. para akong dinaganan ng kung ano.
ang bigat-bigat ng dibdib ko, parang may dagundong sa loob. masakit. para nang sasabog. wala na akong ibang marinig, wala rin akong masabi.
di ko namalayan, basa na din pala ng luha ang pisngi ko.
"hindi ako ang taong 'yon."
sa lahat ng sinabi ni angelica, yun ang pinaka-tumatak.
kasi sa lahat yun ang pinaka-totoo. and the worst part?
kailangan ko talagang tanggapin.
***
Ginala ko ang paningin sa cafeteria...
iilan pa lang ang mga students, maaga kase ng 1 hour bago ang 1st class ko so nag-decide akong tumambay muna para abangan sya.
tinext ko s'ya na magkita kami at mag usap sandali...
Nasan na ba ang babaeng 'yon?
Tumingin ako sa relo ko—wow! fifteen minutes na s'yang late ah. hindi naman sya nali-late kahit isang beses.
ay hindi, ngayon pa lang. pero bakit?
maya-maya lang, nakita ko na syang pumasok...
tapos lumundag ang puso ko nang maamoy ko sya, nasa harapan ko na pala sya.
"morning." casual na bati nya.
ang ganda. pinagpala sa lahat. bigla ko syang naisipan lapitan at yakapin.
ang sarap.
"hindi ka nakatulog ng maayos 'no?" tanong ko sakanya.
"yeah," tumango sya. "sorry late ako. inaantok kasi ako habang nagda-drive."
napatingin ako sakanya. "ayos ka lang?"
"magaling ako'ng driver." ngumiti sya—yung ngitian nyang patabingi na tatlong taon kong kinababaliwan.
"nag-breakfast ka na ba?"
"nag-milk lang ako." iling nya. "kain tayo."
Sa loob ng isang oras, parang kaming mga bata. nagkulitan lang kami. nandyan yung ginugulo nya ang buhok ko tas susundutin ko naman ang ilong nya—sobrang tangos kasi non, nang iinsulto.
minsan naman, nakatitig lang kami sa isat-isa...
tapos biglang tatawa kahit walang dahilan.
aasarin nya akong hindi kagandahan pero idi-describe naman nya yung bawat part ng mukha ko na gustong-gusto nya.
kunwari pa, type naman din ako.
magbibitaw din sya ng mga jokes na korni. as in. pero dahil gusto ko sya, tumatawa ako ng malakas kahit di talaga nakakatawa. madalas, need pa nya i-explain bago ko ma-gets. napansin nyang peke yon so napipikon sya. doon ako mas natatawa—nakakatawa sya pag galit, lumilitaw yung jawline.
she's really confusing sometimes.
sabay kaming lumabas ng cafeteria at naglakad sa hallway...
"Sam? hey, you ok? uy..."
napakurap ako nung may mag-finger snap sa harap ng mukha ko.
it's era.
"you're zoning out. napapadalas na 'yan." comment nya pa, tsaka umupo sa edge ng kama.
huminga ako.
"that's unhealthy." patuloy nya. "nag-aalala na ko sayo..."
nakatitig lang ako sa pader.
"sam—"
"i'm fine!" putol ko sakanya. humiga ako patalikod, nagtalukbong ng kumot.
gusto ko lang matulog.
---
A/N
Magkwentuhan naman tayo sa comment section guys.
anong tingin nyo?
BINABASA MO ANG
Uncrush (GxG)
Romansa"Sabi nila the hardest one to love is the one who needs it the most." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal-may moniker na campus ice queen. but she's not your typical college student na papasang bully. no, she's far from that. ...
