Sam's POV
Cafeteria was the same as always—crowded, maingay, amoy samu't-saring expensive perfume, air-conditioned at parang slow motion lahat habang nakatingin ako sa isang direction... tao.
Her.
walang ganang dumadampot ng fries, straight ang posture, seryoso ang mukha.
as usual, dinadaldal sya ni nicole pero wala syang 'pake' kunwari. palagi nya sinasabi yon na parang ritual lang.
I inhaled, then lumapit sa table nila...
una akong nakita ni nicole. nagulat pa muna to sandali, bago ngumiti. "uy sam."
pansin kong kumislot si ica pero still, composed yan.
"hey guys." bati ko sakanila, sabay upo sa tabi nya—pero may space akong iniwan. ok lang naman to diba?
tinitigan nya ako, kunot-noo.
"hi." nginitian ko sya. ang ganda nya.
"kung may human form ang bangungot, ikaw yon." mataray nyang sabi sakin.
natawa ako. ang witty! nilapag ko ang dala kong paperbag sa mesa, in-slide ko sa harap nya. "this is for you... naalala kita nung nakita ko yan don sa cafe na tinatambayan ko."
bumaling sya ng tingin sa kaliwa nya. "ayoko ng kahit anong galing sayo."
"libro lang naman, promise walang love letter this time." biro ko.
"o libro lang daw bes," sabi ni nicole sakanya. "it won't hurt you."
nag-crossed arm si ica. "but it will annoy me. so, no..." tapos binalik nya yung tingin sakin, matalim. "NO. in tagalog, HINDI. hindi ko yan tatanggapin, ayoko. stop pestering me!"
i tried my best not to break—di ko hinayaang mag-fade yung ngiti ko. instead, nangalumbaba ako at pinagmasdan sya...
"angelica." saway ni nicole.
umiwas na ulit sya ng tingin. paano ko ba to sya pangi-ngitiin?
"ganto na lang..." kinuha ko na yung paperbag. sanay na ako. kahit isa sa mga gifts ko, wala talaga syang tinanggap since freshman year namin. "pag vacant mo, sama ka sakin dun sa bookstore."
"ayoko."
"one time lang, sige na." i insisted. "magugustuhan mo talaga don."
nalukot ang maganda nyang mukha. "kung ikaw ang kasama, dibale na."
"ituturo ko lang saan banda...—tumingin sya sakin. parang medyo nag-shift yung expressions nya, so i continued. "tas aalis na ako."
tinitimbang nya yung sinabi ko. gosh, please say yes! well, syempre may plano na ako. maglalakad kami para makasama ko sya ng matagal. chance ko na yon para magkaron kami ng moment, magka-usap.
i mean, kailangan ko maging creative sa pag-pursue sakanya. right?
"pag pumayag ako, gusto ko tigilan mo na ako." sabi nya, maya-maya.
bakit may kundisyon?
nawala ng konti ang ngiti ko. sinulyapan ko si nicole—uneasy ito, halatang hindi masaya sa nangyayare.
"ang hirap naman nyan eh..." hindi ko yan kaya.
"edi wag ka ng mapilit." she growled into my face then stood up.
"uy bes..." tumayo na din si nicole, tsaka apologetic na ngumiti sakin bago sinundan si ica.
mahirap ba ako magustuhan?
BINABASA MO ANG
Uncrush (GxG)
Romance"Sabi nila the hardest one to love is the one who needs it the most." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal-may moniker na campus ice queen. but she's not your typical college student na papasang bully. no, she's far from that. ...
