Sam's POV
ugh, mondays.
By 9:00 AM, nasa clinic na ako. professional mode na ulit kahit hindi pa completely nawawala yung tama ng alak. parang gusto ko lang humilata buong araw—next time, bacardi is a NO for me.
"Good morning, Doc." masiglang bati ni mon, secretary ko.
gumanti ako, polite. "morning. line-up natin today?"
Ang bigat ng ulo ko. like, i'm wearing a helmet na hindi ko matanggal. yung boses ni mon habang nilalatag sakin ang mga magpapa-consult, parang loud speaker na sabog ang dating.
I take a slow breath. focus, samantha.
First session, mag-asawang nasa late 30's ang kaharap ko—liza and marc. couple therapy. goodness. pareho silang intense, ayaw mag-bigayan. kapag nagsalita ang isa man sakanila, laging may sagot yung isa pa, parang hindi magpapa-talo.
"here's a small step," magaang ang boses na sabi ko after nilang magbangayan. "for the next week, bawat isa sainyo notice one thing the other person did. maliit o malaki. and say it out loud. simple recognition. think you can try that?"
Second session, twenty year-old college student with anxiety. nakayuko, fidgeting ng daliri, nanginginig ang mga tuhod, pawis. hinayaan ko s'ya maging comfortable muna. binigyan ko ng time para huminga. nang makolekta niya ang sarili at tumingin sakin, nginitian ko s'ya.
"this is a safe place, jamie." i told her, soft voice.
and that earned me a small smile.
Late afternoon.
usually, nagla-lunch kami ng sabay ni mon. pero sabi ko kailangan ko umidlip kahit 20 minutes lang kasi para na talaga akong lumulutang sa ere.
paglabas nito, hindi pa naisasara ng maayos ang pinto nang sumilip ulit.
"Doc sam," pabulong na tawag ni mon sakin, papayuko pa lang ako. "may naghahanap sayo. tamarah daw po."
what?
ang bilis nang tayo ko, bigla akong nakaramdam ng kaba. "uhm, papasukin mo. i know her."
MY GOSH!
what is she doing here?
maya-maya lang, s'ya na yung nakasilip sa pinto. friendly ang smile and... cautious. hindi siya agad pumasok, tumayo lang siya doon as if waiting for a permission.
"hey, hi." i cleared my throat. "come in." nakangiting sabi ko. she's visibly shy. nakatago sa likuran ang mga kamay at hindi makatingin ng diretso. "what brings you here? have a sit please."
pero hindi sya naupo pagpasok niya.
"hello, sam." alanganin n'yang bati. "sorry, i hope hindi ako nakaka-invade?"
ang bilis ng iling ko. "no, no. it's okay. let's have a sit."
hindi pa din siya naupo.
Instead, nilabas niya ang isang kamay at merong paperbag na tumambad sa harap ko. literal. like, halos matakpan na yung mukha ko. for a moment, i was caught off guard. pero natawa rin ako eventually ng ma-realize ang gesture.
magaan kong inilapat ang kamay ko sa knuckles nya at dahan-dahan kong ibinaba...
and there, i saw her face blushing.
"what's this?" malawak ang ngiti na tanong ko. tinitigan ko siya. gosh, she's adorable. maraming beses nya siguro pinag-isipan ito bago siya napunta dito. i can read her body language.
stop it sam.
"oh this is pesto pasta," sagot n'ya, sabay labas ng glass container. "well, i didn't realized i'd cooked quite a lot earlier..." nilapag nya 'yon sa desk ko, maingat na inayos-ayos. parang hindi siya sure kung tama ba ginagawa niya. pansin ko ang panginginig ng daliri nya, paglunok at paghinga.
BINABASA MO ANG
Uncrush (GxG)
Romance"Sabi nila the hardest one to love is the one who needs it the most." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal-may moniker na campus ice queen. but she's not your typical college student na papasang bully. no, she's far from that. ...
