Faculty conference room, 8:30 AM
mahaba at makintab ang conference table. sa isang side, naka-upo si Prof. Avila. sa kabila ang mga students na involved sa incident.
nasa gitna si Head mistress Sorella Velasquez-naka-tailored blazer, matalim ang tingin. kilala itong matapang, hindi tumatanggap ng excuses, at kahit mga anak ng prominent family walang takas sa boses nito.
the atmosphere was anything but calm.
Nakahilera sina Roxanne Dela Cruz, Giannis Alcantara, Kiera Berenice Limjoco at Samantha Dela Cruz. sa kabilang side naman, sina Angelica Denise Madrigal, student council president Andriah Calderon at Zaijon Beltran,
"Good morning," panimula ng head mistress. "the reason you're all here is because of two separate incidents, both happened just this week. frankly, hindi ko lubos maisip na senior students ang involved dito. at kung kailan malapit na ang graduation, doon pa may ganitong problema."
nag-yukuan ang ilang students nang ilibot nito ang paningin.
binuklat ni headmistress sorella ang hawak na folder. "Let's start with the first one. 'yung livestream sa isang restobar..."
umayos ng upo sina roxanne at gian. hatalang mga kabado.
nagpatuloy ito. "Ms. Roxanne, personal account mo ang gamit sa pag-live. is that right?"
"y-yes head mistress." mahinang sagot nito, hindi makatingin ng diretso.
in-adjust ni sorella ang eyeglasses. "tell me what was the point of that live video? naka-public 'yon, hindi mo ba naisip na puwedeng makarating sa kung sino-sino?"
napalunok si roxanne, halos mamutla na. "w-wala po, ma'am. for... f-fun lang po. sorry po."
nagtaas ng kilay ang head mistress. "fun, huh? you're a senior in this university, Ms. Dela Cruz. Belfort expects more sense from its graduating batch." tapos ay bumaling ito sa katabi ni roxanne na si gian. "and you, Mr. Alcantara..."
napaunat ng upo si gian. "p-po, head mistress?"
"ang nag-iisang lalaki sa circle. yet, ang unang nataranta." tumatango-tangong sabi pa nito.
walang nakakuha sa mga estudyante kung anong ibig sabihin no'n, pero lahat sila saglit na nagtaka. nagtinginan sa bawat isa.
"mukhang marami ka'ng alam, ano?" kumibot ang itaas na labi ni sorella. "pwede mo ba sabihin kung ano'ng nakita mo sa comment section dahilan para... mataranta ka ng gan'on, gian?"
Sa tono ng pananalita ni head mistress, parang nanghihikayat ito na may kasamang threat. tipong, hindi ka makakapag-sinungaling. wala ka talagang choice.
hindi naiwasan ni gian mapatingin kay professor jade-na noon ay tumango dito, bilang signal.
"ah, s-si professor avila po. pinapapunta nya po kami sa office nya. then, yun na po. in-end na po namin yung livestream." sagot ni gian dito.
"hmm, interesting." lumingon si sorella kay jade na nasa bandang kaliwa. tapos lumipat ang tingin kay era. "Ms. Limjoco..."
tumingin naman agad ang tinawag, diretso. "yes, ma'am?"
"care to explain your behavior?"
"wala naman po ako ginawang mali. except... umiyak at okay sige, mag-rant." smirk na sagot nito. hindi mayabang pero naninindigan lang sa kung ano ang nararamdaman.
umiling si head mistress, disappointed. "young lady, your family has been a long-standing benefactor of this institution. perhaps, that explains your boldness. but do not mistake privilege for immunity. your family's name doesn't exempt you from discipline."
BINABASA MO ANG
Uncrush (GxG)
Romance"Sabi nila the hardest one to love is the one who needs it the most." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal-may moniker na campus ice queen. but she's not your typical college student na papasang bully. no, she's far from that. ...
