Chapter three

4.8K 116 4
                                        

Sam's POV

Sa totoo lang, hindi ko gusto talaga ang attitude ni zaijon beltran. arogante, playboy at medyo bastos.—no, hindi nakaka-pogi. ok nga lang sana kung mabait, kaso hindi rin.

lagi sinasabi sakin ni roxanne na astig ang image nito. sina-suggest ng pinsan kong magpaligaw ako dito dahil advantage ko daw yon. i'm like, saan banda?

kahit ayoko, pinagbigyan ko na lang.

Kapag kasi kasama ko si zaijon, umiiwas yung iba pang mga nagtatangka.

Pero at the same time, lumilitaw bigla si angelica—yes, that girl. she's really beautiful. at oo, nuknukan ng sungit. madalas nakakunot-noo, hindi ngumingiti, lagi pang nakasinghal. pero ang ganda talaga eh. actually maamo ang mukha nya.

yun yung klase ng mukha na masarap pagmasdan sa umaga. pwede ko syang titigan buong-buhay ko...

"hey, you ok?" sabi ni zaijon sabay akbay sakin.

pasimple kong inalis ang kamay nito. "yep, cr lang ako."

"i'll go with you."

gago ba to?

tinaas ko ang kamay ko. "oh no, i want to be alone, jon. tsaka kung pwede sana, wag mo muna akong samahan. sa kahit saan o kahit kailan... o kahit ano mangyari."

"whoa, what do you mean by that?"

"that's exactly what i mean." yun lang tapos umalis na ako.

---

Hinihingal na naupo ako sa court at tumunganga.

yung team mates ko naman, pinanuod akong mawalan ng gana maglaro. ok, first things first...

I'm really tired.

ang sama ng araw ko. frustrated na napahilamos ako ng mukha. huling beses na na-distract ako ng ganto, nung nakita ko sa crowd si angelica.

oh, speaking of her... i'm thinking of her a lot it should be illegal.

hindi ako makapaniwalang siniwalat ko sa buong school na gusto ko sya. ah hindi, na inlove pala ako sakanya.

sobrang nadala ko ng emotion eh. ang ganda-ganda nya kasi.

at ngayon for sure, mas may dahilan na sya para layuan ako. great!

"sam, ok ka pa ba?" nilapitan ako ni franz, middle blocker namin.

nag-indian seat ako, tumingin sakanila. tumango.

alam kong kailangan nila ako dahil... well, hindi sa pagyayabang pero isa ako sa magaling na spiker sa team.

nanlulumo ako, nahihiya, at nahihirapan.

"sorry guys. i'm... i'm a bit shitty."

tinapik ako ni cally sa balikat. "girl it's ok, wala naman si coach."

"may problema ba? share mo lang, may time kami makinig." sabi ni captain anna.

nagulat ako nang maupo sila pabilog. handa silang makinig sa sasabihin ko pero hindi ko alam kung handa ba ako mag-share.

huminga ko ng malalim. "i think... i belong to the rainbow club guys."

napanganga silang lahat, literal.

i'm not exaggerating. syempre talagang magugulat sila kasi nag-date kami ni zaijon for three years, pero hindi ko sinagot.—three years kong pinaasa, at niloko ko naman ang sarili ko.

so technically and logically, i'm straight? or not.

"what do you mean, you're bisexual?" matinis na sabi ni cally.

Uncrush (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon