Ica's POV
"Hindi ka ba talaga sasama?"
nilipat ko ang page ng libro na binabasa ko. "nope. ano naman gagawin ko dun?" iling kong sagot.
nag-flinch ako sa gulat sabay angat ng tingin. parang dumadalas yata pagdadabog nito ni nicole?
"ano ba problema mo?" tanong ko. pinanuod ko ang bespren ko isa-isang kunin yung basket ng fruits, box ng pizza, flowers, at bag.
ang sama ng tingin nya sakin. "last day ni sam ngayon sa ospital, pupunta lahat. friends nya, teammates, coaching staff, tsaka may mga prof din. tas ikaw, ayaw?"
there it is.
Inis na binagsak ko ang libro sa desk at tumayo.
namewang ako, humarap kay nicole. "yun nga eh, pupunta na lahat. so bakit pa ko kailangan don?"
bumuga sya ng hangin patingala. ano yan, ubos na ba pasensya nya? kasi ako din.
"ok fine, bahala kang magmatigas." tumalikod na sya.
anong nagmamatigas? hindi ba pwedeng ayoko lang talaga dalawin si sam sa ospital?
tsh!
bago sya makalabas ng kwarto ko, nagsalita pa sya. "FYI lang, sabi pala samin ni tita, binabanggit daw ni sam name mo nung unconscious. di ka pa daw nya nakita. imagine? sa dami namin dun, yung nag-iisang tao na hinahanap, ayaw pumunta?"
nag-flinch ako ulit nung isara nya ng malakas ang pintuan.
maldita!
konsensyahin ba naman ako, tama ba yon?
hindi sa ayoko...
pero kasi, oras na magpakita ako don, iisipin ni sam concern ako sakanya—bagay na iniiwasan ko nga mangyare.
Gosh! i can't believe na nakonsensya talaga ko.
---
Dalawang araw akong nag-hesitate...
at ngayon nandito ko sa bahay nila.
kunot-noong pinagmasdan ko sya—nakangiti sakin—iniisip, kung paano nya yan nagagawa.
dahil ba mabait sya?
at ako ang kontrabida.
gusto ko naman sanang tanungin kung kumusta sya. kaya lang, pag ginawa ko yun anong sunod? sabihin ko ba... "wag mo kasi pabayaan ang sarili mo, hindi ka immortal. pahinga ka din." tapos edi aasa na sya diba?
"sinong pumilit sayo puntahan ako?" tanong ni sam sakin, walang bahid ng sarcasm. pure curiosity lang. isa pa yan, paano nya nagagawang maging "ok" lang?
I admit, di ako sinungaling na tao. pero these past three years, oo.
"si nicole, sino pa ba?" sagot ko, casual.
tumawa sya. "sabi na eh." tapos sinulyapan yung bouquet ng yellow lilies na dala ko. "that flower symbolizes happiness and... friendship. ikaw talaga pumili nyan?"
"yeah." tango ko. oo, sinadya ko yun.
"gusto mo na ko... maging friend?"
Gusto ko ba? humugot ako ng hininga. "yun lang kaya ko ma-offer."
umiwas sya ng muka. tumahimik. pagbalik nya ng tingin sakin, nakangiti na ulit sya parang si joker. "ok, let's be friends then."
tumayo sya sa tapat ko at nilahad ang kanang-kamay.
nagtaka ako. "ano yan?"
"ayaw mo ba? edi hug na lang..." binuka nya ang dalawang kamay.
lalo akong nagtaka. "why would i hug you?"
BINABASA MO ANG
Uncrush (GxG)
Romans"Sabi nila the hardest one to love is the one who needs it the most." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal-may moniker na campus ice queen. but she's not your typical college student na papasang bully. no, she's far from that. ...
